Nagalit ka na ba kay hubby dahil sa pagkain?

If yes, para sa ano'ng pagkain?

Nagalit ka na ba kay hubby dahil sa pagkain?
149 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

oo, pero hindi ako ang maarte sa food, ung husband ko. nasanay sa mga may karne na ulam, o may sarsa. ako kasi walang pinipili kahit ano ung ihain lalo kung gulay. nasanay din ako sa puro gulay, kaya minsan kpag nasa bahay ako ng byenan ko, hinahanap hanap ko ung gulay, kasi madalas nila lutuin, kung hindi may sarsa, prito. di sila mahilig sa gulay. kaya ung husband ko sinasabihan ko na gusto ko ng laing, o pakbet, o ginisang sayote, o kahit anong talbos. parang hilong hilo na ako sa mga nakakain ko na puro karne

Magbasa pa

neto lang nakaraan, nagtanong siya anong gusto kong ulam, since busy siya sa tindahan at ako naman sagad sa katamaran at di makakilos sa sobrang sama ng pakiramdam, sabi ko may sabaw baboy o manok, ayoko ng baka o isda, tapos ampalaya, yun lang... juicecolored, pagbalik niya DINUGUAN, BOPIS AT BEEF PARES 🤦🤦🤦 edi hindi na maipinta yung pagmumukha ko , iyak na ko ng iyak sa sobrang galit at inis, biruin mo gutom na gutom kana may patanong tanong pa siya ang ending wala din naman pala????

Magbasa pa
VIP Member

yes! Buntis ako nun at sobrang takam ko sa monggo, sabi nya marunong kaya ayun hinayaan ko tapos nung natapos sya magluto at nagsandok ako ulam, halos kalahate ng kaserola di na nasandok yun pala hindi nya ganun hinalo kaya nasunog ang ilalim, akala ko kapitbahay yun amoy sunog samen pala🤦🏻‍♀️ sa inis ko di ako kumain sabi ko kainin nya lahat sobrang inis ko talaga dala narin ng gutom

Magbasa pa
VIP Member

Yes HAHAHA pero nakakatawa scene namin kasi nga less rice na ako lalo na ngaun 3rd trimester na e masarap talaga kami kumain dalawa isa yan sa bonding namin. Ung aasarin ka pa na sya mag lalagay ng rice sa plate mo bago pag hihingi ka pa kahit konti pa kasi nga hindi ka satisfied nagagalit 😂 kahit lam ko naman na para sakin din un. Pero naiinis talaga ako hanggang sa iiyak ako😂😂😂

Magbasa pa
4y ago

opo momsh.. sayo din po. Godbless and have a safe delivery too..🙏🙏🙏

VIP Member

Yes po HAHAHA nasa 1st trimester palang ako ngayon diko kasi ma gets kung ano hinahanap kung pagkain pag may nagustohan naman ako yun pa yung wala🙄🥺kaya nakakainis pipilitin ko talaga sya na maghanap tapos umaasa ako na may dala pauwi tapos wala pala sobrang nakakainis mangiyak ngiyak talaga e🥺😅umiinit yung ulo ko sa knya lalo

Magbasa pa

spaghetti,....nagmakaawa ako para jan HAHA,Bumili siya Mc do nag lakad siya since 20 minutes away lang naman ung mc do and pagbalik niya tulog ako ginising niya ako inamoy kolang tas ayaw kuna galit na galit siya nun kase sayang pagod and ung food na binili niya HAHA nagalit din ako kaya ang ending siya kumain ng spaghetti

Magbasa pa

Yes bumili ako ng ulam na igado kalakasan ng pglilihi ko😅ntatakam p nman ako na yun ang gusto ko ulamin.. Kaso d ako ang ng ulam ipinaulam nya sa iba d pa pinaalam sa kin napaiyak pa ko sama ng loob ko😞lagi ganun pag my gusto ako kainin d nmn nya maibigay pag ako bumili iba nmn kkain kya yun galit ako lgi 😅

Magbasa pa
VIP Member

Yes 😅 one time dahil tinamad ako magluto sabi ko bili na lang sya ng luto. Isang may sabaw and isang prito or sarsa. Medyo late lunch na yun so pagbalik nya sinigang lang dala nya. Juskopo! Puro sabaw tapos may meat parang 3 pcs na maliliit na puro taba, isang kangkong. Hays inis na inis ako kay P hahaha

Magbasa pa
VIP Member

di naman nagalit sobra , tampo siguro yung parmesan sausage ng breadtalk. nagcrave ako ng alanganing oras pero nasa duty sya san daw sya maghahanap ng bukas na breadtalk ng ganong oras 😂 nangyari. umiyak nalang ako haha lakas ng amats ng paglilihi 😂

Andaming bisis na. Yong ayaw nya manilawa sa pag lilihi. Nag luto sya ng pag kain na ayaw ko talaga nag away kami to the point na sumuka talaga ako kasi sa amoy nong ulam at kinabukasan nilagnat ako buti klng di malala kasagsagan ng pag lilihi ko 😁