Pwede pa bang ibalik yung dati??

I just want to share my problem gusto ko lang magkaron ng kadamay o ng payo sa pinag dadaanan ko ngayon. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung itutuloy ko pa ba ang pakikisama sa asawa ko alam kong meron siyang kabit at kasalanan ko kung bakit siya nag kaganun dahil din sa nagkaroon din ako ng affair sa iba noon at nalaman niya hindi ko siya masisisi kung bakit siya ganun ngayon dahil alam kong ako din ang dahilan, kagabi nag usap kami at sinabi niya na madami binago sa kanya yung babae na yun at nag pupursige siya dahil May gusto siyang marating yung babae niya ang nag push sa kanya nun sobrang sakit marinig yun galing sa kanya at iyak lang ang naisagot ko, sinabi din niya sken na bawiin ko siya dahil sobrang napamahal na siya dun sa babae, ano po ba pwede kong gawin para bumalik ulit yung pagmamahal na yun? im in 9months preggy at naghihintay nalang kung kelan lalabas si lo. Sana may makapansin ng post ko na ito.

21 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mahirap kasi umasa mommy especially if alam mong nafall out na sa'yo yung partner mo. Ang tanong na lang jan is kaya mo bang pagtiisan na ganyan yung setup niyo? Let's say na nauwi siya kasi preggy ka, pano pag nanganak ka na and habnag lumalaki yung baby niyo, pano magiging setup niyo? Yung sinasabi niyang bawiin siya, mejo kalokohan yan. Kung gusto niya talagang makipagbalikan and makipagayos ng maayos sa'yo dapat icucut na nya totally yung ties niya dun sa babae. Parang gusto pa ata niya pag agawan siya e. Sorry mommy mejo harsh pero ayoko kasing magadvise ng false hope sa'yo, eto lang naman is based sa mga sinabi and shinare mo dito. Yung sa tanong mo if pwede pa bang maibalik yung dati? Possible BUT it takes two to tango ika nga. Dapat nya bitawan yung girl if gusto niya maayos. Pero of nakikita mo na di niya mabitawan, ilet go mo na. Toxic environment yan paglabas ng baby mo and di maganda sa growty ng bata yung makikita nya stressed and nasasaktan ka palagi everytime. The girl should backoff kung may delikadesa siyang tao, mukhang wala so mahirap na talaga pakiusapan mga ganyang klase ng tao. Let them. Wag mo ba po ipilit yung ikakastress mo and ng baby mo. Hindi logical reason na nauna kang manloko kaya nangloko din siya, that is pure bullsh@t. Anyway, pray and let God guide you sa tamang path. Sana marealize mo din yung right and perfect path for you and your baby.

Magbasa pa
5y ago

True, parang gago din yung lalaki. Don’t bother na agawin siya. Siya dapat magkusa na iwan niya yung kabit. Siraulo ka, Kuya? Iwan mo nalang iyan ate, ma sstress ka lang paglabas ni baby. Focus ka muna sa baby mo.

Tingin ko mamsh kahit na napamahal sya ng sobra dun sa babae and kahit pinush sya nung babae na magpursige, Mahal ka pa rin nya. Kasi unang una d nmn nya sasabihin sayo na bawiin mo sya. Ibig sabihin kasi nun mas mahal ka pa rin nya. Cguro nagkulang ka lng and cnasabi nya sayo kung ano ung ginawa nung babae para gawin mo din dahil yun lng nmn tlaga yung gusto nyang gawin mo para sa kanya. Syaka mag kaka baby na kayo eh. Kahit na cnabi nya na ganoon ung ginawa nung babae sa kanya, kayo pa rin ung importante sa kanya kaya cnabi nya na bawiin mo sya sa babae nya. Try mo mamsh maging supportive sa kanya kasi feeling ko kaya lng sya nangbabae kc d nya maramdaman ung pagsupport mo sa kanya. Lalo na nagkaaffair ka din sa iba parang gusto nya bumawi ka sa kanya.

Magbasa pa
5y ago

Eh hindi kasi siya marunong mag decide sa dalawa. Hindi siya mahal nung lalaki, ang lalaki dapat magkusa humiwalay sa kabit niya.

For me, just leave. Not a fan of gantihan, na pag nagloko ka e kailangan lokohin kadin nya para fair. Nope, hindi ganon ang pagsasama. Kung nakagawa ka ng mali, nalaman nya, pinatawad ka nya at nag stay padin sya, baket kailangan magloko din sya? Dun palang, it's not worth it. May anak kayo, pero hindi naman kailangan na magsama pa kayo kung aware na kayo sa situation. Nanggaling nadin naman dun sa asawa mo na, napaigi sya don sa babae nya, so wala ng reason para magsama ka. Kase ang pagsasama, kayo dapat ang nagpupush sa isa't isa maging better pero kung sinisira nyo ang isa't isa para san pa at kung sa ibang tao na nakita?

