Emotional After Delivery

I am one of the youngest of the family and bilang youngest I never experience na mag alaga ng bata. Now that I am a mom, (ftm), nangangapa ako. Sometimes I cannot console my baby and I feel bad. I feel bad about myself. I feel like not enough. Parang niluwal ko sya after nun naging useless na ako. Kasama ko sa bahay si mama at ang sis in law ko. Kung kinakarga ko si baby, usually hindi nagtatagal ng isang oras karga ko si baby, kinukuha na nila si baby kasi hindi daw ako marunong magkarga. Nakakarga ko lng ulit si baby during night to dawn kapag gumigising si baby pag nagpapadede ako. Bukas na naman ulit. Nahe hurt ako kasi instead of guiding me, inuunahan na ako. Naiinis na talaga ako. Feeling ko wala akong kakwenta kwenta.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

I suggest you talk to them in a nice way. Normal mangapa, but they should give you a chance to learn how to be a mother to your own child. Natural instinct naman ang pinapagana diyan. Masasanay ka din. :) Minsan kasi nawawala yung boundary ng ibang tao sa babies natin sa sobrang pag aalala or excitement nila. Hindi nila naiisip na minsan may actions na silang nagagawa na nakaka offend or nakakasad sa part ng parent, especially mother. Pero naniniwala naman ako na walang hindi nadaan sa maayos at malinaw na usapan kaya pakiusapan mo na lang. :)

Magbasa pa
5y ago

Yun nga. Di talaga maiiwasan kasi feeling nila mas maalam sila satin pero sino bang nanay ang magpapahamak ng anak nila? Explain mo na lang na you wanted to learn para di nakadepende sa ibang tao yung baby mo and they should understand that. Karapatan mo yun bilang nanay.