alak

Makakasama po ba sa buntis yung makakain ng lutong pagkain na hinaluan ng alak? 10weeks pregnant po ako. Yung asawa ko kasi nagluto ng adobong manok kagabi, di ko alam hinaluan pala alak (emperador pa) yung niluto nya para daw di malansa. Kaya pala nong kumain ako kagabi may after taste sya na di ko maintindihan, para akong tanga kagabi kakasabi na parang may ibang lasa sa inulam namin, wala lang sa kanya. Tas ngayon umaga pagbukas ko ng ref nakita ko na bawas yung alak eh kagabi panlang binibili kasama sa grocery. Tinanongnko kung uminom ba sya at kelan, sagot nya kagabi. Don na ako nagduda na baka hinaluan nya yung niluto nya. Nong una di umaamin, tas nong umamin ang rason nya kaya di umaamin kasi buntis daw ako baka bawal sakin. Naiinis ako kasi yun na rason nya nilagyan pa. Sabi pa konti lang naman daw at nageevaporate naman yun pag niluluto so wala na epekto yun. Imposible nga daw na nalasahan ko pa, eh kaso may iba talaga sa lasa nong ulam..di pa ako aware na may nilagay sya. Hay naku talaga. Pasensya na po napahaba. Bothered lang?

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Nababawasan naman po ng alcohol content during cooking yung mga alak na hinahalo sa food. Siguro it wont affect your baby naman. Next po pagsabihan nyo si hubby or magluto nalang po kayo ng separate.

5y ago

Ok po thank you. Sya po kasi talaga nagpirepare ng food namin, kasi nga ayaw nya ako pagawin, medyo maselan kasi pagbubuntis ko. Ito lang talaga nainis ako pati sa rason nya. Di man lang pinaalam sakin😑

Nawawala po ang alcohol content pag luto.