I will soon return to work. Need ko lang ng advise kasi worried ako na in the long run hindi ko maincorporate sa anak namin yung gusto kong discipline and pagpapalaki sa kanya since mas maraming time na maiiwan namin sya sa lola nya and us the parents are working. Mabait ang byenan ko but the way she handled her own kids spoiled AS IN haha kaya now wala respect sa kanya basta gets nyo na yun. Ayoko lumaki anak ko ng spoiled brat and lumaki sya na tingin nya sa dad nya is masama kasi yun lagi naririnig sa lola na yung daddy mo ganyan ang ugali blah blah. Sa tingin nyo ba yung mga examples and ituturo namin sa kanya mas mananaig ba un? What can I do regarding my situation?