stressed sa cheating partner

I just found out that my LIP is cheating ???. Sobrang galit ko, iyak ako ng iyak. Iba pala talaga pag naramdaman ng babae na may something na ginagawa behind her back ang mga partner nila. Ang sakit sakit lang kase cheating din yung naging cause ng break up namin 10years ago, tas ngayon inulit na naman pala nya! Grabe, 33 weeks pregnant ako at sobrang stressed ko. Panay sabi sya na wala silang relasyon nung girl. Alam ko naman na "wala pa" silang relasyon pero papunta na dun. Yung mga chats nila eh sobrang sweet. Tipong nag a-update pa sila sa isat isa pag nakauwi na at kung nakakain na ba. Sabi nya biruan lang daw nila yun. Sinong maniniwala sakanila?! Hay....di ko alam bakit nakakayang gawin ng mga lalaki sa mga partner nila yung ganyan. Wala n aakong ibang ginawa ku di umiyak simula kagabi, di ako makapag isip ng maayos at makapagwork ng maayos ???. Pumayag syang maghiwalay nalang kami, yun ang napagdesisyunan namin. Di ko na kakayanin na makita pa sya kase maiisip ko lang lahat nga mga nabasa kong usapan nila. Mas okay na siguro yun. Alam ko naman sa sarili ko na hindi ko mapapabayaan mga anak namin eh.

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

i feel you momsh. walang tayong pinagkaiba sa nangyari.ganyan na ganyan partner ko.tapos kabuwanan ko na nun.alam mo yung feeling na.d mo alam kung ano yung mas masakit ang pag labour mo or yung sakit ng puso mo.walang araw at gabing d ako umiyak. naghiwalay kami dahil yan din ang ginusto.pakatatag ka lang momsh.alam kong mahirap at masakit.pero pray ka lang.mawawala din ng sakit na yan.kaya mo yan.nakayanan ko eh.ngayon 2 months na ang baby ko.pray pray ka lang momsh na gabayan ka at alisin ang sakit sa puso mo.i swear gagaan din pakiramdam mo.hug hug momsh🤗🤗🤗

Magbasa pa