108 Replies

VIP Member

Kung hindi nyo kayang humarap at magsabi ng BF mo sa parent mo. Hingi ka ng tulong sa parent ng BF mo para samahan kayo. Mahalaga ay pinapanindigan ka ng bf mo at family nya.. magalit man ang magulang mo.. maiintindihan ka din nila sa bandang huli.

same here mamsh 😊 i'm 18 years old and mag 5 months na baby ko sa tummy at first syempre dissapointed talaga pero lakas nalang ng loob kasi para sa baby and now na 2 months na ang nakalipas mas excited pa parents namin sa gender kesa sa amin, good luck 😊

sa una lang yan basta kasama mo bf mo sa tabi mo at handa nyong tanggapin mga salitang mabibitawan ng magulang mo. kaya nyo yan sa umpisa lang naman sila magagalit eh. pag nanjan na ang baby mawawala na ang galit at pagmamahal na ang mamumunga sa magulang mo.

No matter what happens, tatanggapin at tatanggapin ka pa din nila. 😊 family is family. 💕 18yrs old din ako nung nabuntis ako sa panganay ko. 😊 hindi naman sila nagalit. Kausapin niyo lang sila ng maayos. Lahat naman nadadaan sa mabuting usapan. 😊

Wag mo pangunahan ng takot sis. malay mo hindi naman magalit. hindi lang naman ikaw yung kaunaunahang nabuntis ng 18 yrs old. yung iba mas bata pa nga sayo. nasa sayo na yan kung paano mo dadalhin sarili mo at pamilya mo kahit bata ka pa or kayo.

Sabihin mo na sissy. I was also 18 when I got pregnant natakot din ako yung una pero family is family sila ang unang magiging sandalan mo sa lahat ng bagay. Oo magagalit sila sa umpisa pero at the end of the day tatanggapin ka parin nila.

Same sis. 18 yrs old pero mabilis naman nila natanggap kase blessing po yun and ayaw rin nila kong pagalitan kase baka mastress ako, maaapektuhan yung baby. Matatanggap rin po nila yan kase anak po nila kayo, di po kayo matitiis ng magulang nyo :)

, magandang sabihin mona ng maaga sis ganyan din ako nung nakaraan lang naman ng parents ko pero mas nagalit sila kase hindi ko sinabi agad dapat daw kase nung una palang nagsabe nako kase delikado daw magbuntis 😊 5 months na tummy ko.

VIP Member

Tell them kasama si bf. Magagalit for sure. Madidisappoint. Baka may masabi rin silang hindi maganda. Hayaan mo na lang and wait for them to accept it. I was 21 when I got pregnant. Nagalit parents ko pero eventually naman natanggap din nila.

Sabihin mo na ung totoo! Mas mabuting sau manggaling kaysa malaman p nila sa ibang tao..sa una lng nman magagalit ang parents mo,natural lng n magalit cla sau kc bata kpa at nag aaral p yta..wala nman magulang n kyang titiisin ang anak!!

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles