Hindi namin alam paano sabihin sa magulang ko.
I'm 18 years old. Alam ko na bata pa. 10 weeks ng buntis. Hindi pa rin namin alam kung paano sabihin sa magulang ko na buntis ako. ? pero sa side ng boyfriend ko okay na. Help us paano sabihin. ? Kinakabahan kami. ?
momsh. last year lang naexperience ko yan. 25 years old na ko ha. sobrang taas ng expectation sakin ng parents ko at sobrang strict nila, natakot din ako. pero ako naman nalaman ko na buntis ako, 5months na pala sya. di din namin alam pano sabihin kasi nag pacheck up ako december 23 na magpapasko. pero di ko na pinatagal nung nalaman ko sinabi agad namin ni bf. SOBRA SOBRANG nagalit sila samin as in. (only girl din kasi ako) so ang hiling nila magpakasal kami bago lumabas baby, nagpakasal kami. Ngayon sila pa bumibili ng mga gamit ni baby. Ang binili lang namin ni hubby, mga pang bath lang and other essentials. ramdam ko na excited na din sila. Due ko na sa May 1. Super excited na kaming lahat lumabas si baby. Kaya sabihin mo na. Para maguide ka sa pag bubuntis mo. Tiisin mo lahat ng sasabihin nila ganun talaga kasi mahal ka nila and yung age mo din. Mawawala din yan. Believe me. Kaya mo yan. wag mo na patagalin kasi mas magagalit sila pag tinago mo pa ng mas matagal. Goodluck and congrats on your pregnancy. enjoy the journey :)
Magbasa pa
mommy of one brave girl