Buntis po ako

Hi po share ko lang po. I'm 24 years old na at meron na rin akong trabaho. Buntis po ako ngayon ng 4 months kaso po Hindi pa alam ng magulang ko takot po Kasi akong Sabihin sa Kanila kung ano ang magiging reaction po nila pero sa partner ko po ay alam na ng magulang niya na buntis po ako. Paano po ba sasabihin sa mama ko na buntis po ako kasi ilang beses na po sya nag tanong dahil nahahalata na rin daw niya na lumalaki po ang aking tiyan . Salamat po and Godbless Any tip lng Po or encourage words para masabi ko na po sa mama ko.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hello po. If nagtatanong po si mama mo you say yes.. opo buntis po ako. Pero mas okay na ikaw na yung magsabi kahit di nya ulet itanong. Sabihin mo lang mama, magiging lola ka na. Mas okay sana if kasama mo yung bf mo para masabi nyo din yung plans nyo if papakasal ba kayo. Importante din kase sa parents lalo’t babae ka yung may plans kayo para mas kampante sila.

Magbasa pa