MY KA AFFAIR SI HUSBAND

Hello guys di ko na matake etong kasalanan ni hubby all i want is to give lecture to the girl and to my husband also. Gusto ko sila puntahan sa work at ipapahiya ko malala yung babae. Sasaktan ko yung babae gugupitin ko yung buhok at siempre eskandalo labas non w/c is wala kong pake dahil pumasok sya sa gulo. Im 39weeks preggy. Gustong gusto ko lang tlaga gumanti sa mga hudas na yun. ? Hindi nko mktulog sa mga ginawa nilang kababuyan sken. At take note alam nung babae na my asawa at manganganak ako. Ayun sabe nung husband ko nung tinanong ko sia dahil nagsususpetsa nko. What to do mga momsh. Nakakabaliw!!

78 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan din ako dati, sarap gantihan at buntis din ako nun, nasa 1st trisem plang ako nun. Masakit sa masakit. Pero hindi ako nag revenge. Pinagdasal ko sila at hindi ako nagpa apekto. Hinayaan ko karma ang gumanti para sken, yes I admit maganda, maputi yung naka affair ni husband total opposite ko. Maganda din naman ako, pero hindi talaga ako kaputian, may ka live in partner din yung babae nd may 2 kids na din. Sabi nung husband ko, wala daw yun. Ka workmate nya lang, kahit may mga nababasa ako na di maganda sa phone nya, yes initial reaction magalit, magwala, sugurin yung babae. Kaya lang inisip ko hindi ako trouble maker and buntis ako, mas binigyan ko ng oras yung sarili ko, mas inayos ko yung sarili ko at yung anak ko. Humingi cya ng sorry, at sinabi na hindi uulitin, naniniwala ako at it takes time bago ko talaga cya napatawad. Hanggang sa dumating na si karma na ang gumanti para sken, nag resigned yung babae at nabalitaan ko na mild stroke cya, yung husband ko naman na carnap yung kotse nya.. Nakita ko naman na may changes sa asawa ko, at sinabi ko sa asawa ko na yung mga panloloko mo sken, may balik yan. Sabi ko isipin mo na may mga anak ka at puro babae, kung mag asawa ba sila at nalaman mo na niloko sila ng asawa nila, anong nararamdaman mo? Kung ano man ang nararamdaman mo Ganon din or mas higit pa yung nararamdaman ng papa ko sa ginawa mo.

Magbasa pa
6y ago

Motto ko kasi is kung ayaw mong gawin sayo, huwag mong gawin sa iba.. Papas girl kasi ako, even though may sister ako, ako talaga fave ng papa ko. E nakikita ko Ganon din yung husband ko sa mga kids namen, kaya lagi ko pinapaalala sknya. :)

Ako dati momy nahuli ko lng may ka txt hubby ko ayun sa harap nya mismo sinabi ko sa anak namin "nak alam mo bang may gf si papa mo?"3 yrs old pa lng anak namin nun pro grabeng mag salita Sama ng tingin ni hubby sakin nun.haha.,kasi nagalit anak namin sa kanya sabi naman nya sakin bakit ko dw isinasali anak ko sa usapan sabi ko naman bakit hindi? Sya ang unang unang maapektuhan sa ginagawa mo.,kaya ipapaalam ko talaga sa kanya kung wala kang pake sakin mahiya kaman lng sa anak mo.,alam ko namang mali dahil bata pa anak namin pro gusto kong iparating kay hubby na hindi lng ako ang sasaktan nya pag nag loko sya.,mas makakalaban nya ang anak nya lalaki pa nman.,kaya ayun simula nun dna naulit.,knausap ko naman anak namin after ng sekreto sabi ko joke ko lng yun d totoo😁 Un lng naman dko pa na xperience ung ganyan na kilala ko ung babae

Magbasa pa

Siguro naman po hindi mo ibababa ang level mo sa kabit ng asawa mo or ng aanay sa family mo pero po mas magalit ka or bigyan mo ng pansin ang asawa mo kc once na napaintindi mo sa knya ang nararamdaman mo at kung mahal ka nyang talaga sya ang gagawa ng action para sa inyo dalawa lalo at kabuwanan mo talaga pano lung sabihan ka ng kabit na kaya nangangabit asawa mo kc buntis ka now kc feeling natin wala talaga tayo silbi sa asawa natin kc nga buntis tayo pero hintayin mo makaanak ka kamo my paglalagyan kayo sakin ahha momy wag sumugod ng walang laban imean mga patunay or kung anik anik kc sabi mo asawa mo yan yun palang kampante kana pero ang kabit kc once na alam din na mahal sila yun din panghahawakan nila khit pa alam nila na kabit sila

Magbasa pa

Naku te. Kumilos ka sa legal at tamang paraan wag yung magfi-feeling warfreak ka. Ang panget tignan nun. Ikaw pa ang mababaligtad. Di kasagutan ang lusubin at ipahiya o ieskandalo ang kabit o kung sino mang herodes pa yan. Lumaban ka. Mahabang proseso man pero lumaban ka sa legal na paraan. Gagong asawa mo ang may problema. Sya ang tunay na kalaban mo. Mahirap makipaglaban kung ang taong ipinaglalaban mo ang mismong kumakalaban sayo! Kahit mapatigil mo si girl na makipagrelasyon sa asawa mo, kung hindi asawa mo ang iko-confront mo hahanap at hahanap lang sya ng ibang girl. So useless din, kaya waepek yung sinasabi mong pagpapahiya. Ikaw pa nga ang nakakahiya kung lahat ng girls malulusob mo. Hahaha! Realtalk lang te. Be strong!

