Private Hospital

My husband and I we're both 19 y/o. And I am already 7 mos pregnant. And sa private hospital ako nagpapacheck up dahil gusto ng daddy ko. Pero dahil bata pa kami ng asawa ko, mama nya ang sumasagot ng check up ko na nahihiya din ako dahil sobrang mahal ng check up siz. Wala din magawa ang mil ko dahil doon ang gusto ng daddy ko para daw hindi ako mahirapan manganak. Siz ang problem ko is yung ob ko. Feel ko pineperahan nalang kami dahil every check up ko, 5k ang nagagastos namin. Ang dami nyang binibigay na gamot. Wala ako magawa dahil doon ang gusto ng daddy ko at doon lang ang pinakamalapit na ospital samin. Di ko talaga gusto yung ob ko dahil parang namemera nalang sya at hindi ko trip sa kanya magtanong tanong ng masakit saken kase feel ko iaadmit nanaman nya ako. At pag kinakausap ko sya sa viber ang limit nya magreply nakakainis. Alam mo yun? Parang wala syang pakielam. Gusto nya sa check up ko sabihin yon para may bayad. Di ko feel sa kanya mag open up ng nararamdaman ko kaya dito ako nagtatanong tanong. Ughhh matagal ko ng gusto magpalit ng ob pero wala talaga ako magawa. May alam nga kami na every check up may ultrasound eh kaso public hospital at pila pila. Gusto ko sana doon kaso ayaw talaga ng daddy ko :(((

44 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same case sa unang ob ko simula 1st check up hanggang 7mons ako dun naka 35k or more kami kasi nag compute kami ng partner ko ung mga resibo na nagastos wala pa yung mga bili bili ng gamot kaya lumipat ako ng ibang hospital ganon dn naman hindi ka naman agad manganganak lalo na pag alaga ka ng ob mo tska before ka mag labuwanan mas madalas ang check up kaya kaht mejo malayo s bahay nyo keri yan kesa perahan kayo same na same tayo aoo naman father ngbpartner ko ung gumagastos nakakahiya kahit higay lang ng bigay yun . Plus paanak pa dun sa unang ob ko 50k normal pero parang trip nya ko i cs wla naman aoo complication pero pina ooption nya yon kaloka

Magbasa pa

sissy ako nga dun nagpapacheckup sa pinsan ng asawako na ob,libre ang checkup..mga gamot lng tlga ang mahal..inaabot sn ng 5k mahigit mgs gamot..bka mahal lng tlga ang mga meds mo. 🥰 ayoko dn dun sa ob kc nahihiya ako,mas nahihiya ako pgka ganung kamag anak pero tulong ko nlng para sa hubby ko. ung case mo nmn,try mo kausapin papa mo.. sabihin mo ndi ka komportable dun..bka nmn maiintndihan ka nya..🥰

Magbasa pa
VIP Member

Ako sis, 1st ob ko, di ko talaga siya feel. Ramdam mo naman agad yun sa ob, kaya nag-decide kami lumipat. Sobrang blessed kami kasi yung 2nd ob ko, sobrang galing at friendly kaya masama mag-open sa kanya ng mga tanong. Siya pa talaga nangungulit na magtanong ako haha Kaya kung saan ka komportable, ipaintindi mo na lang sa daddy mo if ever.

Magbasa pa

Gusto lang ng father mo kung anong best for you and your baby. Pero sis wala bang ibang OB doon sa private hospital na malapit sa inyo? Kasi sobrang importante na may connection si patient at OB. Sa kanya ka magsasabi ng lahat ng pregnancy relater concerns eh. Check mo sis, baka may ibang OB naman sa same hospital.

Magbasa pa
5y ago

And to add sis, sobrang mahal nga ng 5k. Yung regular checkup ko with my OB nasa less than 1.5k lang. Checkup with 1 month supply of vitamins na yun. 3 pa vitamins ko. Umaabot lang kami ng 3k sa checkup if gusto ko magpapelvic ultrasound or kapag may lab test na dapat gawin.

Private hospital din si OB ko pero max 2k na ang nagagastos ko. Kasama na ang vitamins dun. Ako din momsh lumipat ako ng OB kasi dun sa isang pinuntahan ko di man nya ako nicheck physically basta na lang sya nagrereseta unlike sa OB ko ngayon lahat ng binibigay nya ineexplain nya kung para saan sya.

Ang mahal sis dpat lipat ka nalang baka may mas maganda pang hospital jan, tsaka po ung about sa viber na minimessage mo sya kung nagtatanong ka about sa kalagayan mo hindi po tlaga un sasagot ksi po dpat sa check up mo po un ssbhin ksi may bayad po tlaga un hindi tlaga sila sasagot.

U should ask for a receipt every check up mo at itabi mo un. Lalo na ung binibigay nyang mga gamot na nirereseta sayo. Napakalaki naman masyado ng charges ng OB sayo w/c is sa una plng dapat nagtaka na kayo kahit private hospital pa iyan. Di ka naman cguro ganon kaselan mag buntis

sis lipat ka OB, sobrang lki naman yata niyan for check uo, ako sa Manila, Semi private, pag gumastos ako 1K plus may lab test na yun, free check up pa nga after first check and Ultrasound, lab nalang prob, wag ka tumaya dyan sis, imbis may maipon ka sa abby mo sayang, lipat ka Ospital

5y ago

edi smei private, may semi private hositals naman na may charity assistanxe walang bayad, hanap ka lang, di naman lahat ng pub hosp pabaya sa patients, kesa super mahal, kahit naman ibang Private hospitals na na try ko max na siguro ₱700 per check up, unless may need kang alb exams.

VIP Member

Jusko ang laki naman siz. Pinakamalaking gastos sa check up ko is 3000. Kasama na utz at 1 month na vitamins. Private din. Tapos pag next check up ko is 500 lang. Kasi pag may mga lab na gagawin, sa ospital yun babayaran hindi sa ob. Wala ba ibang ob jan sainyo? Lumipat kana po.

5y ago

Opo. Pero magaling daw po kase yung ob kaya pinipilahan. Every check up may ultrasound. Gusto ko magpalipat don kaso baka nga mainip din ako nakakaantay

Sabihin mo sa daddy mo yung exlerience sa ob nayan. Masyado talagang mahal, private ob din ako pero 300 lang nababayaran ko every check up. Dapat umalis ka sa kanya at baka ipa cs ka nyan. Usually yung mapera na ob, ipa cs ka talaga kasi mas mahal yung babayarin nyo.

5y ago

Kung d ka komportable Lumipat ka,