Living with in-laws
Hi! I just want to let out some thoughts that has been circling in my mind for months. I need advice also. I am married and we are living with my in-laws as of the moment. It is due to our finances are off and we need to replenish it. To cut the story short, most of the time I feel frustrated of not having our own space. Nahihirapan akong gumalaw sa bahay nila. To clarify any misconceptions, I don’t have any ill feelings towards my in-laws. They also don’t treat me bad. My inlaws are nice naman. I just don’t blend with them smoothly. To avoid bad circumstances, I limit my actions and just go along to whatever they decide to do. I always see to it that I won’t be a burden to them. Pero dahil don, feeling ko parang nawawala na yung identity ko. Gusto kong mag-aral magluto pero hindi ko magawa dahil ayokong mag aksaya ng resources nila. Feeling ko nagkakaroon nako ng malalang social anxiety maslalo na pag naiisip kong matagal pa kame makikitira. Yung kinuha kse naming bahay maitatayo pa after five years. Gustong umiwas magrenta ni hubby dahil sayang lang daw sa pera. May point naman siya dun. Alam kong economically mas maganda na ipunin nlng namin yung pera imbis na ipambayad sa renta. Agree naman ako dun. Pero emotionally and mentally, I feel drained kakaisip ng mga bagay na nararamdaman ko. Baka mabilis pako malosyang neto. Kidding aside, I’m very thankful for my inlaws dahil pinakikisaman nila ako kahit minsan feeling ko nahihirapan din sila sakin. Madalas feeling ko, ako lang talaga ang may mali. Should I dismiss my frustrations and suck it up dahil nag iinarte lang ako? I badly need an advice. Thank you in advance.