Hindi namin alam paano sabihin sa magulang ko.
I'm 18 years old. Alam ko na bata pa. 10 weeks ng buntis. Hindi pa rin namin alam kung paano sabihin sa magulang ko na buntis ako. ? pero sa side ng boyfriend ko okay na. Help us paano sabihin. ? Kinakabahan kami. ?
Ganyan din ako last year lang hehehe. Sa sobrang ayaw kong sabihin sa kanila parang gusto ko na lang mawala, pero naisip ko na kawawa naman yung baby sa tiyan ko kaya naging matapang ako kahit na alam kong ilang sermon, mura o baka sapok pa ang matanggap ko. Natural lang yung magalit sila o maipaalala yung mga pangaral nila sayo, eventually matatanggap nila yan. Kinabukasan lang din right after ko sabihin, okay na kami kinakamusta na ako tinatanong nila kung ano mga iniinom kong gamot ganun. And now kabuwanan ko na mas excited pa sila hehehe. Kaya go lang! Isipin mo na lang malaking ginhawa sa inyo ni baby yan pag nasabi mo na sa family mo.
Magbasa pa