Preterm Labor

I am 31 weeks and 4 days today and I've been experiencing preterm labor since last Saturday up to now. Saturday morning, pagkagising ko meron ng blood stain sa panty ko. Tapos pagkaihi ko, may sumama sa bowl. May pumatak din sa panty. So I messaged my husband saying na may dugo ngang lumabas. Immediately, umuwi sya sa bahay kahit kakapasok nya lang sa work. Then, pinainom nya ako nung nireseta sakin ng OB ko na pamparelax ng uterus (actually matagal na nireseta sakin un ng OB ko pero since wala naman ako nararamdaman na anything unusual, hindi ko inintake). Then after few minutes, ayan na. Nakakaramdam na ko mg contractions. Chineck ko ung panty liner ko kung may blood stain, ayun meron parin. So kinontak na namin ung OB ko. Then niresetahan nya ako ng gamot na iniinsert mismo sa vagina. 2x a day for 2 weeks. Hindi ko alam kung bakit up to now nagccontract parin ako. Sobrang sakit parin. Every 15mins bumabalik ung sakit. Ung tagal nya almost 20-30 secs tapos mawawala. Pero ung intensity, sobrang lakas. Napapaluha ako sa sakit. 😞 I'm praying na hindi magtuloy tuloy 'to at hindi ko mailabas si Baby. Nakaschedule ako ng CS operation on Oct20 pa. Ang tagal pa kaya wag muna sana lumabas. 💔🥺

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Praying for you and your baby momsh! bedrest lang po kayo wag msyado mag galaw galaw. observe nyo lng dn po and pag may unsual call your O.B agad agad. Hnd pa kse full term eh dpat dimo pa nararanasa yung mga gnyan. Pero pray lng God is always there He's the best Healer. 🙏 Godbless momsh.

4y ago

Thankyou Momshie. 🙏 Nilalakasan ko na lang din loob ko kahit 4days ko na nararamdaman ung contractions. 🥺 Sobrang exhausting. Nakakapanlambot. 😣 But still nagppray ako kay God na wag muna lumabas si Baby kasi hindi pa talaga time. 🙏