Pwede pa bang ibalik yung dati??

I just want to share my problem gusto ko lang magkaron ng kadamay o ng payo sa pinag dadaanan ko ngayon. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung itutuloy ko pa ba ang pakikisama sa asawa ko alam kong meron siyang kabit at kasalanan ko kung bakit siya nag kaganun dahil din sa nagkaroon din ako ng affair sa iba noon at nalaman niya hindi ko siya masisisi kung bakit siya ganun ngayon dahil alam kong ako din ang dahilan, kagabi nag usap kami at sinabi niya na madami binago sa kanya yung babae na yun at nag pupursige siya dahil May gusto siyang marating yung babae niya ang nag push sa kanya nun sobrang sakit marinig yun galing sa kanya at iyak lang ang naisagot ko, sinabi din niya sken na bawiin ko siya dahil sobrang napamahal na siya dun sa babae, ano po ba pwede kong gawin para bumalik ulit yung pagmamahal na yun? im in 9months preggy at naghihintay nalang kung kelan lalabas si lo. Sana may makapansin ng post ko na ito.

21 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

For me, just leave. Not a fan of gantihan, na pag nagloko ka e kailangan lokohin kadin nya para fair. Nope, hindi ganon ang pagsasama. Kung nakagawa ka ng mali, nalaman nya, pinatawad ka nya at nag stay padin sya, baket kailangan magloko din sya? Dun palang, it's not worth it. May anak kayo, pero hindi naman kailangan na magsama pa kayo kung aware na kayo sa situation. Nanggaling nadin naman dun sa asawa mo na, napaigi sya don sa babae nya, so wala ng reason para magsama ka. Kase ang pagsasama, kayo dapat ang nagpupush sa isa't isa maging better pero kung sinisira nyo ang isa't isa para san pa at kung sa ibang tao na nakita?

Magbasa pa