TERMINATING MY PREGNANCY

I'm 20 weeks and 4 days and it's our anomaly scan today. We found out na may Amniotic Band Syndrome si baby. Natunaw yung brain and left hand nya because of too much Amniotic fluid. Di naman cause of genetics and there was nothing to do to prevent it. Even tho na maipanganak ok sya di ko maiiuwi because ilang oras lang mabuhuhay ang baby girl ko. I'm so sad and mas malungkot si hubby iyak sya ng iyak. He knows na di ako umiiyak infront of others, but di ko mapigilan when he started crying. So we decided to terminate my pregnancy on Monday. She's kicking rn while I'm crying :(( We already picked out a name and we started buying stuff for her :(( Ive prayed every night na sana maging healthy ,normal and safe si baby but I dont know what i did wrong. We took extra precautions pa nga :( Nakakalungkot ng sobra. I just wanna share and ask if gano katagal kaya ako mabubuntis ulit? I feel like I NEED to be pregnant again, I NEED to hold my baby kasi di ko makakaya yung lungkot. Btw I'm 21 and my hubby is 24. Edit: I already terminated my pregnancy mga mamsh :( it was hard pero atleast my baby girl is dancing in heaven with her grandaddy, no more pain. Thank you for all your comments, nakakaiyak I'm okay now physically but emotionally hindi pa, I always cry every night when I pray. I miss my active baby and my baby bump. We decided to call her Leilani ♡ it's a Hawaiian name means heavenly flower. I also decided na mag vacation muna sa pinas, para mawala lungkot ko. It'll be sad and painful seeing my healthy baby nephews but they'll make me feel better. Labyu mga mamsh, thank you all for being with me on this painful journey.

TERMINATING MY PREGNANCY
235 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Stay strong sis. Last year, tinest den ni god kaming mag asawa. My pregnancy last year was so perfect. Normal lahat sa baby ko at alagang alaga ako ng OB doctor ko. Katulad mo, complete na gamit ng baby ko. Waiting na lang na mailabas sya. 7days before my EDD, cord coiled si baby at di nag survived. Sobrang sakit sa part ko kasi i did everything para maging safe and healthy ang baby ko at mawawala lang ng ganun kabilis. Sobrang lapit na namen sa finish line and all of the sudden nawala sya samen mag asawa. Di ko man alam ang dahilan kung bakit sya biglang kinuha samen But still nanalig ako kay god. After 2months nung delivery ko, nabiyayaan ulit kame ni hubby. Buntis na ulit ako at baby boy naman this time. Wag ka pang hinaan sis. Hindi kukuha sayo si god ng isang bagay na walang ipapalit. Pray lang always.

Magbasa pa