pahingi po advice :'( pls read.

Im just 17 and yes buntis po ko 7 months.. Alam ko po na sobrang bata at sobrang mali Tanggap po both side ng family namin actually sa bahay po namin nakatira si bf dahil gusto po ng lola ko malapit ako sakanya nagwowork po sya mon-sat as construction work. 18 y/o nmn po sya sinusuportahan dn po ako ni papa at kada linggo nagpapadala.. nagsasideline po ko as online seller nuong 3 to 6 months preg palang ako pero d ko na po makaya mag meetup ngaun kaya stop muna ako. So eto na po hindi ko po alam gagawin ko as in paulit ulit po pumapasok sa isip ko lahat ng sinasabe nila about saken (mga tao sa labas A.K.A Chismosa) hindi po ko nahihiya lumabas every bibili,maglalakad lakad,may pupuntahan or mag eexcercise kami ng tita at pinsan ko d po ko nahihiya dahil sanay na po ko pagusapan ng mga tao. Natitiis ko po ung pagtingin tingin nila sakin na alam ko kung ano iniisip at pinaguusapan nila ignore ko lang po un actually nakangiti lang ako then ttgnan ko dn sila like "buhay ko to" (at my mind) pero dumating sa point tulad kanina na nasa malayo palang po kami ng tita ko at pinsan ko ramdam ko na ako na pinaguusapan ng dalawang babae (1 matanda 1 nanay na din) then nung medyo lagpas na kami sakanila naglalakad ung isang matandang babae papunta samin para tanungin tita ko "Buntis ba to" "Ay hnd po nakalunok lng po ng bola yn!" Pabiro po ng tita ko sa babae as if halata naman po na buntis ako "May asawa yan?" "Malandi kase talaga yan e" "Malandi" ika ng matanda .. Hala po dko po sya kaclose as in.. d kopo sya kilala as in.. kilala ko sya as ex capitana (asawa ng capitan dati) Then nilagpasan na kami natameme nlng po ako sa nasabi nya at pinagusapan namin ni tita un Ewan lng po kung rinig nya mga sinasabe namin "Ganyan tlga dto madami Chismosa matanda na't mamatay na chismosa pa din" "Ganyan dn sila sakin nun " D nalang po namin binigdeal un.. :'( Ang akin lng po napakasama ko na po ba? Napakalandi ko po ba tlga? May pangarap nmn po ako gusto ko po maging teacher soon :'( Miski papa ko tanggap naiintindihan ako at hndi magsasawa suportahan ako (ala na po ko mother) nung umamin po ko sakanya ang sabi nya po sakin "ok lang yn anak kita ano kaba" D lang po mawala sa isip ko dinibdib ko po lahat :( naiiyak ako gabi gabi pag naiisip ko na useless po ko Nawalan po ko ng confidence Sobra..

26 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ate ko nga 16 years old nabuntis kaya sobrang ingat sakin dahil bunso ako, tinanggap din ng family namin, pero ung lalaki iniwan sya kasi mas malaki pa pala tyan nung ex kesa sa Ate ko so mas pinili si Ex na 7months preggy sa Ate kong 5months preggy (Happily married na Ate ko sa tamang lalaki). Malandi ka kung di mo alam sino tatay ng anak mo at nagpapagalaw ka kung kani kanino pero hindi, responsible kayo pareho ng Tatay ng anak mo na sustentuhan at alagaan magiging anak nyo, ang mahalaga andyan at tanggap ka ng pamilya mo mas masakit kung tinalikuran ka ng pamilya mo, pero sinuportahan ka nila diba 😊, wag mo na pansinsin ung mga chismosa patuloy mo lang ngitian insecure lang sila sa buhay nila kasi baka kulang sila sa pagmamahal ng mga taong nasa paligid nila, inisin mo sila sa ngiti mo pakita mo masaya ka sa buhay at desisyon mo. Di ka kulang sa aruga gaya nila! may sari sarili tayong timeline sa buhay minsan nauuna minsan sakto lang minsan huli naman yung pagkakasunod sunod ng kwento ng buhay natin. Kaya wag mo ikahiya. Fighting Sis! 😊 pray lang lagi, God bless!

