Private Hospital

My husband and I we're both 19 y/o. And I am already 7 mos pregnant. And sa private hospital ako nagpapacheck up dahil gusto ng daddy ko. Pero dahil bata pa kami ng asawa ko, mama nya ang sumasagot ng check up ko na nahihiya din ako dahil sobrang mahal ng check up siz. Wala din magawa ang mil ko dahil doon ang gusto ng daddy ko para daw hindi ako mahirapan manganak. Siz ang problem ko is yung ob ko. Feel ko pineperahan nalang kami dahil every check up ko, 5k ang nagagastos namin. Ang dami nyang binibigay na gamot. Wala ako magawa dahil doon ang gusto ng daddy ko at doon lang ang pinakamalapit na ospital samin. Di ko talaga gusto yung ob ko dahil parang namemera nalang sya at hindi ko trip sa kanya magtanong tanong ng masakit saken kase feel ko iaadmit nanaman nya ako. At pag kinakausap ko sya sa viber ang limit nya magreply nakakainis. Alam mo yun? Parang wala syang pakielam. Gusto nya sa check up ko sabihin yon para may bayad. Di ko feel sa kanya mag open up ng nararamdaman ko kaya dito ako nagtatanong tanong. Ughhh matagal ko ng gusto magpalit ng ob pero wala talaga ako magawa. May alam nga kami na every check up may ultrasound eh kaso public hospital at pila pila. Gusto ko sana doon kaso ayaw talaga ng daddy ko :(((

44 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ang mahal naman ng check up mo. Ako isang beses lang naman namin binayaran si ob tapos sumunod nun wala na bayad everytime na pumupunta kami sa bahay nila or kaya sa clinic nya.

Ganito..edi pacheck up ka din sa gusto mo..ung sa private daddy mo nlng ang hingian mo ng pera. Sbhin masyadong mahal at nahihiya kana sa biyenan mo dhil ang mahal.

VIP Member

Mag change OB ka momsh or sabihin mo sa pharmacy ka nalang bumili ng mga vitamins mo or kung ano mang gamot mo masyado ngang mahal yung 5k momsh para sa check up at gamot

5y ago

Mahirap po tumanggi sa kanila bumili ng gamot

Lipat ka po Ob. Ako 18 y/o. Nag tatarabaho po partner ko kami po nagastos ng check up ko at vitamins o gamot. 400 lg po everycheck up pag may laboratory test 1k plus.

5y ago

Sa private hospital din po ako nag papacheck up pero 400 lg singil sakin every month. Nag mahal lg nung 1st check up ko kasi nag pa transV ako nun parang 1k to 2k lg nagastos ko yun na yung pinaka malaking gastos

VIP Member

...baka may package cla magtanong ka po para maka mura ka ...dito kasi sa chong hua hospital sa cebu free na ang prenatal at postnatal check up pag nag package ka ...

5y ago

Wala pong ganon sa ob ko. 500 check up sa kanya plus mga gamot. Di ko alam ba kami umaabot ng kulang kulang 5k

Lipat kana mamsh, sabihin mo sa daddy mo yung concern mo sa OB mo. Kasi ang laki ng singil sayo sobra. Hindi kapa nanganganak mamumulubi na kayo

VIP Member

Sis ang OA na ng 5k. Nung first check up ko umabot ng 3k lahat lahat na yon since may ultrasound and vitamins din. Then nung next check up 500 nalang

5y ago

Oo nga po ako din private 3 k lang lahat pati gamot

Mahal naman masyado nyan sakin 2k monthly lang Private OB din. Nako Lipat kana OB siz. Di healthy kapag naiistress ka din sa OB mo

VIP Member

Grabe naman yun. Kami nga sis sa private hospital pero libre lang hindi rin limited mga aparatus nila sa pag checheck sa baby ko.

Kausapin mo mom mo at dad mo sis. Mahirap kamo yung OB na di mo makontak pag emergency. Lipat ka na ng OB habang hindi mo pa kabuwanan.

5y ago

Oo nga sis.. sabhin Mo experience mo sa daddy mo para maintindhan k Niya.