I'm Ashamed
Ilang taon kayo nagka baby? Me:15 yrs old At lahat ng taong nasa paligid ko hinuhusgahan pagkatao ko. Masakit lang isipin lalo nat itoy galing sa mga taong malapit sayo. Oo po nag kamali po ako Pasensya na ha kung maaga akong nabuntis At na dissapoint kayo sakin. Alam ko ma pa na nag sumikap kayo para lang maitaguyod kaming mag kakapatid Pasensyat nabigo ko kayo ? Pero sana po patawarin niyo ako sa nagawa ko NAPAKASAKIT PO TALAGA KUNG HINDI NIYO NA AKO TANGGAP TATANGAPIN KO PERO SANA TANGGAPN NIYO PO ANAK KO WAG NIYO PO SIYANG IDAMAY WALA PO SIYANG KASALAN BABY PALANG PO SIYA ? OKAY LANG PAG SABIHAN NIYO AKO NG KAHIT ANO OKAY LANG LAITIN NIYO AKO APAKAN AT MURAHIN PERO WAG NIYO PONG ISALI ANG BATA INOSENTI PO SIYA HUHU ANG SAKIT2 LALO NAT AKO LANG MAG ISA TUMATAGUYOD ? AKOY NAHIHIYA SA MGA MALING BAGAY NA AKING NAGAWA PERO MAHAL KO ANG ANAK KO AT KAHIT KAILAN HINDI AKO NAG SISI SA KANIYA. FOR MY EX: GALING2 MO NAMAN PAG KATAPOS MO AKONG BUNTISIN INIWAN MO AGAD AKO NA PARANG WALA LANG NIRASON MO PANG DIKAPA READY! BAHALA KANA JAN DONT WORRY DI KO KAYO GUGULOHIN SA GIRLFRIEND MO PINAG MUKHA MO LANG PALA AKONG TANGA 3 YRS MO AKONG PINA IKOT2!! PERO SANA NAG PAKA LALAKI KA AT PINANINDIGAN MO ANAK MO!!
Everything happens for a reason sis.. Ndi pa huli ang lahat.. Hinusgahan din ako ng lahat pero wala akong pakialam s knila.. Ako 16 yrs old ako ngka anak, nagtanan kme kasi alam kong ndi mtatangap ng magulang ko kasi marami p silang pangarap para sakin pero 2 days lng umuwi na ko kasama ang asawa ko, kasi ndi din sila mawala sa isip ko baka madepress.. Pg uwi ko awang awa ako s magulang ko lalo s daddy ko iyak ng iyak,only girl kasi ako samin mgkakapatid. Kasi ang ugali ko noon pg gusto ko gusto ko, kaya tinatakasan ko sila noon and nakilala ko ang asawa ko ang nakabuntis saken,first bf ko sya, 2 na anak nmin ng kinasal kme s church. Ngayon 4 na ang mga anak nmin 15yrs old na ang panganay nmin at 9 ang bunso and buntis ako ngayon going 5 months ๐ nung umpisa nmin tumutulong samin both parents,dun kme s mom nya nakatira since 2 lng nman sila s bahay at my work din mom nya. hangang s ngkaron ng magandang work ang asawa ko ng ipon kme, ngsarili kme ngpagawa ng bahay.. Sobrang dami din ng pagsubok. Sinusubok din kme minsan ng panahon.. Ups and downs. Hangang sa tumanda ndin ako pangarap kong makapagaral ng kolehiyo kaso tutok din s kids, so ginwa ko nghanap ako ng online school, awa ng dyos nakatapos ako at ngkaron ng diploma, ngayon my work ndin ako na feeling ko eto din ang mgdedevelop at mgfufullfil ng personality ko. Hindi pa huli ang lahat sis. Khit bata ka ngkanak mkakaya mo yan.. Mtatangap din ng family mo ang nangyare, ioagpatuloy mo ang pg aaral mo at mghanap k ng maganda work. Baby step lng kumbaga, isa isa.
