Narcissist LIP 🤦🏻‍♀️

I don't know if it's just my hormones pero lately naiinis ako sa partner ko. Wala nang ibang kwento kundi about sa kanya, about sa work and minsan parang lagi nya binibida na in favor lahat sa kanya sa work pati mga boss. I mean I get it na nag eexcel sya ngayon sa work and excited lang sya magkwento and I'm proud of him pero everytime magkkwento sya, nagpapaligo ako ng bata, nagpapakain, nagliligpit nag aasikaso ng pagkain like I'm already drowning in motherhood kamustahin mo naman ako lol tapos nakatingin lang sya as I look so tired and sweaty habang nagkkwento sya ng stuff about him? Napaka insensitive. Wala naman masama magkwento pero sana i-timing na nakapahinga ako or relax di ung nagkanda pagod pagod na ko tas nakatingin lang habang nagkkwento napaka self centered. Tapos pag nagsalita ako about my feelings magmumuka akong sensitive. He doesnt even listen to me pag ako nagkkwento or nagrarant pero pag sya dapat all ears. We rarely have a serious conversation. And when we do, pag ako nagsasalita, pilit lng response nya pero pag sya na nagsalita it's always about him. I don't feel like we're partners anymore. Dalawa na anak namin isang 3yo old and isang 6mos old pero parang housemate nalang ganern lol kaloka. Doesn't even help me take care of the kids kahit rest day man lang haaay. Siguro isa to sa mga reason why maraming naghihiwalay na mag asawa kahit maliliit palang mga anak nila. Honestly I don't feel appreciated, heard, and seen. I have a life before I met him, I was working, I'm independent and I'm not used na magdepend sa ibang tao. I used to pamper myself everytime mastress but now it's totally different and everyday it gets harder. I give my 100% to everyone to the point na nothing's left for me. Ang hirap hirap maging nanay but it's the most rewarding job in the world. Sana lang ung mga lalaki mauntog at maging sensitive sa feelings nating mga nanay na nag give-up at nagparaya para matutukan ang mga bata. Nag offer pa one time na palit kami sya sa mga bata at ako magwork. Hello? Di nga makapagpalit ng diaper eh. Gusto nyo yon? Lol nakakaloka #partnerproblems

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

I agree with all the comments here, communication is the key. Inexplain sakin ng husband ko yan before pag lagi ako naiinis sakanya kasi wala siyang initiative and feeling ko insensitive siya. Hindi talaga same ang traits ng general women sa men. We girls initiate, we are sensitive, we are more caring by nature. Then when I communicated all my feelings sa kanya, ayun, naintindihan na niya mga needs ko and mga gusto kong mangyari, sa start nga lang medyo mahirap yung transitioning sa both sides niyo. Pero he asked me to tell him the things he should do and those things I want him and need him to do. (i'm working and he's handling their family business and nasanay siya na may helper, though we still have one, pero I'm trying to teach him also) he has more free time than me, so I ask him even the smallest things like, pag puno na yung trash tapos na sa labas and change na ng bagong plastic, pag nagising ligpit bed etc etc., now when I go home, di na ko nasstress sa kalat. And yun nga sabi niya, need lang naman pagusapan kasi hindi sila like us girls na tingin pa lag naiintindihan na natin, sila no, kailangan pa natin iexplain. I hope makapagcommunicate kayo well and be able to fix whatever issues you both have.

Magbasa pa

Awww. Hugs 🥲🤗 Hindi ko alam kung nature na ng mga lalaki maging insensitive. Nafeefeel ko din yan kasi. Minsan I keep it to myself kasi inaassess ko muna kung nasa tama ba ko or I’m just being too insensitive bago ko makipagargue or magconfront. Pero madalas sinasabi ko talaga nararamdaman ko. Tas mararamdaman ko naman sincerity nya na di daw sya aware or sensitive enough para magets or malaman nararamdaman ko. Mali na iniinvalidate nya ung feelings mo. Dapat regardless kung alam nya sa sarili nya tama ka or hindi, hindi nya binabalewala kung ano man ung nafeefeel mo. Mas okay sana magsorry man lang sya kahit hindi nya naman matanggap na mali sya or wala syang ginagawang kasalanan, pero ung thought na napaparamdam nya pala sayo yang mga yan at masyado na syang insensitive dapat iacknowledge man lang nya. I don’t think that’s a healthy relationship. 😢 Kausapin mo pa din at ilabas mo mga nararamdaman mo, wag mo kimkimin or tiisin. Kung mahal ka nya, he will try to change things para sa ikakabuti ng relationship nyo. Priority mga anak pero sobrang importante ka din, wag mo pabayaan sarili mo. Lalo na ung mental, emotional, at physical health mo. Praying for you. ❤️

Magbasa pa

Been there mamshie. Pero thanks God ok na kami ni hubby. Before kasi ganyan sya to the point na naghiwalay kami ng 2 beses. Co-parenting kami, civil pero walang ahem kahit nasa isang bahay lamg kami. It took 4 years before we decided to give it a shot again kasi nga lumalaki na yung anak namin. But he changed a lot now. We talked all about our indifferences, goal namin for our family and the mistakes that we've made in the past lahat lahat kalimutan na, walang ungkatan- move on na to the next chapter. To be honest, it took me a year bago tlga bumalik yung kilig ko and amor for him and yun na nga, may ahem na kmi ulit since pagdating sa s*x di sya namimilit. Respect nya ako. He waited for the time kung kelan ready na tlga ako. Then the same year namatay ate ko, after 3 years kapatid nman nya namatay thats the time that we decided to give our son a sibling kc mahirap pla pag only child. So ayun nga, masusundan na after 11 years. (EDD is Dec 6) Let God be the center of your lives. Open communication and respect ung boundary of each member of the family bata man or adult. Sorry napahaba 😅 God bless po sa lahat.

Magbasa pa

Hugs for you mamshie. 😢 Kahit naman kasi ni su suportahan ka niya financially dapat may support din siya sa yo sa iba pang aspects like sa emotional needs mo rin. And dapat maging sensitive and appreciative din ang asawa mo po sayo. Just by asking you 'how was your day?' means a lot na. Mahirap gamutin ang narcissist kasi they really have a huge ego. But there's no harm in trying. I advice you to talk to him na lang calmly po.Kung gusto mo pa maayos ang relationship niyo. Kasi the more na ganyan ang sitwasyon mo, mapapagod ka, magsasawa ka.Good communication is the key. I approach mo siya in a kind manner pa rin and explain your side na hindi siya ma o offend or what kasi like I said narcissists has a huge ego. Fighting mamshie ✊💚💙

Magbasa pa

hi mommy, ganyan din husband ko dati. Pero communication is the key talaga! :) mag heart to heart talk kayo ni Lip mo, sabihin mo ung nararamdaman mo sa kanya. Wag mong itago ung inis mo sa kanya. Hopefully maintindihan nya at magbago sya :)

TapFluencer

i feel you,mi....ganyan din partner q kaya minsan tinutulugan q nlang...hahaha