Advice po.

Iam currently 8 months pregnant. alam ko masyado akong selosa at sensitibo, hindi ko alam kasi hindi naman ako ganito dati. yung LIP ko ini istalk nya mga ka workmate nyang babae at hindi ko gusto yun. i bblock ko yung mga babae at sasabihan ko yung LIP ko na hindi ko gusto ang ginagawa nya. last May 17, monthsary namin hindi man lang nya ako ni greet , that day nalaman ko na gumawa cya ng bagong fb account which ginagamit nya pangstalk sa mga babae, hindi nya alam na nakuha ko password ng bagong fb nya. tumambay siya sa CR at ka chat nya yung babae at hindi nya alam nababasa ko lahat ng convo nila. subrang sakit lang na umiyak ako ng bongga at naglabas ako ng sama ng loob sakanya. sinabihan ko lang cya na bakit ngayon pang manganganak na tau saka ka naging ganyan. i told him na hiwalayan muna nya ako bago siya lumandi sa iba. after ko umiyak kumalma na ako at napansin ko nag ccp na naman cya. ni check ko yung fb nya sa cp ko at kausap na namn niya yung babae. yung tipong after nya mag reply delete message na agad. hindi ko napigilan at sumabat ako sa chat nila saying don sa babae na may Asawa na ang ka chat nya at magkakaanak na kami sa june. at sana wag na niya pansinin ang asawa ko at layuan nalang. Sinabihan ko lang yung asawa ko na i block ang babae sa bagong gawang fb nya at dun sa dating fb nya. which ginawa naman nya po. ilang beses ko na din sinasabi sa asawa ko na kung pwedi iwasan nyang pasamain ang loob ko dahil Ako yung tipong tao na kinikimkim ko nalang ang sama ng loob. at wag nya ako bigyan ng stress kasi laging sumasakit ang tiyan ko pag sumasama loob ko at na iistress. Laging sinasabi lang nya sakin ay ako daw ang gumagawa ng ikakastress ko. ngayon po nakita ko na naman na nangiistalk. na naman cya ng ibang babae. pinagsabihan ko lang cya at cya pa ang nagalit at naninigaw kesyo bakit daw masyado akong selosa. tumahimik nalang po ako kasi nag iiba ugali ng asawa ko kapag nagagalit. Dalawang beses nadin kasi nya akong nabugbog last year. yung huling bugbog nya sakin ay kumuha siya ng kutsilyo at sisirain daw ang mukha ko kasi masyado daw ako maganda kaya nakakaakit ako ng ibang lalaki. that time tumakbo na ko sa labas at sumigaw ng tulong kahit alas tres na ng umaga nun. pinatuloy lang ako saglit ng may ari ng inuupahan naming bahay at binantaan ang asawa kong tatawag sila ng pulis . As of now ang iniisip ko lang ay ang baby ko. dahil napapansin ko din na wala naman cyang pakialam sa magiging anak namin. Alam ko wala naman masama sa pangiistalk nya ng babae sa facebook ? masyado lang kasi akong sensitive kasi buntis ako. sana after ko manganak mawala na pagka sensitibo ko sa mga bagay bagay.

30 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Its weird na sinisisi mo sa sarili mo yung issue ng bf mo, hindi ka sensitive wala lang talagang respeto sayo yang bf mo kaya kahit buntis ka panay padin ang check nya at chat nya sa ibang babae, tapos girl sinaktan ka na to the point na sisirain mukha mo pero jinajustify mo padin? My advice sayo is to find self love, self value. Tingin ko you don't value yourself enough kaya you keep on defending and justifying your partner. Pero kelan ka mag lalagay ng limit? Magkakaron na kayo ng baby, pano kung next time di nalang ikaw ang saktan or pagbantaan? Ok lang ba sayo na lumaki ang anak mo sa isang toxic family? Willing ka bang kalakihan ng magiging anak mo yung way ng pagtrato sayo ng bf mo? Sana have some self respect. Be better not only for you but also for your child.

Magbasa pa

Ai jusme😬😒di ka sensitive,may reason nman pla bkit nrarmdaman mo yan,na bwisit aq ke aga aga dhil s LIP mo momshie,kung aq sau ,hiwalayan mo n yang gnyang klaseng lalaki,nasa yo n lhat ng reason,bkit nag titiis at nagbubulagbulagan kpa?find your worth,di mo deserve gnyan,.and hello,cnav mo rin n minsan kna nyang binugbog not once but twice?tpos may banta p na ccrain mukha mo ,and d nagbibiro dhil hinabol kna n maydalang kutsilyo🙄kung aq yun matik na alsabalutan and papahuli ko pa sya sa pulis,,matik nrin burado lahat ng feelings n meron pra xknia'dhil matrotrauma n aq xknia😖sana momshie mkita mo halaga mo,,haixt pray ka rin poh kay God,ask for guide,Godbless poh

Magbasa pa

Maraming red flags sa pagsasama nyo,at nakaka alarma na parang naging okay ka nalang sa pagiistalk niya. Kung hindi ka na masaya,LET GO. Kung puro sakit at iyak nalang ginagawa mo,LET GO. Ano ang silbi ng isang relasyon na hindi ka nagtitiwala sa partner mo at ang mali ay naging tama nalang para sayo kasi nasanay ka na? Mali yan mamsh. Maling mali. Ang lalaking paulit ulit gumagawa ng kasalanan,walang balak magbago yan.ang masama pa,pati pananakit niya tila naging okay nalang din. Umalis ka mamsh. Kung hindi mo naiisip sarili mo,isipin mo nalang anak mo. Wag mo siyang palakihin sa ganyang environment. HINDI NIYA KAILANGAN ANG AMA NA KATULAD NIYAN.