Magbasa pa

Sis, kung ganiyan na ang nangyayari at kung I voice out niya na sa'yo 'yung other girl niya better yet leave the situation. Kung mahal mo si guy, let him be happy. Kasi hindi na yata ikaw ang nagpapasaya sa kanya at sinaktan mo siya. Just co-parent kapag labas ng bata. Hindi na maibabalik ang tiwala at pagmamahal ng isang tao lalo na kung may nakita na itong mas better sa'yo. Be realistic sis. Hindi na pwede ibalik ang nakaraan, kung gaano kayo kasaya at nagmamahalan. Just let him go. One sided love nalang 'yan at ikaw nalang ang nagmamahal. Sorry to say sis, but it's your karma. :-(( nakakalungkot lang.

Magbasa pa

Mahirap iyan, sis. Lalo na the way he talks about her, sobrang hulog na talaga iyan. Huwag mo nalang pilitin, pabayaan mo nalang, wala ka naman kasing magagawa unless siya ang mag kusa na iwasan iyong babae. Sabi mo pa nga na yung lalaki mismo nangungulit sa babae pero kung marunong man si kabit mag-isip, gagawa siya ng paraan para layoan yung lalaki mo. Kasal ba kayo? Btw parehas lang kayo nagloko kaya quits lang. Kung matino man siyang tao, hindi siya dapat nagloko pero pinili niyang sapawan yung kasalanan mo kaya gago rin siya.

Magbasa pa
5y ago

Yes sis, kasal kami

Try nio po na mag date kayong dalawa. Mag out of town. Mas better po un kc malalayo ung asawa nio sa babae nya and magfofocus sya sa inyo. Mas maganda po sana kung umuwi kayo ng probinsya or something. Kaso mahirap po gawin yun ngayon lalo na po kabuwanan nio na. Syaka po d ba alam ng babae na yun na magkakaanak na kayo? Kasi dba pano kung may nangyayare sa kanila and mabuntis din sya na sana nmn d mangyare. Sana po maagapan nio lalo na gusto din ng asawa nio na bawiin nio sya sa babae na yon.

Magbasa pa
5y ago

Eh di tapos ang usapan. Wag mo na pilitin pa. Masakit pero yun ang dapat mo tanggapin. At ikaw pa babawj sakanya ah? Haha baliw lang. Kung mahal ka niya, iiwan niya yun lalo na at buntis ka pa.

Leave... Mas maissalba nyo pinagsamahan nyo if you respect each other. Nakapamili n cya.. And ung other girl ang pinili nya. Atleast he's man enough para i admit sau un.. Di rn nmn hihiwalayan ng other girl ung husband mu. Gnyn nangyari skn, binitiwan q n lng.. Atleast di nya tinanggi na anak mu c baby.. U have your baby, focus kn lng sknya.. Kc khit ano effort mu kng mas nkikinig cya dun sa isa, useless lng..

Magbasa pa
VIP Member

Yun ang mali mo sis, being a wife hindi ka dapat nakipag affair sa iba if kasal naman kayo. Hindi nyo po yan kayang ayusin na ikaw lang ang kikilos na babawiin mo sya? Pinag uusapan po yan at dapat mag agree din sya na hihiwalayan nya yung babae at totally no communication at sabay nyong aayusin ang marriage nyo. Nasa huli po talaga ang pag sisisi sana ma save nyo ang marriage nyo.

Magbasa pa
VIP Member

Let go and let God. Kung binibigyan lng kayo ng lesson pareho ng Diyos babalik at babalik kayo sa isat isa. Minsan may mga ginagawa ang Diyos na sa simula hnd mo maiintindihan. Pero dadating ung araw na maiintindihan mo din ang ginagawa nya. May tinuturo lng satin ang Diyos at kung ibibigay mo lng ung buong tiwala mo skanya sa huli wala ka nang ibang mararamdaman kundi kasiyahan.

Magbasa pa
5y ago

Thanks sis

VIP Member

Kun napamahal na sya sa babae bakit nya sinasabi sayo na bawiin mo sya sa babae? Tanungin mo sya kun anu desisyon nia.. Kun ikaw ang pipiliin nia at willing kayong magsimula ulit mlaki ang chance na maibalik pa ang dati nyong pagsasama lalo na magkakababy na kayo..