Gusto ko na magka-baby at nalulungkot ako kapag may nakikita akong baby and preggy

I need your best advice pretty Mommies! ? Hello po mga Momsh! ? 2nd year college na ako and 21years old pero gusto ko na magka-baby kami ni boyfie. Hindi ako mamotivate, mainspired at hindi supportive mama ko sa ginagawa ko kahit na ang taas ng grades ko. ? Pero mga ate ko sinasabi nila at pinapakita nila na sobrang proud sila sa akin. Simula kasi nung bata ako papa ko kasama ko sa school at kahit sa anong activity never ako sinamahan ng Mama ko kaso namatay na rin si Papa 11years ago. Sa ngayon ang dahilan kung bakit gusto ko na magkababy kami ni boyfie dahil doon may panghuhugutan ako ng lakas at mamotivate ako makatapos sa pag-aaral atleast kay baby masaya ako, makita ko lang si baby mawala na pagod ko. Tinatamad na rin kasi ako mag-aral lalo na I am emotionally tired simula nawala papa ko. Tinutuloy ko lang kasi hinihintay ko marinig yung sabihin ni Mama "Wow! Ang galing mo ah." Kaso wala eh dedma. ?? Simula kasi nung nawala sya pakiramdam ko down na down ako kahit na alam ko na nandyan naman mga ate ko. Lalo na ngayon nalaman ko pa na hinihintay lang ako grumaduate ng mama ko tapos bubukod na sila ng step father ko. Never namin tinawag na papa yung step father ko. Lalo na ako Papa's girl kahit nagkakasakit ako hanggang ngayon mukhang bibig ko "papa sana kasama nalang kita." Gusto ko nalang pagtuunan ng pansin kung magka-baby man kami, gusto ko na mawala tong kalungkutan na to.

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kung nagaaral ka pa tapusin mo muna ang pagaaral mo, eventually kapag nagkaroon ka ng family mabigyan nyo ng bf mo ng magandang future. May mga bagay na makakapaghintay like ang baby kapag dumating yung right time mas magandang handa kayo pareho ng bf mo. Huwag ka magpadala sa lungkot at dahil hindi ka napapansin ng mama mo instead gawin mo ang best mo para makapagtapos ng pagaaral, kung hindi ka man napapansin ng mama mo ngayon darating din ang time na maaappreciate nya mga ginagawa mo. Focus ka muna sa studies.

Magbasa pa
6y ago

Thank you momsh, lahat tayo dumadaan sa ganyang stage may problem sa family at naiinlove. Hindi ako perpektong anak pero mas pinili kong makapag tapos muna para sa future ng magiging pamilya ko, as of now I am happily married with 2 kids.😊