I'm Ashamed

Ilang taon kayo nagka baby? Me:15 yrs old At lahat ng taong nasa paligid ko hinuhusgahan pagkatao ko. Masakit lang isipin lalo nat itoy galing sa mga taong malapit sayo. Oo po nag kamali po ako Pasensya na ha kung maaga akong nabuntis At na dissapoint kayo sakin. Alam ko ma pa na nag sumikap kayo para lang maitaguyod kaming mag kakapatid Pasensyat nabigo ko kayo ? Pero sana po patawarin niyo ako sa nagawa ko NAPAKASAKIT PO TALAGA KUNG HINDI NIYO NA AKO TANGGAP TATANGAPIN KO PERO SANA TANGGAPN NIYO PO ANAK KO WAG NIYO PO SIYANG IDAMAY WALA PO SIYANG KASALAN BABY PALANG PO SIYA ? OKAY LANG PAG SABIHAN NIYO AKO NG KAHIT ANO OKAY LANG LAITIN NIYO AKO APAKAN AT MURAHIN PERO WAG NIYO PONG ISALI ANG BATA INOSENTI PO SIYA HUHU ANG SAKIT2 LALO NAT AKO LANG MAG ISA TUMATAGUYOD ? AKOY NAHIHIYA SA MGA MALING BAGAY NA AKING NAGAWA PERO MAHAL KO ANG ANAK KO AT KAHIT KAILAN HINDI AKO NAG SISI SA KANIYA. FOR MY EX: GALING2 MO NAMAN PAG KATAPOS MO AKONG BUNTISIN INIWAN MO AGAD AKO NA PARANG WALA LANG NIRASON MO PANG DIKAPA READY! BAHALA KANA JAN DONT WORRY DI KO KAYO GUGULOHIN SA GIRLFRIEND MO PINAG MUKHA MO LANG PALA AKONG TANGA 3 YRS MO AKONG PINA IKOT2!! PERO SANA NAG PAKA LALAKI KA AT PINANINDIGAN MO ANAK MO!!

44 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Una, hanga ako sayo kasi pinanindigan mo ang bata at di mo naisip ipalaglag. Pero, oo masyado ka pang bata at hindi mo maaalis ang pagiging judgemental ng mga tao sa paligid mo. Isa sa mga consequence yan ng nagawa mo. You have to accept it. Kahit sino hondi kayang baguhin ang ugali at pagiisip ng iba. Di mo mababago ugali ng iba pero kaya mong baguhin ang sarili mo. Kung kaya mong ideadma, deadma nalang sa mga matang mapanghusga. Dyan ka humugot ng lakas sa mga pagkakamali mo at lumalait sayo. Gaya ng ibang mga comments dito... mag-aral ka. Isa yan sa magiging sandata mo. Gawan mo ng paraan para mas maitaguyod mo ng maayos ang buhay niyong mag-ina. Hindi magiging madali lalo’t may ibang binubuhay ka nang iba bukod sa sarili mo. Lageng dalawa na kayong iisipin mo. Pero kakayanin mo yan! Wag kalimutang manalangin.

Magbasa pa