Magbasa paitinakwil din ako ng mga magulang ko noon.. parehas tayo 15 yrs old bumaka.. pero pagkaiba natin di ako nabuntis.. dahil sa pagtakwil sa akin.. nag rebelde ako... nagpalipat lipat ako ng lalaki... ang dami kong lalaki na naka live in.. minahal ko rin sila pero umaabot sa puntong pag may nakilala ako at mas better ang bago kesa na una iniiwan ko... last relationship ko 19 yrs old ako 4 years kaming nagsama 23 years old ako nung naghiwalay kami.. pero di ako naging masaya sa kanya dahil pinabayaan nya ako.. pinagmalupitan ako ng nanay nya.. nilagyan ng sili ang panty ko๐ข kaya may nakilala akong lalaki, naging kami habang kami pa ng live in partner ko.. minsan lng akong umuuwi sa kanya dahil naging live in ko na rin yung bago ko sa Davao City.. habang naging 4 years kami ng ka live in kong isa.. naging 3 years naman kaming live in ng bago ko.. hiniwalayan ko yung 4 years kung kalive in and nag focus ako sa bago ko... 4 years lng din kami naghiwlay din kami dahil sa addict xa... ngayon nandito ako sa manila nasa pang apat na kalive in ko... I tell you... ngayon palang ako nagbago... ayoko ng magpalipat lipat ng lalaki.. pagod na pagod na ako... kaibahan lng wla akong anak.. nahihirapan akong bumuo๐ข kaya sayong bata ka... wag kang mawalan ng pag asa kung sa tingin mo ikaw na ang pinaka malas na tao sa buong mundo di yan totoo... mag dasal ka lagi na gabayan ka sa landas na tatahakin mo.
Magbasa pa27y/o na ako and i was about to give birth this july. Sa generation ngayon marami ng teenager ang nkakaranas ng teenage pregnancy, nd maikakaila un dahil narin siguro sa paglaganap ng porn kaya nahihikayat ang mga kabataan na itry yung mga napapanood niyo. At ang unang naaapektuhan ay ang mga magulang dahil isang malaking failure skanila na ganyan ang nangyari sayo sa kabila ng pagsisikap nila tapos babae ka pa naman. Yun talaga ang magiging initial reaction mostly ng mga magulang, magagalit, manghihinayang, mahihiya dahil feeling nila nd sila naging mabuting magulang dahil ganyan nangyari sayo. Pero lilipas din yan, time heals all wounds, at kailangan mong harapin ung consequences ng mga action mo. Ask forgiveness from the Lord, at kahit na mahirap magpatawad you also need to forgive not because they deserve it but because you deserve peace. Ask guidance from the Lord and He will never leave you, just have faith and stay strong for the baby.lahat tayo ay makakaranas ng downfall sa buhay, pero ang mahalaga ay natuto ka sa kasalanan mo at pipiliin mong magpatuloy sa laban.
Magbasa paUna, hanga ako sayo kasi pinanindigan mo ang bata at di mo naisip ipalaglag. Pero, oo masyado ka pang bata at hindi mo maaalis ang pagiging judgemental ng mga tao sa paligid mo. Isa sa mga consequence yan ng nagawa mo. You have to accept it. Kahit sino hondi kayang baguhin ang ugali at pagiisip ng iba. Di mo mababago ugali ng iba pero kaya mong baguhin ang sarili mo. Kung kaya mong ideadma, deadma nalang sa mga matang mapanghusga. Dyan ka humugot ng lakas sa mga pagkakamali mo at lumalait sayo. Gaya ng ibang mga comments dito... mag-aral ka. Isa yan sa magiging sandata mo. Gawan mo ng paraan para mas maitaguyod mo ng maayos ang buhay niyong mag-ina. Hindi magiging madali laloโt may ibang binubuhay ka nang iba bukod sa sarili mo. Lageng dalawa na kayong iisipin mo. Pero kakayanin mo yan! Wag kalimutang manalangin.
