I Just Want To Vent Out About My Ultrasound Today

My husband and I are first time parents, we are having our first baby. So given the first of everything about our baby. After more than 6months. We are both excited to go for an ultrasound. We are looking forward to see our baby, wondering about his hands and feet and his head and all the parts of a baby. I already had a previous ultrasound on this clinic but it's not for my pregnancy, i went there before for a mamogram. So, i thought that we can go to this clinic. I asked the assistant if my husband can come see the ultrasound with me (I asked politely). She said that only patients can enter. When the doctot came, I politely asked again if my husband can come and see the ultrasound. The doctor sarcastically then said, "bakit? Alam ba niya kung ano ang ginagawa ko?". Then with a low voice, I answered:hindi po doc, excited lang po kasi kaming makita kung anong hitsura ng baby namin. Matagal po kasi namin hinintay ito. " we were located in another barangay and we actually travelled 1 hour just to have my ultrasound. The doctor insisted and said:" hindi naman niya alam kung anong ginagawa ko, hindi ito kodakan iha! " then patuloy nalanv po siya sa ginagawa niya. Ni wala man lang siyang nabanggit about sa kung anong hitsura or ano ng meron ang baby ko. And then sinabihan pa po ako: "nadelay na nv 4hours ang mga pasyente kong iba kasi pinapasok ko dito ang asawa mo".Sobrang hiyang hiya po ako sa mga sinasabi niya. Pwede naman niyang sabihan kami na hindi pwede at kung gusto namin, sa iba nalang sana kami pumunta. I really understand that she just wanted to do her job but no need to insult me infront of my husband. Kasi pinapasok din nila husband ko pero pinatayo lang nila dun sa labas ng divider. Hindi nalang po ako umimik at lumuha nlng po ako ng lumuha. Ang sama lang po ng loob ko kasi gusto ko man lng makita kahit isang parte ng katawan ng baby ko pero ipinagkait ba naman sa akin. Sa tingin po ba ninyo tama ung doctor at masyado lang akong affected sa emotions ko dala ng pagbubuntis? Hanggang ngayon po kasi naiiyak parin ako pag naalala ko ung mga sinabi ng doctor sakin

78 Replies

I don't think na tama ang naging treatment sa inyo. Kasi nung ultrasound ko noon, yung sonographer mismo yung tumawag sa boyfriend ko at ininform yung gender ng baby. Tinuro niya pa kung san pututoy ng baby namin and that was a great experience. Kaloka lang ang nangyari sa inyo pero don't stress yourself nalang mommy. Think na soon you'll see your baby.

Samin sis pinapapasok talaga si hubby everytime inuultrasound ako. Sila pa tumatawag sa asawa ko kapag turn ko na. Allowed din nila na ivideo at picturan yung monitor ng ultrasound tapos friendly naman ang mga doctor ineexplain yung nakikita kay baby. Lipat ka na sa iba sis. May mga masusungit at hindi talaga accommodating na facility at doctor.

Bat ganon ung napuntahan niong ob, grabe naman. Ung ob ko mabait okay lang kahit andun asawa ko tapos vinevideohan ko screen pag di ko naman kasama asawa ko para makita pa din nia okay lang din kay ob. May ob din ako napuntahan sa pampanga mabait din ang gusto palaging kasama ang asawa sa loob ayaw ng hindi, iba iba tlaga ugali ng tao hehe.

Asawa ko nga wala ng tanong tanong. Matik na lagi ko kasama e. Vinivideohan nia pa, syempre momentum niu magasawa yun ih. Ung first masulyapan c baby, tuwang tuwa kaya angmga mister pag makita nila c baby sa unang pagkakataon. Hay Lipat ka OB sis, pde ka magpalit kahit ilan basta hndi mo kavibes 😊 wag pakastress ang God bless you

Grabe naman po un. Magpapaultrasound din ako bukas. I will ask muna ung frontdesk kung pwede isama sa loob si hubby para kung hindi hahanap na lang kami ng iba. Ung OB ko kasi walang sonogram kaya sa labas kami magpapagawa. Ipagpray ko na healthy si baby at considerate ang OB- Sono na titingin sa akin.

On my 6th month, ako lang muna ang ang nsa loob ng room. After macheck ng doctor lahat kay baby, pinatawag na ung hubby ko and if may kasama pang ibang family member pra ipakita si baby at oreveal ung gender. Medyo naging harsh ung doctor na nag ultrasound kayo and di man lang kayo sinabihan ng maayos.

VIP Member

Kung ako sau mumsh, sinagot mo yun at nilayasan sana..pnta nlang po kau ibang doctor..kagigil mga sagutan din niang doctor na yan eh!.kaloka..kung ako yan, sinagot ko din with sarcasm..hayst..anyway, wag mo n po masyado isipin kasi maaapektuhan si baby.wag nlang po kau bumalik dun..☺️

Ahy kung ako yan sis nireklamo kona yang clinic nila papakasohan ko yang mga yan syempre harrasment parin naman ginawa nila sainyo in some other point kahit job nila yan sa ibang clinic nga kailangan nasa loob ubg husband natin sa check up at ultrasound kubg ako sainyo pakakasohan ko yan

Hala grabe naman napakastrict naman ng doctor na yan. Nung nagpa utz ako kasama ko husband ko pati dalawa kong anak pumasok lahat d naman pinagbawalan. From start to end ng utz ko andun sila. Napaka inconsiderate naman ng doctor nayan. Nxt time mumsh sa iba ka nalang pa utz.

Very unprofessional sya but then, isipin mo nalang that the moment is still special for you. Okay ang lahat and soon you will see your little one at hindi nalang sa ultrasound. Could be the na pagod si Sonologist. Mabait pa nga kayo. Kung ako yun nagwalk out na ako 😂

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles