βœ•

Advice po.

Iam currently 8 months pregnant. alam ko masyado akong selosa at sensitibo, hindi ko alam kasi hindi naman ako ganito dati. yung LIP ko ini istalk nya mga ka workmate nyang babae at hindi ko gusto yun. i bblock ko yung mga babae at sasabihan ko yung LIP ko na hindi ko gusto ang ginagawa nya. last May 17, monthsary namin hindi man lang nya ako ni greet , that day nalaman ko na gumawa cya ng bagong fb account which ginagamit nya pangstalk sa mga babae, hindi nya alam na nakuha ko password ng bagong fb nya. tumambay siya sa CR at ka chat nya yung babae at hindi nya alam nababasa ko lahat ng convo nila. subrang sakit lang na umiyak ako ng bongga at naglabas ako ng sama ng loob sakanya. sinabihan ko lang cya na bakit ngayon pang manganganak na tau saka ka naging ganyan. i told him na hiwalayan muna nya ako bago siya lumandi sa iba. after ko umiyak kumalma na ako at napansin ko nag ccp na naman cya. ni check ko yung fb nya sa cp ko at kausap na namn niya yung babae. yung tipong after nya mag reply delete message na agad. hindi ko napigilan at sumabat ako sa chat nila saying don sa babae na may Asawa na ang ka chat nya at magkakaanak na kami sa june. at sana wag na niya pansinin ang asawa ko at layuan nalang. Sinabihan ko lang yung asawa ko na i block ang babae sa bagong gawang fb nya at dun sa dating fb nya. which ginawa naman nya po. ilang beses ko na din sinasabi sa asawa ko na kung pwedi iwasan nyang pasamain ang loob ko dahil Ako yung tipong tao na kinikimkim ko nalang ang sama ng loob. at wag nya ako bigyan ng stress kasi laging sumasakit ang tiyan ko pag sumasama loob ko at na iistress. Laging sinasabi lang nya sakin ay ako daw ang gumagawa ng ikakastress ko. ngayon po nakita ko na naman na nangiistalk. na naman cya ng ibang babae. pinagsabihan ko lang cya at cya pa ang nagalit at naninigaw kesyo bakit daw masyado akong selosa. tumahimik nalang po ako kasi nag iiba ugali ng asawa ko kapag nagagalit. Dalawang beses nadin kasi nya akong nabugbog last year. yung huling bugbog nya sakin ay kumuha siya ng kutsilyo at sisirain daw ang mukha ko kasi masyado daw ako maganda kaya nakakaakit ako ng ibang lalaki. that time tumakbo na ko sa labas at sumigaw ng tulong kahit alas tres na ng umaga nun. pinatuloy lang ako saglit ng may ari ng inuupahan naming bahay at binantaan ang asawa kong tatawag sila ng pulis . As of now ang iniisip ko lang ay ang baby ko. dahil napapansin ko din na wala naman cyang pakialam sa magiging anak namin. Alam ko wala naman masama sa pangiistalk nya ng babae sa facebook ? masyado lang kasi akong sensitive kasi buntis ako. sana after ko manganak mawala na pagka sensitibo ko sa mga bagay bagay.

30 Replies

Yes walang masama sa pang-iistalk ng iba, ang masama eh yang chinachat niya yung iniistalk niya. Sana matauhan kna po dahil di mo deserve ang ganyan. Wag ka pong tanga, nabugbog knat lahat ngpabuntis kpa tpos ngayon mukhang planong mambabae pa eh una plang dpat hiniwalayan mo n nung umpisang pinagbuhatan kna ng kamay.

Kahit anong away o pagkakamali,hindi tama ang manakit ng babae mamsh. Tandaan mo yan. Magiwan ka naman sana ng respeto sa sarili mo.

Hindi ka over sensitive. Insensitive lang talaga LIP mo. The fact na nasaktan ka nya not once but twice its a big no no na. Hindi nyo sya kailangan. Get out of that relationship bago pa pati anak mo madamay. Sorry pero kung ako siguro pagbuhatan ng kamay ng lalaki baka hindi na sya abutan ng kinabukasan. 😏

Wala naman sa pagiging sensitibo mo yan. Mali lang kasi ginagawa ng partner. Nakakasakit na kasi ng damdamin lalo’t buntis ka pa. Kasi kung talagang mahal ka at mahalaga ka hindi yan gagawa at gagawa ng ikakasama ng loob mo. Kung stalk, stalk lang dapat. Walang chat chat na ganap. 🀨

Girl kahit di ka buntis dpat mong ikaselos ginagawa ng lip mo. Yung gumawa palang ng ibang account eh red flag na yung makipagchat pa. Dapat iniwan mo na nung binugbog ka. The more that you tolerate, the more that it will get worse.

Wala akong maaadvice sayo, mukhang may sapak ka din sa ulo. Walang masama sa pagsstalk? Meron, may kalive in partner na siya tapos may iba pa siyang pinagnanasaan? Tapos nabugbog ka na pala, nagstay at nagpabuntis ka pa 🀦 Balakajan.

Kung LIP mo lang naman pala pwede ka po humiwalay na. Wag ka magpatali sa ganyang klaseng lalaki. Di yan magbabago sure yan te. Mas okay pa buhayin mo mag isa anak mo kesa makisama ka sa ganyan. Ikaw lang ma iistress niyan.

VIP Member

Base sa kwento mo.. Wala namang nagawang maganda LIP mo.. Obviously dapat iwan mo na sya.. Wag kang magpakatanga.. Hihintayin mo pa bang tumagal kayo at mapatay k nga.. Jusko

Bat ba kase ganyan sila, hindi man lang inintindi yung sitwasyon na buntis tska pa mag ganyan. I feel you momsh, wala tayong magagawa if ayaw tumigil πŸ˜”

Martyr ka girl? Niloloko kana alam mo na. Di gawain ng matinong lalaki yang pakikipag chat sa ibang babae. πŸ™„ Di ikaw ang problema Lip mo may problema.

VIP Member

Kung hindi mo kaya iwanan nasa sayo na yun kung gusto mo ganyang buhay ang ipamulat mo sa anak mo. Ingat ka na lang at God bless sa inyo mag ina.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles