100 Replies

hayaan mo na lang sila. Naalala ko tuloy nog pumunta akong hosp para magpa lab. Dumaan muna ako sa clinic ng friend ko na nurse. Sinabihan ako ang pangit pangit ko na daw tas puro pimples. Yung itsura ko pa daw mukha lang inutusan bumili ng suka😅 tumawa na lang ako. Sabi ko tinatamad kasi ako magayos at maligo kasi super early in the morning yon papakuha lang naman ako ng dugo. Haha! Sabi ko na lang alangan naman pumustura ako ng pang party eh ospital lang naman pupuntahan ko😂😅 til now d ko pa rin alam kung ano gender ni baby Next check up ko pa malalaman😊

My office mates said na girl ang magiging baby ko since blooming daw at maganda awra ko mula nung nagbuntis ako however sabe ng visor ko sya sobrang haggard non at lahat ng pwedeng umitim e umitim pero girl ang anak, my buddy also ganon nung buntis, bumilog ang ilong pero girl ang baby. Iba iba tayo ng pregnancy pero one thing for sure wala yon sa physical appearance naten ang magiging gender since what we look right now is because of our pregnancy hormones. Hayaan mo nalang yung mga commentators sa buhay mo, dun talaga sila magaling e lalo na kung pinapansin at nagpapaapekto ka.

Thank you po sa encouragement.

Ganyan din ako sis, girl baby ko pero sobrang nagbago itsura ko kahit ako di ko na mamukaan sarili ko even leeg ko nangitim na parang ang dumi dumi ko. Haha! Dami din nagsasabi, pero nakatulong siguro yung pag accept ko ng changes sa katawan ko kaya tinatawanan ko lang sila. Isipin mo nalang na 9 months lang ang pagbubuntis, pagkapanganak pwede na mag unti unti magpaganda ulit at for sure babalik at babalik din yung dati natin itsura. For now enjoy na muna natin at isipin na kinukuha lang ni baby girl yung ganda nating mga mommies 😅😊

Don't take it seriously sis kasi normal lng nmn n my mgbago sa pgmumukha ntn pg ngbubuntis, no matter how we look when we get preggy atleast isipin nlng my blessing tyo na nasa sinapupunan natin, yes we are blessed kasi marami Jan hirap mgbuntis tyo meron na, nung 1st trim sabi blooming ako Pro ngyon hayagan n din sinasabi na ang pangit ko saw, e proud p din nmn ako, dbale na pumangit basta my baby nako kako nmn with a smile na sumagot, we need to be positive wag tyo masyado pa stress pra d maapektuhan si baby sis okay😊😊😊

Ang pangit ko rin magbuntis, I mean acne and tamad na tamad ako mag,ayos ng sarili. Lahat sinasabi biy daw baby ko...aba aba aba, mali silang lahat! I'm having a girl. Ngayon 6months na ako nagclear up na ang pimples ko, I also make sure na pag lalabas ako naglalagay ako ng kintong blush, lip balm at pulbo sa mukha. Tamad pa rin ako mag-ayos ng sarili ko until now, di gaya nung di pa ako buntis as in full make up ako, pero yung konting nilalagay ko sa mukha made a big difference from sa mukha ko nung 1st trimester.

Ako nman halos lahat ng nakakakita sa akin ayyy cgurado girl yan blooming ka ei sabi ko naman ay sana nga po since yun dalawa ko anak is boy.. gusto na talaga na sana girl pero nun inultrasound aq pati sa doctor naguluhan ako hahahha kc sabi nya ayy parang may lawit tas yun nakasulat na sa papel na ang gender ng baby ko ay boy nga so ako nman medyo nadisappoint ng konti medyo parang umasa na din ako na girl hahha... Pero now kaholit ano pa cia kahit bakla ok lng hahaha hinihiling ko lang sana healthy cia

.ganyan din Ang sinasabi skin NG iba .. kesyo baby boy nga daw PO ... Khit nun nag papa checkup aq mga nakakasabay qng buntis din Sabi baby boy daw anak q kc nun blooming daw CLA nun aq Haggard hahaha ...natawa nlang aq ... Ok lang nman skin qng baby boy or girl d q na iniisip qng sabihan nila aqng haggard ..pero akalaq nga Rin baby boy Kya nag isip na kami ni lp ng name ni baby .. kaso nun nag paultrasound aq baby girl sya ... Hahaha ..buti nlang masaya prin c lp khit anong gender Nan baby nmin ....

VIP Member

Naku momsh, hayaan mo sila wag kang pakastress, alam mo kung ano ang meron sau!! Yaan natin sila.. ako walang pinagbagu , daming nag aakala girl daw baby ko sinasabi ko nalang sakanila na, di ibig sabihin blooming , girl na, di po nakabase sa mukha ang gender ng baby ... Momsh, wag silang pansinin :) Baby boy po sakin pero feeling ko hagard ako pero daming nag tel na blooming , and daming nagsasabi na baka di pa sure .. sabi ko mas may alam pa sila sa ob .. hehehe ,

Momsh same tayo. Baby girl din gender ni baby pero di gaya ng ibang mommies na glowing at blooming ang pregnancy journey. Dami rin changes sa looks ko not even before na blooming, pero diko nalang pinapansin kahit pumangit na ako basta ang importante si baby mapunta lahat sa kanya ang ganda diba momsh hahahah🤗🤗😍 bawi nalang tayo soon mommy babalik din yang glow up na yan. Stay positive lang always mommy wag mo nalang intindihin mga ibang tao🤗😍

Tawanan mo nlng. Got the same issue with my first born. Kht ako feeling ko boy kse yun ung mga cnsbi ng tao kse ang laki tlg ng ilong ko, ang dming umitim sakn,kht sa paningin ko di ako mganda. 😂 Pro tawa nlng ako pg labas ng ultrasound girl dw so inulit nmin kse kht ako feeling ko boy. Hahhaa. Pro un nga, girl sya. And now Im 15weeks pregnant with my second. Wla pa nmn so far nagssbi na mukhng boy ult to. 😊 Smile lng, who you sila syo pg kapanganak mo. 😍

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles