Private Hospital

My husband and I we're both 19 y/o. And I am already 7 mos pregnant. And sa private hospital ako nagpapacheck up dahil gusto ng daddy ko. Pero dahil bata pa kami ng asawa ko, mama nya ang sumasagot ng check up ko na nahihiya din ako dahil sobrang mahal ng check up siz. Wala din magawa ang mil ko dahil doon ang gusto ng daddy ko para daw hindi ako mahirapan manganak. Siz ang problem ko is yung ob ko. Feel ko pineperahan nalang kami dahil every check up ko, 5k ang nagagastos namin. Ang dami nyang binibigay na gamot. Wala ako magawa dahil doon ang gusto ng daddy ko at doon lang ang pinakamalapit na ospital samin. Di ko talaga gusto yung ob ko dahil parang namemera nalang sya at hindi ko trip sa kanya magtanong tanong ng masakit saken kase feel ko iaadmit nanaman nya ako. At pag kinakausap ko sya sa viber ang limit nya magreply nakakainis. Alam mo yun? Parang wala syang pakielam. Gusto nya sa check up ko sabihin yon para may bayad. Di ko feel sa kanya mag open up ng nararamdaman ko kaya dito ako nagtatanong tanong. Ughhh matagal ko ng gusto magpalit ng ob pero wala talaga ako magawa. May alam nga kami na every check up may ultrasound eh kaso public hospital at pila pila. Gusto ko sana doon kaso ayaw talaga ng daddy ko :(((

44 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Lipat ka ng OB mo sis, mas better if dun ka sa komportable ka kasimaeexplain din sayo ng maayos kapag may mga concerns ka.

Lipat ka na lang ibang OB. Madami ka naman pwede pag pilian na OB pero same hospital kung jan talaga gusto ng tatay mo.

Ang mahal naman po, every month ako nagpapacheck up nasa 1k plus lang kasama na yung gamot dun ah pang isang buwan.

ang mahal . sa st. lukes nga 600 lang singil sakin kada check up eh . wow

VIP Member

Mahal naman po. 1500 monthly gastos ko kasama na gamot good for 1month.

Grabe naman po mahal check up mo.. hanap ka po ibang private hosp

VIP Member

Pde naman same hospital pero lipat ka ng ibang oB.

5y ago

I don't think so. Ganun ba ka unprofessional ng mga doctors? Choice yan ng mother kung san sya comfortable.

Dun ka momsh sa OB na comfortable ka po.

Lipat ka nalang ate

So, okay papala yung 2k ko. Hahaha. Punyeta magsabi ka sa papa mo. Hindi naman puwedeng sinasamantala rin ng tatay mo pera ng nanay ng bf mo. Oo, may pananagutan pero puwede naman mag tulungan. No bad feelings aa. Pero mukhang yung tatay modin.