Miracle baby

I want to share this to others pls dont judge. Im 23 yrs old when I got pregnant pero I decided na ipalaglag yung baby ko kase sobrang conflict sa bf ko which is yung bf ko gusto nya ituloy ko pero ako ayoko kase ang daming problema, may baby sya sa ex nya at yung ex nya naghahabol pa sakanya at nagkapabaranggayan pa sila. Sobrang ayoko ng magulo at gusto ko ng humiwalay sa bf ko kase nalaman ko din na pinagsasabay nya kami ng ex nya para matahimik yung babae kase magdedemanda daw e hindi naman sila kasal at gusto ng babae na ikasal sila. So nakipaghiwalay ako, 2weeks passed at nalaman kong buntis ako (naghahabol padin yung ex ko, at alam kong mahal ko padin sya) pero tinuloy ko padin nagtake ako ng pampalaglag dinugo ako pero konti lang. Akala ko wala na si baby, nagiinom pa ko non tapos nagkaayos kami ng ex ko at sa gusto nyang makasure kung talagang pinalaglag ko kaya inaya nya ko magpa transv. At ayun nga Im 5weeks preggy hindi sya nalaglag. Pero napapaisip padin ako kung itutuloy ko kase natatakot ako sa lahat ng nangyare pano kung maghabol padin yung ex which is naghahabol padin pala. Na convince ako ng bf ko na ituloy yung baby ko pero natatakot talaga ako kase baka makaaffect na yung gamot na tinake ko. Fast forward nanganak na ko at sobrang healthy ni baby. 41weeks pero di manlang nakadumi or cord coil si baby, never ako pinahirapan sa pagbubuntis ko. Yung ex tumigil din nung nalaman na buntis ako at ngayon nasamin na yung anak nya kase di padaw ready maging nanay yung ex nya. Ngayon mommy na ko sobrang nagsisisi ako sa ginawa ko dati, lagi ako nagppray na healthy at normal ang baby ko. Ngayon iba pala feeling ng maging isang mommy. I thank God for my little princess. Sobrang daming pinagdaanan pero di padin pinabayaan ni God. Yung baby ko sobrang mahal na mahal ko sobrang nagsisisi ako dati kaya ngayon babawe ako sobra para sakanya.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

good decision mommy..❤ bawi ka nalang kay baby ngayon.. God is good talaga at normal si baby.

momshie, nagpa CAS po kayo?

4y ago

Hindi po. 6mos na po baby ko and super healthy nya 😊