I live in a condo na compound style sya. Maraming bldgs. So meron kaming community group chat/page.(Mejo vital info)
Yesterday may nagmessage sakin na neighbor ko (other bldg). Offering me to buy her daughter’s crocs kasi small daw. E boy baby ko so sabi ko pass.
Then sabi nya,same daw kami na korean ang husband. Nung una okay naman. Kwento kwento since friendly naman din ang ate nyo. Hanggang sa unti unting lumalabas kayabangan nya.
At eto na nga,walang pakundangan nya kong binigyan ng unsolicited advise regarding my husband. Na kesyo dapat daw fluent din ako sa korean para daw alam ko kung sino kinakausap at anong pinag uusapan nila ng kausap nya. Dapat daw wag akong palosyang kasi ayaw daw ng mga koreans yon.
I appreciate her advise pero jinudge nya kagad husband ko. Nakakaloka. Kesyo yung husband daw nya e di mahilig uminom at magbar,ganito ganyan. Di din naman sa pagmamayabang pero hindi babaero ang asawa ko. Walang bisyo bukod sa sigarilyo. Nakakabasa at nakakaintindi ako ng korean pero kapag may di ako maintindihan sa sinasabi at ginagawa ng asawa ko,ineexplain nya sakin lahat yon.
Naiinis lang ako na di naman kami close at wala syang alam sa kung sino at anong karakter ng asawa ko pero parang pinalabas na kagad nya na mas okay asawa nya kesa sakin?.
Alam ko mababaw pero naoffend lang talaga ako at nayabangan sa kanya ng very very light?. Madami pa syang sinabi na simpleng yabang pero very obvious. Di ko na lang sya masyadong inentertain after mag end ng convo namin last night.
Ayun lang. Pabawas lang ng inis?
Marra Abogado-Kim