Magbasa pa27 na ako nung nabuntis ako at nanganak. Working na ako at stable ang income. Pareho kami mag-asawa na stable na sa mga trabaho namin. Imagine, 27 na ako and yet muntikan pa ako mapalayas ng parents ko? What I'm trying to say is normal na reaksyon yan ng parents. Pero ung parents ko kahit na inis sila na nabuntis ako agad, naging supportive naman sila sakin. Hanggang ngayon na 1 year old na baby ko. In fact mas mahal pa nila baby ko kesa sakin. Tama ka sana hindi dinadamay ng parents mo ung anak mo. Parents ko bwisit na bwisit samin ng asawa ko hanggang ngayon pero never dinamay ang baby ko. Kaya mo yan. I salute you dahil despite your age and situation itinuloy mo ang pagbubuntis mo. I know a few people na mas matanda sayo nung nabuntis pero pinalaglag lang mga hayop na un kakagigil. Kaya mo yan. Always pray
Magbasa pa17 yrs old ako nung nalaman na buntis ako, sobrang disappointed parents ko. I just turned 18 years old nung march. Trust me kahit anong galit ng mga magulang mo sayo right now, lilipas at lilipas din basta make sure na magpakumbaba ka, tanggapin mo lahat ng masasakit na salita kasi masakit din para sakanila. Thankful ako kasi hindi ako iniwan ng partner ko and pinakita niya at ng family niya yung sincerity, na willing silang alagaan ako at di pabayaan. For me, wag kang hihinto mag strive sa lahat ng pangarap mong naisantabi, ipakita mo sa lahat ng tao na mas tamang tinuloy mo yung baby mo. Mas lalong hayaan mo yung walang kwenta mong ex, alagaan mo mabuti sarili mo and your baby, pag lumabas yan, maglaway nalang siya na hindi niya mahawakan yung anak niya. Baka siya na magmakaawa sayo that time. Godbless!
Magbasa paYou have to accept ang reaksiyon nila, lalot bata ka pa, ang mundo ay talagang mapanghusga kamag anak o hindi.. una tanggapin nagkamali ka, humingi ng sorry, tanggapin ang ibibigay na parusa ng magulang mo at first pero di ka nila matitiis lalot bata ka, pray pray para sa baby at sayo, after manganak magaral ult para sa baby mo, wag ng gawin ulit ang unang pagkakamali, wag mo ng isipin ung ex mo first talagang wala siyang pake sayo, pakita mo na kaya mo, mas okay ng di kayo magkasama kesa magsama kayo magaaway kayo palagi at posibleng masaktan ka pa niya, 2nd move on be strong para anak mo at bumawi ka sa magulang mo, magaral para di ka gayahin ng magiging anak mo.. sana makatulong :)
Magbasa paAko nga 26 nagkababy, di naman sa pagyayabang pero halos lahat ng utos ng magulang sinunod ko. Trabaho at bahay ang routine simula ng magkawork. Sa sahod ko, 12k every 10 days, 2k lang sakin tpos 10k sa kanila may nasabi pa din ih. Natawag pa ako na haliparot, malandi at hinding hindi mapapatawad sa ginawa ko. ๐ Ganun talaga girl, kahit isang milyon ang tama ang gagawin mo sa buhay, may magawa ka lang na taliwas sa gusto nila, mahuhusgahan ka. โบ๏ธ Basta alam mo sa sarili mo na mabuti ka naman, go lang. Maigi na ikeep ang bata, kesa sa mga nagpapaAbort ( ng walang matinding dahilan ) matawag lang na malinis at pasok sa standard ng perpektong lipunan โบ๏ธ
Magbasa paHugs sis. ๐ค kaya mo yan. Focus ka sa baby mo at wag magpakastress nakakasama kay baby. Normal sa parents ang magalit dahil bata kapa, wala kapa sa wastong edad and masakit para sakanila yung nangyare. Magiging lesson yung nangyare sayo and know na lahat ng bagay may limitations, and take the consequences at pag nalampasan mo yung phase na yan mas magiging matatag ka. Set your dreams and goals for you and your baby. Pag nakapanganak ka magaral ka ulit para mabigyan mo ng mas magandang future si baby. ๐ i know it is hard, pero everything will be worth it once nakuha mo yung goal mo kasama yung baby mo. Always pray and wag masyado magisip.
Magbasa pa17yrs old lang din nung nakabuntis ang kapatid ko,imagined kakagraduate lang nila ng HS ng GF nya nun,ngayon 6yrs old na pamangkin ko gwapo na matalino pa. Sinasabi ko palagi sa kapatid ko na "Alam mo pinaka mabuti at tamang ginawa mo sa buhay mo ay maging ama sa anak mo" sis sa totoo lang kung babalik ako sa edad na 17-19yrs old gusto ko na magkababy. Karamihan ng tao mga pakielamera,gumawa ka ng tama or mali meron padin sila masasabi tungkol sayo so bakit ka papa-apekto sknila?ang mali is ung hnd ka magsikap sa buhay. Yung hnd mo ibangon ang sarili mo pra sa anak mo.
Magbasa pa