916 Replies
18 weeks palang ramdam ko na baby ko. Pag gabi sya gising. Napakalakas ng sipa. Napaka active nya. Once na sumipa sya, ilalagay ko na palad ko sa puson ko. Ayun sunod sunod na syang gumagalaw. Kaya alam kong sya na yun.
19 weeks and 1 day today pero 18 weeks pa lang nararamdaman ko na sya like bubbles inside and parang pitik sa may puson ko kaya nagugulat ako hehe. Minsan naman parang alon pero napaka-gentle lang 😊 first time mom din :)
17wks nafeel ko na ang baby movements. Since dalawa sila sa tummy ko mas nakakagulat nung una halos maging nerbyosa nako haha. Double kicks natatanggap ko. Now im 19wks medyo malakas na ang little kicks 🥰
I had my first on week 13 which was pretty early and 2nd the following week. Then it stopped until week 16 onwards, I could feel it everyday. It depends on individual pregnancy too. Some only feel it later about 20 weeks.
First time mom ako at naramdaman ko yung saken at 18 weeks😊lalo na pag nakikinig ako ng mga nakakaindak na tugtugin, mukhang dancer si baby hehe😍pati na din pagkatapos kong kumain
19weeks ko siya naramdaman, nakahiga ako habang nagyou2tube napalakas ata yung sounds bglang may parang bubbles effect sa tyan ko side niya tapos the other day sa puson ko na. Everyday na siya gumagalaw lalo pag gabi.
19weeks..d ako sure kung si baby n ung gumglaw.. Para kasi may ng pupush minsan sa tummy minsan sa puson.. Then may parang kumakalabit sa loob.. At parang may bglang hangin sa loob.. Minsan nmn masakit sa tagiliran ko..
You should feel your baby's first movements, called "quickening," between weeks 16 and 25 of your pregnancy. If this is your first pregnancy, you may not feel your baby move until closer to 25 weeks.
Mararamdaman po ba yun? First time mom po ako so wala po talaga akong idea if pano gagalaw yung baby. Kaka 19 weeks ko pa lang po pero wala pa rin po akong nararamdaman na pag galaw ni baby :(( medyo nagworry po tuloy ako hehe
same here. pero may nararamdamn akong bubbles or minsan tumutunog tyan ko. hindi ko alam if gutom ako or gas lang yun.
19weeks narin ako pero d sya magalaw eh unlike sa panganay ko noon na ang likot na at ang lakas ng pitik sa may puson ko banda (boy) ngayon tahimik lang baby girl base sa ultrasound ko pero d pa daw 100% sure
Lena