Magbasa pa

I’ve done the same thing. I was 37 weeks preggy back then and I was at risk of preterm delivery. Pero di ko talaga kinaya na man nababalitaan ako about sa partner ko at sa katrabaho nya. Sinugod ko yung girl sa hospital at tangina nya, sya pa matapang. Porke di daw nya type partner ko at friends lang sila. Pero pumayag ang gaga na lumabas sila ng silang dalawa lang para mag dinner. Mga ulul yun. Ending, nagsisi lang ako sa ginawa ko kase I put my baby in danger pra lang maconfront mga punyetang yun. So kung ako sayo, hintayin mo na muna manganak ka at makapagrecover bago sumugod OR hayaan na lang sila. HAYAAN MO NA KARMA GUMANTI PARA SAYO. Isipin mo muna si baby sa ngayon.

Magbasa pa
VIP Member

Kausapin mo si hubby. Malapit ka na maanganak mamsh sa ngayin khit mahirap khit nasasaktan ka sa gngwa ng hubby mo focus ka muna kay baby. Pagisipan muna lahat ng dpat gawin after manganak. Papiliin mo sya pag ung babae pinili nya let him be. Mga ganyang klase ng lalaki walang kwenta sorry aahh pero yun kasi totoo sarili lng iniisip. Its his lost not yours bka kasi pag pinilit mo sarili mo magsisi ka dn sa huli na sana iniwan mo nlng sya kesa.maging miserable pa buhay nyo ng magiging anak nyo. Un lng mamsh.. Pero syempre ikae p dn makakapgdecide at mkakaalam ng doat gawin. Pagisipan mbuti. Pray lng po palagi. Godbless po

Magbasa pa

Naku ganito nangyari sa friend ko, nkkalungkot lang isipin na my babae tlagang makati kht my asawa na ung lalaki at buntis pa sige2 pa din ang landi.. 😔 Malapit ka ng manganak mamsh wag mo na stressin sarili mo, love urself ika nga.. Palayasin mo na yang malandi mong asawa and start a new life, for sure wala din matutulong sau yan pagka panganak mo.. Kung nasa matino pg iisip nyan, hnding hndi nya ggawin sau yan lalo na ngaun buntis ka.. Well nasa sayo parin ang desisyon mamshie, pero pray for his guidance para mkpag isip ka ng tamang ggawin. Wag ka ng sumugod sa office nila baka kung mapano ka pa at c baby..

Magbasa pa

If you really want revenge, ireport mo sa mswd. You can file a case against them and dun nila pagsisihan sa kulungan yung ginawa nilang kasalanan sa'yo. Kapag sinugod mo si girl sa work baka ikaw pa yung makasuhan ng physical injury. I know it's unfair pero di ka dapat magpadala sa anger mo. Isipin mo din si baby mo. Send a letter to your husband's company and tell them na ganon gingawa nila. Ora mismo as long as you have evidence tatanggalin sila sa work or paghihiwalayin ng branch or isa sa kanila aalisin. Idaan mo sa legal na process. God is with you and your baby. 🙏♥

Magbasa pa

Ako hindi ko siya eeskandalohin para para ma eskandalo din ako why not act like a friend dba? Yung tipong mapapahiya siya sa sarili niya. At kay hubby mas magiging caring ako pero pag di umipek, lagapak silang dalawa! Iba magalit mga misis lalo na kung may lumilingkis sa mga asawa talagamg masarap mangudngod sa umaapoy na impyerno ganyan tayo magalit e. Pero siympre maging anghel muna tayo sa una tsaka tayo mag make move pag di tumalab sa pagiging anghel saka natin iparanas yung hinahanap nilang kahihiyan. Mas magnda kasi pag si babae lang napapahiya e di kasama si mister at ikaw.

Magbasa pa

Para sakin momy.,dko aawayin sino man sa kanila.,mahinahon kong sasabihin kay hubby na hindi ko sya hahabulin dun na sya sa babae nya.,final na desisyon ko mag usap nlng kami sa brgy para sa sustento nya sa amin kung ilan ang dapat mapunta sa amin ng anak nya base sa kung ano ang nasa batas.,pwede nya dalawin anak nya pro bawal nya hiramin.,yun lng momy kung sakali mangyari sakin yan.,wag mong aawayin at wag kang mag eeskandalo kasi talo ka dahil buntis ka.,kawawa si baby.,sigurado mas matatakot si hubby pag kinausap mo ng ganyan kaysa awayin mo sya.,pray ka lng momy

Magbasa pa