Magbasa pa

Ako din mamsh 19 years old naman ako. Nagstop ako sa pag aaral, Pero tanggap ako ng parents ng bf ko at tanggap din ako ng parents ko. Suportado pa nga sila saken sila pa tong nag aalala kapag napano ako, Dati din takot din ako umamin. May time na nadedepress ako dahil baka sabihin " ayan sa kasutilan mo nabuntis ka " at baka bugbugin at di na talaga ako tanggapin nila mama at papa ( Lumayas kase ako live in na kami ni bf) pero sabe nung bf ko na umamin na ko kela mama kung di man ako tanggapin nila tanggap naman ako ng bf ko. At ayun umamin ngako gulat ngako at di nmn sila nagalit supportive din sila at alaagan ko daw ang baby ko gaya ng pag aalaga nya sakin nung baby pako. :') , May mga times din na nakakarinig ako ng ganyan " Aga aga nabuntis " , " Jusko buntis na pala asawa ni ano ganyan " pero wala akong pake kase buhay ko to. Atsaka be proud kahit teen age mom tayo dahil di natin katulad mga Babae dyan na nagpapalaglag masabe lang na dalaga. :)

Magbasa pa

Sis i feel you pero ako wala na lang na akong pake sa kanila saka wag mo na silang pansinin. Kung alam mo naman sa sarili mo na hindi ka ganun, wag ka ng magpapaapekto okay? Atleast ginampanan mo yung malaking responsibilidad na yan. Wag kang madown dahil sa mga sinasabi nila, let them judge you all the way pero never show some sympathy of yours, okay? Pero if sumosobra na talaga at wala na talaga sa tama mga sinasabi about sayo its the time na magsalita ka show them what they need to hear. Ako kasi nung masyado na silang namemerwisyo at pati baby na pinagbubuntis ko ngayon e dinadamay na nila, hindi na ko nakapagtimpi kahit na matanda sila sakin kapag sobra na talagang hind mo na mapipigilan. Disregard mo na lang sila sa life mo if patungkol lanh mga binubunganga nila pero if damay na baby mo its the time na umimik ka. Take care always sis 😊 Godbless 😊

Magbasa pa

Mommy, yes nagkamali ka. yes gumawa ka ng bagay na di pa dapat gawin ng mga nasa edad mo. But that doesnt mean wala kang natutunan sa mga karanasan mo diba? that doesnt make you less of a person. Napaaga man, pero patunayan mo sa lahat ng umaalipusta sayo na kaya mo. Na di ka susuko. Yun palang pinagpatuloy mo ang pagbubuntis mo kahit alam mong ganyan mangyayari, commendable na. Kasi yung iba nga jan, nagpaabort na or worse nagpakamatay na. But you, you stood your ground. Ganyan talaga, may masasabi at masasabi sayo mga tao kasi nga minor ka pa. Pero para hindi sila maging hadlang sa mga future plans mo, ipagpasa-Diyos mo na lang sila. Kasi ganyan na talaga sila, walang magawa sa buhay kundi humanap ng mapaguusapan. Take care of yourself and dont let negativity affect you. Kasi maapektuhan din baby mo. Fighting!

Magbasa pa

As long as tanggap ka ng family mo, wag mo nalang pansinin mga di naman importante sa buhay mo. Alam ko mahirap, pero tandaan mo na hindi ka masama. Kung titignan yung kwento mo, responsable ka nga dahil kahit may work ang boyfriend mo at nagpapadala ang papa mo, nagbusiness ka pa--that is a mentality na wala ibang kabataan ngayon. I firmly believe na hindi masusukat sa edad ang maturity ng tao. I applaud you for being mature and responsible at such a young age. Laging may nasasabi ang ibang tao, hindi mo yun makocontrol. Pero ang macocontrol mo is yung stress na pwede nilang idulot sayo. Dedmahin mo lang. Pasok sa tenga, labas sa isa. Tandaan mo, hindi dapat nakakaapekto sayo ang opinyon ng mga taong hindi importante sa buhay mo. Have a great pregnancy! :)

Magbasa pa
VIP Member

Hay naku sis ! Ako nabuntis ako 19 yrs old . Alam mo ba ? Shempre hindi πŸ˜‚ char lang ☺ alam mo ba ? Kapag lalabas ako ng bahay, magpapacheck up , gagala kasama ang asawa ko na mas matanda sa akin almost 15 yrs . Sobrang proud ako , kasi ang swerte ko ☺ bukod sa may asawa na ko may tatay ,papa ,at kuya . Magkakaanak pa kami at blessing ni god un ☺ swerte ka sis may supportive family ka . Tsk . So ano ngayun kung malande ka ? (No offends) hindi sila ang nagpapakain sayo , hindi sila ang nagbibigay ng pera para ipagpacheck up sa anak mo . Wag mo.isipin un ung mga ganung tao mababa ang pangunawa . Dapat sinagot mo 'ano gusto mong gawin ko ipalaglag ko para masabi na dalaga ako ulit ?' tsk . Ipagpadyos mo nlng ang ganyang tao ☺

Magbasa pa

mamsh.. be strong 😊😊 baby mo mo ung gawin mong insipirasyon.. ako nga 15 y/o nun nabuntis ako.. 1first yr college ako nun.. nun una di rin natanggap ng family ko.. and may bad talga mga tao na judgemental 😊😊 pero eto pinaka tatandaan mo.. una mo kakampi ay c god. pangalawa anak mo at pamilya mo.. pangatlo.. di ka katulad ng ibang babae. na nagpapalaglag ng baby higit sa lahat. as long as wala ka sinaktan tao o tinatapakan tao.. maging matatag ka. 😊😊😊😊 tawanan mo lang yung mga taong judgemental.. ako nga noon. pag may nakakasalubong na mga chismusa.. tinatawanan ko nlang sabay sabi sa isip kong.. inggit ka lang /kayo.. baka baog kayo πŸ˜‚πŸ˜‚

Magbasa pa
VIP Member

Totoong napakabata pa ng 17 years old, pero matured ka na, marunong kang dumiskarte at mukang responsable din naman ang partner mo. Marami talagang masasabi ang tao, kahit anong edad mo, kahit anong estado mo sa buhay, hindi mo mapipigilan yan. Alalahanin mo na lang na ung mga talagang nagmamatter sa buhay mo, like your parents and your partner, tanggap nila yung situation mo, and nothing or no one else matters. Be proud kasi pinanindigan mo si baby mo, and that makes you better than other mothers na papatayin ang sarili nilang anak para makaiwas sa chismis. Nakakaproud ka. Taas noo, sizt! 😘

Magbasa pa

Parehas tayo nabuntis ako 17 pero turning 18 na nun (January bday ko, january din ako nabuntis) . Mas malala pa magsalita ang ibang tao kesa sa pamilya mo. But still wag mo na sila isipin you are very much lucky kasi tanggap yan ng both sides sainyo. Sa akin? No ,side lang ng lalaki and ex ko na sya. Kaya I’m standing on my own. Pinabayaan na ko. Masaya sya sa buhay single at walang iniisip sa buhay. Nakakainggit ka kasi at least saiyo okay. Wag mo nalang intindihin ibang tao. Kapag nakita nila anak mo matatawa ka nalang kasi macucute-an sila hahaha

Magbasa pa

Wg mo damdamin sinasabi nila feel kita ganyan rin sakin mga tita at tito ko masyado nila ako jinajudge purket 19 yrs old lang ako at d pa nakatapos ng high school..try mo lang isipin na para kay baby mo d ka ma iistress tao ka lang ang maganda jan pinanindigan mo baby mo and choices mo kahit bata ka pa tuloy mo lang pangarap mo maging teacher and someday pag nagawa mo na yun tawanan mo lahat ng nag doubt sayo..tuparin mo pangarap mo para sa family mo at magiging family mo..πŸ™‚πŸ™‚πŸ™‚ think positive at happy thoughts lang..

Magbasa pa