Am I not enough?
Am I not enough? Am I not doing good as a mother? Ang hirap kapag hindi mo na mapatahan si baby kapagnagiging colicky sya. Nakakafrustrate kasi iisipin mo ikaw ang nanay nya pero bakit hindi mo sya mapatahan. Nanay ka nya pero bakit parang hindi mo kayang ibigay yung comfort na dapat nararamdaman nya sayo. Nanay ka nya pero bakit ibang tao nakakapagpatahan sa kanya? Colicky si baby pero masama bang ipacheck up sya? Normal lang daw na iyakin so nagiging O.A. ka lang ba bilang ina? Ang hirap. Btw mag 1 month palang si baby ko. May nakakaexperience ba ng gaya sa akin? Any advice po for colic baby (tbh ginagawa po namin lahat chinecheck namin sya nagbburp at utot naman). I pray na sana maging okay ba si baby ko at wala syang ibang iniindang sakit.
baby ko nga nanay ko ang nagkakarga before lalo n pag may kabag, sympre hindi ko alam yong mga ganun ... may kabag pala kaya iyak ng iyak..... tinitingnan ko pano ginagawa ng nanay ko..... noong una nakakaramdam ako ng ingit at sama ng loob kasi sa akin ayaw tumahan.... ilang beses din yon.. kaya ginawa ko pag naiiyak baby ko ginagawa ko lahat para mapatahan ko sya.... buti nanay ko hindi nman pakialamera sakin hinahayaan nya akong matuto mag alaga... nanay ko din nagpapaligo sa baby ko siguro hangang 2 or 3 months hindi ko p kasi alam natatakot p ako ako kaya observe lang muna.. pero noong wala nanay ko ako n ng pagligo nagingat lang ako .. nawala n takot ko magpaligo hangang ngayon 11 months na baby ko ako na lahat 😂😂😂😂 nagpapatulong nalang ako sa pagkarga minsan kasi nakakapagod din.... normal lang tlga siguro yong ganyan pakiramdam..... pero kailangan positive lang.... as time goes by matutunan mo din lahat kailangan bonding lagi ng baby.... kung kaya mo ikaw gumawa lahat para sa baby mo para di mo mafeel yan.... kasi nakaka depress isipin n anak parang ayaw sayo. mother instinct palagi....
Magbasa paHi mommy. Do not be frustrated. Do not worry. Do not doubt yourself if you are doing good as a mother. We all have our firsts. FTM din ako, tbh there were times na antok na antok nako and I observed na yun yung mga pagkakataong ayaw matulog agad ni LO. Kumbaga tinest nya patience ko (Haha idk if yun talaga yun but I think it as ganun nalang kesa mainis pa ko sa kanya). Dati rin may times na di ko sya mapatahan, mama ko ang nakakapag patahan sa kanya. At some point naiiyak ako, naisip ko ako ang nanay bat ganun. Pero nung tinurn ko as motivation yun to be better, ngayon naman super clingy ni baby. I'd just like to say na it will pass mommy. Our hormones after birth is nagwawala sa katawan natin kaya makaka feel tayo halo halong emotions. We have to be strrong para kay baby, tayo ang tutularan nila. Keep going mommy! 🤍🦋
Magbasa paThank you momsh! 🥰
Normal po talaga sa baby lalo na po pag 1st-2nd month of life.. pero every month naman po nagbabago ang routine nila..ganyan din po pakiramdam ko non, lalo na pag first baby kc d pa tayo sanay na may dumedepende na sa atin kelangan tayo mag adjust para sa kanila..lagi rin po may kabag ang baby ko non kahit nakaburp naman po kasabay pa ng pagsusuka minsan lumalabas pa milk sa ilong.. sabi po ng pedia ko overfeeding.. ginagawa ko po non naglalagay ako aciete de manzanilla sa tyan,sa talampakan,sa likod(taas ng pwet) tapos gentle massage habang nakadapa po ang baby.. pero bantayan nyo po maiigi pag nakadapa baka hindi na po pla makahinga..
Magbasa paUpdate po. Naconfine si baby 😢 may sepsis po sya at may problema sa bituka nya. Magpapacheck up lang sana kami dahil akala namin kabag lang. Yun pala hindi pa nagkakacolic ang baby kapag ganito ka bata (mag1month palang si baby sa wednesday 😥) kaya pinacbc at xray ang tummy ni baby kasi napansin na bloated sya. Please pray for the fast recovery our baby Lumiere. 🙏
Magbasa paSalamat po mga momsh. Wala na syang lagnat. Tuloy tuloy pa din pagturok ng antibiotic every 8hrs.
Mamsh ganyan din second baby ko. Hindi talaga ako nakakatulog sa sobrang iyak nya dahil sa kabag nya..grabi nakakaiyak nga ei.. Sobrang di ko na alam gagawin ko sa kanya. Habang tumatagal naging ok nmn cya. Konting mansanilla lng sa tyan balakang at bunbunan nya.. Ngayon 9 months na cya ok namn cya.
Update. (6/20/2020) nakauwi na po kami pero naka heplock sya at iinject nalang antibiotic for the last 2 days. Hindi na sepsis diagnosis ni doc, ileus daw pero less dilated na bituka ni baby. Sana maging okay na sya. Sa tuesday follow up check up nya. Thank you for praying for my baby. 💕
Sakit sa tyan momsh. Lumaki bituka ni baby.
Normal po yang ganyan. Ang anak ng ate ko ganyan din grabe kung umiyak. Nagbago lang nong mag 3 months na. Pasensya lang talaga ang kailangan.
Ok lang yan momsh.wag po pa stress... Same lang po kayo ni baby na mag aadjust sa mga bagay bagay... Pray and relax lang momsh😊 smile😉
I think normal lang maging OA ang nanay. Madalas din may colic si baby ko dati. Laban lang momsh. You are more than enough tandaan mo yan
Thank you momsh 💗
Mommy, ire ba ng ire si baby mo? Madalas ang tigas din ng tiyan ng baby ko, tapos ire sya ng ire. Mag one month palang din sya
37.7 po nung nicheck ng pedia nya
❤❤❤Mom of two ❤❤❤