1 nyt stand..

I need ur advice ndi q kc alam ang dapat qng gawin...i have 2 child n kkapanganak q lng last august.nlaman q naki one night stand ang asawa q s babaeng ngwwork s bar..the scenario is dat day ngpaalam xa inom pero uwi din mga 8pm.pero d thing is mga past 2am n xa nkauwi at mga 3am ng pumasok s haus.ask q san xa galing sbi npasobra dw inom nya at nkatulog s sasakyan.pero pagtanggal ng mga damit nya nkita q kismark s leeg at dib2 una todo deny p xa..inaway q xa pero sbi nya bhala dw aq s iicipin q.natulog xa at aq nghehele ng baby..d aq mpakali masama ung kutob q..pagkababa q ky baby check q cp at pants nya.at dun q nkita ung resibo ng hotel kng san nkaipit ung sukli..nanghina aq s nkita q at ng tgnan q xa ulit pati pala labi nya namamaga at parang namuo ng dugo..d q npigilan sarili q ginicing q xa at tinanong deny parin xa d dw skanya..until nagwala aq at sbi babasagin q cp at ask s ibang tao or s kasma nya uminom..dun n xa umamin..dahil dw s kalacingan nya kaya dw nya ngawa..kwento nya uminom dw sila s haus ng kawork nya at medyo tamado n rw cla pero imbes n dumireso uwi ay dumaan p cla ng bar at dun nga ngtable xa..(at ang sbi un dw ung pnka1st n ngtable xa)d dw nya maalala kng xa or ung babae nagyaya..pagpasok ng hotel pinag antay p nya ung kasma nya s labas at pagkatapos ay hinatid p ulit ung babae s bar bago cla umuwi..d thing is s klacingan dw eh d n dw nya alam ang knyang gingawa..d q alm kng paniniwalaan q b xa..posible po b ung kalacingan n rason nya kya d n nya alam gingawa nya..pero bkit nagawa p nyang mgdrive at pagantayin ung kasma nya s labas at ihatid ulit ung babae pabalik ng bar..pinapauwi q xa skanila pero ayw nya..d q xa kinakausap at after 5 days humingi xa ng tawad bgyan q raw xa ng chance n itama ung pgkakamali nya..i ask bkit ngaun lng sbi ala dw kc xang mukhang ihaharap s ginawa nya..pero un dw ung totoo lacing lng dw tlga xa at un ang pgkakamaling nagawa nya n humantong p s puntong ganun..as of now nguusap nmn n kmi pero d prin panatag ung loob q s cnbi nya..lagi aqng npaparanoid pg 6pm ala p xa haus lalo n pg gingabi xa s work..

77 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

For me, wag po muna ibigay yung second chance sis. Pag madali niya lang kasing nakuha yung second chance, anytime pwede niyang ulitin kasi mapapanatag siyang mapapatawad mo rin agad. Pahinga ka muna sis. Di ganun kadaling magpatawad lalo na ganyan kabigat yung kasalanan. Di mo deserve yun. Hayaan mo siyang may patunayan kung dapat ba siyang bigyan ng isa pang pagkakataon. Continue ang communication sa mga bata, pero sayo? Iwas ka po muna. For me lang naman po. Di ko kasi kayang sikmurain yun at gumising na parang wala lang nangyari. Di ko kaya...

Magbasa pa
VIP Member

Iilan lang po ang lalaki na nalalasing ng d alam ang gnagawa sa kwento mo po nkauwi pa sya ng nag dra drive ndi po sya lasing nun at alam nya po gngawa nya while nki contact sya sa babae.. bilib nq sau mommy qng d ka pa makipag hiwalay sa ganyang lalaki sbi nya first time nya gawin bat ngyon pa na mag asawa na kau once na gnawa at pinatawad mo uulitin po iyan i assure you kaya isip ka din po sa panahon ngyon ndi porket may anak kayo eh hahayaan nyo nlang na gaguhin kau ng asawa nyo maawa din po kau sa srili nyo ingat po lagi🙏🏻

Magbasa pa

Ang tanong babae nga ba talaga sa bar yung naka 1night stand nya baka sabi nya lang yun para maisip mo na di nya na uulitin dahil babae lang naman sa bar yun hanggang dun lang. At kung babae nga talaga sa bar yun hindi naman sa nilalahat pero nakakadiri hindi mo alam ilan na naka sex ng babae nayun bago asawa mo at sa aking nakita madaming babae na nagttrabaho sa bar na nagpapagamot ng Std sa city health kitang kita ko sila lage at madami sila no wonder halos lahat ng babae sa bar ganun.