Magbasa pa

Sis may sakit sa pagiisip yung napili mo. Hindi normal yung kukuha siya nang kutsilyo at sisirain yung mukha mo. Hindi rin normal yung pagkatapos niyo lang magtalo e mang sstalk nanaman siya at makikipag chat sa iba. Jusko ate bakit pinaabot mo pa na nabuntis kana. Mag self asses ka din kasi baka ikaw din may problema kasi alam mo nang may mali sa kasama mo pero pumapayag kaprin. Tayong mga ina ang pumipili nang ama nang mga anak natin kaya make sure na galingan natin. Wag patanga tanga sa buhay sis. Laban!

Magbasa pa

Di ka sensitive, normal lang naman yung reaction mo kasi mali naman talaga ginagawa ng partner mo pero sana wag din maging shunga nuh? Sinaktan ka na nga e at twice pa ha tapos tinuluyan mo pa rin at na-take mo yun? Di ka pa natakot na baka mapatay ka nya nun, imagine may kutsilyo. Wala sa tamang pag-iisip yang lalaking yan pero mukhang ikaw din kasi nagpapaka martyr ka. Di na uso mga pa-martyr ngayon. If ayaw mong maawa sa sarili mo kahit sa anak mo nalang. Ilayo mo sya sa toxic na paligid at tao.

Magbasa pa

Nabugbog ka na pala before ng asawa mo, twice pa but you still chose to stay with him?! He doesn't respect you at all kasi buntis ka na nakikipaglandian pa siya online sa mga babae. And why are you saying na walang masama sa pag iistalk ng babae? Geez, it all starts there, mag stalk, tapos ichachat na ang girl and from there magkakaroon na sila ng something. Now, where does that leave you? Iiyak ka na lang? Please, if you love yourself and your baby better leave him. He is not worth it, i tell you.

Magbasa pa
5y ago

Kung talagang mahal na mahal ka nya bakit ka nya binubugbog? That's not love. Wala ng respeto sa yo tapos nagbiistalk pa ng mga babae?! You are holding on to his empty promises, dahil lang sinabi nya na mahal na mahal ka nya naniwala ka naman?! Those are just words, look at his actions, love ba yan? Parang ikaw siguro ang sobrang mahal na mahal siya kaya di mo mahiwalayan.

Kapag may nangyaring bugbugan sa simpleng bagay lang... Promose momshie mauulit at maulit yan at pagsisisihan mo araw araw na sya ang minahal mo. Same here... Mula pagbubuntis stressed na. Ngkaroon pa ako ng postpartum depression. Iniwan kocdad ng baby ko at namuhay ng msaya at malayo sa lungkot at takot.. i realized na mas msaya pala kpag my freedom ka at di laging natatakot at nangangamba... Mas mkakahanap ka ng taong mkakaintindi sau kya mgisip isip kna kapg dipa ngbabago.

Magbasa pa

kng ako nsa sitwasyon mo.wala nang dahilan para mag stay pa ako sa tao na wala nman pakealam sakin at ang dami nyang nagawa na masama sayo.hindi mo dapat nararanasan yan lalo na buntis ka ngayn.pwede ka nman umuwi muna sa inyu.madami pa jan lalaki na tatanggapin kayo ng anak mo.mas maganda na mahalin mo muna sarili mo at ang magiging anak iwan mo yang lalaki kasi wala syang kwenta..lalo ka lang maghihirap habang hindi ka umaalis sa poder nya.

Magbasa pa
5y ago

Next month kasi manganganak na ako. subrang layo ko sa pamilya ko . LIP ko lang kasama ko dito. as much as gusto kong layasan siya. kelangan ko siya ngayon kasi wala ako kasama dito.

VIP Member

Ano ba yan? Sasaksakin ka na tapos nagsstay ka pa sakanya. Ateng, tumayo ka sa sarili mong paa. Kaya mo yan, wag mo sabihin manganganak ka na at kailangan mo siya. Humingi ka ng tulong sa pamilya mo at iwan mo na yan. Di ka nyan mahal, nakukuha pa nga makipagchat sa ibang babae habang buntis ka. Dapat tinapon mo celfon nya sa inidoro.

Magbasa pa
VIP Member

Old habits die hard. And may masama sa pang i-stalk po pwede dyan mag start ang cheating and it can be a form of cheating already. Lalo na may convo na nangyayari and after that everything will follow. Makukunsumi ka lagi dyan. That will be like a cycle that keeps on repeating kung hindi magbabago partner mo.

Magbasa pa