pahingi po advice :'( pls read.

Im just 17 and yes buntis po ko 7 months.. Alam ko po na sobrang bata at sobrang mali Tanggap po both side ng family namin actually sa bahay po namin nakatira si bf dahil gusto po ng lola ko malapit ako sakanya nagwowork po sya mon-sat as construction work. 18 y/o nmn po sya sinusuportahan dn po ako ni papa at kada linggo nagpapadala.. nagsasideline po ko as online seller nuong 3 to 6 months preg palang ako pero d ko na po makaya mag meetup ngaun kaya stop muna ako. So eto na po hindi ko po alam gagawin ko as in paulit ulit po pumapasok sa isip ko lahat ng sinasabe nila about saken (mga tao sa labas A.K.A Chismosa) hindi po ko nahihiya lumabas every bibili,maglalakad lakad,may pupuntahan or mag eexcercise kami ng tita at pinsan ko d po ko nahihiya dahil sanay na po ko pagusapan ng mga tao. Natitiis ko po ung pagtingin tingin nila sakin na alam ko kung ano iniisip at pinaguusapan nila ignore ko lang po un actually nakangiti lang ako then ttgnan ko dn sila like "buhay ko to" (at my mind) pero dumating sa point tulad kanina na nasa malayo palang po kami ng tita ko at pinsan ko ramdam ko na ako na pinaguusapan ng dalawang babae (1 matanda 1 nanay na din) then nung medyo lagpas na kami sakanila naglalakad ung isang matandang babae papunta samin para tanungin tita ko "Buntis ba to" "Ay hnd po nakalunok lng po ng bola yn!" Pabiro po ng tita ko sa babae as if halata naman po na buntis ako "May asawa yan?" "Malandi kase talaga yan e" "Malandi" ika ng matanda .. Hala po dko po sya kaclose as in.. d kopo sya kilala as in.. kilala ko sya as ex capitana (asawa ng capitan dati) Then nilagpasan na kami natameme nlng po ako sa nasabi nya at pinagusapan namin ni tita un Ewan lng po kung rinig nya mga sinasabe namin "Ganyan tlga dto madami Chismosa matanda na't mamatay na chismosa pa din" "Ganyan dn sila sakin nun " D nalang po namin binigdeal un.. :'( Ang akin lng po napakasama ko na po ba? Napakalandi ko po ba tlga? May pangarap nmn po ako gusto ko po maging teacher soon :'( Miski papa ko tanggap naiintindihan ako at hndi magsasawa suportahan ako (ala na po ko mother) nung umamin po ko sakanya ang sabi nya po sakin "ok lang yn anak kita ano kaba" D lang po mawala sa isip ko dinibdib ko po lahat :( naiiyak ako gabi gabi pag naiisip ko na useless po ko Nawalan po ko ng confidence Sobra..

26 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako din mamsh 19 years old naman ako. Nagstop ako sa pag aaral, Pero tanggap ako ng parents ng bf ko at tanggap din ako ng parents ko. Suportado pa nga sila saken sila pa tong nag aalala kapag napano ako, Dati din takot din ako umamin. May time na nadedepress ako dahil baka sabihin " ayan sa kasutilan mo nabuntis ka " at baka bugbugin at di na talaga ako tanggapin nila mama at papa ( Lumayas kase ako live in na kami ni bf) pero sabe nung bf ko na umamin na ko kela mama kung di man ako tanggapin nila tanggap naman ako ng bf ko. At ayun umamin ngako gulat ngako at di nmn sila nagalit supportive din sila at alaagan ko daw ang baby ko gaya ng pag aalaga nya sakin nung baby pako. :') , May mga times din na nakakarinig ako ng ganyan " Aga aga nabuntis " , " Jusko buntis na pala asawa ni ano ganyan " pero wala akong pake kase buhay ko to. Atsaka be proud kahit teen age mom tayo dahil di natin katulad mga Babae dyan na nagpapalaglag masabe lang na dalaga. :)

Magbasa pa