Hindi namin alam paano sabihin sa magulang ko.
I'm 18 years old. Alam ko na bata pa. 10 weeks ng buntis. Hindi pa rin namin alam kung paano sabihin sa magulang ko na buntis ako. ? pero sa side ng boyfriend ko okay na. Help us paano sabihin. ? Kinakabahan kami. ?
Sabihin nyo na, natural lang magalit amg magulang pero paglabas ng apo nila sobrang tuwa na nila. Kung ikaw din ilagay mo sarili mo sa sitwasyon ng magulang mo di ka ba magagalit? Pero ang magulang mapapatawad naman ang anak. Mas maganda ng sabihin nyo para tulungan din kau ng magulang nyo kung anong gagawin. Ganyan din ako after grumaduate ng college nabuntis. Sinabi ko sa parents ko hindi naman sila nagalit pero grabe yung iyak nila. Ang ineexpect ko pa nga papalayasin/itakwil ako pero hindi naman. Sabihin mo na stress din sa baby yung stress mo. Goodluck!
Magbasa paHi! Ako kaka 18 ko lang and I'm 9 months pregnant, grade 12 ako graduating and di ko pinaaalam sa family ko na buntis ako at age of 17. Madi disappoint talaga sila in the first place pero wag ka mag alala kasi matatanggap din nila yan since nandyan na yan wala silang magagawa kundi tanggapin. Ako nga nahalata ako nang lola ko kaya napaamin ako pero eto alaga nila ako, sinusuportahan nila. Tiwala lang sis wag kang matakot. Alam kong masesermonan ka pero andyan na yan. Wag kang matakot kasi malalaman at malalaman din nila yan.
Magbasa pabased on my experience its better na sabihin mo agad sa parents mo para may mag gaguide sa pag bubuntis mo. sa una lang yan sila magagalit pero matatanggap din nila yan lalo nat pananagutan ka nman ng bf mo . kasi ako nabuntis din po ako ng hndi inaasahan after i graduate from college nabuntis ako agad ni bf and after two days sinabi ko kaagad sa parents ko. hiling lang nila na magpakasal kmi and then yun pinakasalan nya ako😊less stress na rin pag alam na ni parents and remember bawal mastress ang buntis
Magbasa paSame here. 18 years old din ako , turning 19 this june and july 1 yung EDD ko. Oo mahirap umamin sa magulang. Pero isipin mo na lang din yung kapakanan ng magiging anak mo. At tsaka magulang mo yan ,kahit anong mangyari mas pipiliin nyan na unawain ka. Pero hindi naman nila maiiwasan na magalit since mga bata pa tayo. Wag ka lang masyadong magpapadala sa mga sasabihin nila. Tanggapin mo lang kasi deserve mo naman, wag lang sasaktan. Mali yun. Sana maging matibay yung loob mo, para sa baby mo 💕
Magbasa paAko rin po nung nabuntis ako di ko sinasabi im 15yrsold nung nabuntis ako☺ nagtaka ang mom ko dahil sya lang ang nakakabawas ng napkin so sya na mismo nagPT saken nun then wala naman, at di ka naman nila pwedeng pagbuhatan ng kamay dahil preggy ka no?! Hello😂 wala na silang magagawa dahil nandyan na yan! Apo nila yan matatanggap nila yan promise😊 ganyan din reaksyon ko di ako dinadatnan eh feeling ko papalayasin ako pero hindi parents mo yan eh😍👏
Magbasa paWag mo ng patagalin kahit na madaming gumugulo sa isip mong what if's sbhin ninyo ng bf mo ang totoo at humingi kayo ng tawad ... kasi sa totoo lang mas lalo kang masstress kakaisip hanggat hindi nila alam ... pamilya mo sila mas kilala ka nila kesa sa ibang tao at dahil love ka nila kahit na magttampo sila matatanggap ka pdin nila 😊 walang magulang na kayang tiisin ang kanilang mga anak, at once na naging magulang kna maiintindihan mo din ang essence nyan 😊
Magbasa pahelo sis ifeel u po nung una😊 bagi nila nalaman na preggy ako magsisix mos na😁.kac natakot dn ako.🙁.pero nglakas loob ako na sbihin nlang ang ttoo pra sa klagayan ng baby ska, sa mga advice ng mga kaibigan ko..pero mas mabuti po hanggat maaga pa ipaalam nyuna sa parents mo.pra alam na nila.yes nandun po ang tinatawag na affraid bka anu sbihin nila "ganito" ganyan".mbuti p0 sbihin nyuna sa knila pra alam na nila matulungan kpa po nila.😊
Magbasa paBetter tell them habang maaga pa😊 Maaring makakarinig kau ng salita skanila at first pero sa una lng yan.. Then after tatangapin at tanggapin dn kau nyan.. Sbi nga nila ung galit at takot na sa una lng yan.. Di magtatagal nawawala dn yan.. Lalo na pag nakita at nahawakan na nila apo nila sainyu. Payo lng, mas magandan ipaalam sknila ang sitwasyun mu ng maaga pa, ng matanggap dn nila mas maaga ung sitwasyun mu. 😊 GodBless😇
Magbasa panung una na nag buntis ako sis turning 15 yrs old plng ako. una natakot ako naisip ko pa nga na ipalalglag yun e pero ginawa ko parin ang tamang desisyon sinabe ko sakanila na buntis ako nun 2months kahit alam magagalit sila. nagalit ang papa ko pero sa mama ko medyo ok lng pero natanggap din ng papa ko na buntis ako kahit napasama ko ang loob nila. sabihin mo kahit kinakabahan ka matatanggap nila yan dahil apo parin nila yan.
Magbasa paSame kaka 19 ko palang and wala pang nakakaalam kahit sa side ng boyfriend ko sabi ko sabihin na nya habang hindi pa malaki tyan ko pero di nya pa din ginagawa natatakot ako lalo na sa parents ko pati sa mga kamag anak kasi ang hirap pag family oriented kayo tapod napasok ka sa gantong sitwasyon pero iniisip ko nalang matatanggap din nila to. Hindi naman sigurong tiisin ng magulang ang anak. Dapat positive lang tayo palagi🤗
Magbasa patotoo po un :)
Preggers