Magbasa pa

Masakit sa babae yan. Mahirap din ibalik ang tiwala sa asawa. Teka nga, panu pa sya nakapag bar eh pandemic ngayon. Sana naisip nya kung baka anung sakit makuha nya sa mga babae na nagbttrabaho sa bar. At isa pa, kapapa nganak mo lang bat pa nya nakuhang mag ganyan. Naku pinapainit nya ulo ko mommy! Give it time. Hayaan mo muna dumistabsya sa kanya. Hayaan mo mag penitensya sya magisa. Ng ma realize naman nya anung laking pagkakamali ginawa nya.

Magbasa pa
VIP Member

PLS LANG PO! Unahin nio po ang sarili nio. Ang sakitsakit makarinig ng ganitong klaseng kwento. Pakiramdam ko kapag saakin to ginawa maghhurumentado ako. Tingin ko magisip ka mommy ng mabuti. Para sa akin lang po ha, kapag ganyan kasi hindi na mapapanatag loob mo kasi lagi ka na may doubt. Paano ba nia dapat maprove na hindi nia na uulitin or what? Ang hirap po. Prayers Mommy ng maliwanagan ka anong kakayanin mo. Lakasan mo Mommy loob mo! 👏🏻

Magbasa pa
Super Mum

Nakakalungkot naman to mommy☹️ pero naniniwala ako.. Kahit lasing ka.. Kahit papaano may alam ka sa nangyayari sa paligid mo.. Para sa akin mommy kung totoong lasing yung asawa mo.. Di na sana niya naisipan magcheck in at ipagdrive sarili niya pati yung tinable niya na babae.. Dapat di na siya nakagalaw o natulugan niya yung babae.. Sorry mommy ah.. Sana wag sumama loob mo sa comment ko na to..

Magbasa pa
2y ago

Alibay na lang niya yan kalokohan mga taong manloloko gagawing tanga ang mga asawa....tikim now sakit later selfish yang asawa mo..lasing pero nagawang pmunta pa ng hotel?sabihin mos asawa mong MALANDI kwento niyas pokpok ang kasinungalingan niya 😡..dagdag lang sa stress at depression asawa mo sayo lalot may bb ka..sorry momshie ha galit tlga ako sa mga asawang ganyan walang respito.

Asawa ko umiinom pero umuuwi naman bago mag dilim. kahit sobrang lasing di nya nagagawa na makipaglapit sa mga babae kase alam nya na mahuhuli at mahuhuli ko sya. tsaka if mahal ka talaga ng asawa mo kahit gaano pa sya kalasing mamsh di sya matetempt na gumawa ng kasalanan sayo, lalo nat may mga anak na pala kayo. kawawa yung mga bata. baka may sakit pa yung babae sa bar mamsh. pa check mo muna hubby mo bago ka makipagbalikan.

Magbasa pa

Ang hirap ng sitwasyon mo sis. Ramdam kita. Ang hirap nga nmn ibalik ang nasirang tiwala. Kung tlagang nag sisisi sya at wla na syang balak ulitin un. Dpt maprove nya sau un. Bumawi sya sau. Mas mgkaroon ng tym sa fmily. Aftr work uwe agad. Ung ramdam mo tlgang nag sisisi pra sbhn tlgang deserving sa 2nd chance. Pero kng hnd nmn nag eeffort or wlang pinagbgo ang hrap nmn nga pgkatiwalaan pa nun.

Magbasa pa
VIP Member

Nakakadiri ung mga ganyang klase ng lalaki. Di mo nga alam kung malinis ba ung babae na yun o baka anong sakit na yung hatid nun. Di dahilan ang pagiging lasing para tumikim ng iba dahil in the first place alam ng asawa mo na may pamilya na nag aantay sakanya kaya di sya dapat nagpakalasing tsaka uwi ba yan ng matinong lalaki. Kung asawa ko yan pinalayas ko na yan. Napaka walang respeto

Magbasa pa
VIP Member

Sis wala naman sa oras yan kahit umaga pag ginusto ka ulit lokohin nyan gagawa at gagawa ulit ng kalokohan yan. Nakakainis lang ang mga ganyang lalaki hindi alam ang hirap at sakripisyo ng mga babae bilang nanay sa mga anak nila, imbis na mahalin ng tama nagagawa pa nilang saktan dahil sa tawag ng laman. Kung alam lang nila ang emotional damage ng mga ganyang bagay sa babae.

Magbasa pa