I Just Want To Vent Out About My Ultrasound Today

My husband and I are first time parents, we are having our first baby. So given the first of everything about our baby. After more than 6months. We are both excited to go for an ultrasound. We are looking forward to see our baby, wondering about his hands and feet and his head and all the parts of a baby. I already had a previous ultrasound on this clinic but it's not for my pregnancy, i went there before for a mamogram. So, i thought that we can go to this clinic. I asked the assistant if my husband can come see the ultrasound with me (I asked politely). She said that only patients can enter. When the doctot came, I politely asked again if my husband can come and see the ultrasound. The doctor sarcastically then said, "bakit? Alam ba niya kung ano ang ginagawa ko?". Then with a low voice, I answered:hindi po doc, excited lang po kasi kaming makita kung anong hitsura ng baby namin. Matagal po kasi namin hinintay ito. " we were located in another barangay and we actually travelled 1 hour just to have my ultrasound. The doctor insisted and said:" hindi naman niya alam kung anong ginagawa ko, hindi ito kodakan iha! " then patuloy nalanv po siya sa ginagawa niya. Ni wala man lang siyang nabanggit about sa kung anong hitsura or ano ng meron ang baby ko. And then sinabihan pa po ako: "nadelay na nv 4hours ang mga pasyente kong iba kasi pinapasok ko dito ang asawa mo".Sobrang hiyang hiya po ako sa mga sinasabi niya. Pwede naman niyang sabihan kami na hindi pwede at kung gusto namin, sa iba nalang sana kami pumunta. I really understand that she just wanted to do her job but no need to insult me infront of my husband. Kasi pinapasok din nila husband ko pero pinatayo lang nila dun sa labas ng divider. Hindi nalang po ako umimik at lumuha nlng po ako ng lumuha. Ang sama lang po ng loob ko kasi gusto ko man lng makita kahit isang parte ng katawan ng baby ko pero ipinagkait ba naman sa akin. Sa tingin po ba ninyo tama ung doctor at masyado lang akong affected sa emotions ko dala ng pagbubuntis? Hanggang ngayon po kasi naiiyak parin ako pag naalala ko ung mga sinabi ng doctor sakin

78 Replies

naku mali naman yung approach nya sis, yung ob-sonologist na nagulrasound sa akin, before ako isalang, may patient sya na malaki problem kaya mainit ulo nya sobra, as in naririnig ko na sumisigaw na sya kasi pasaway pasyente nya di sumusunod sa lahat ng advices kaya nagkaproblema, pero nung ako na yung hinarap nya, nag iba na sya pakitungo, at magaan kaharap, nakiusap sya kay hubby na bawal mag pic or mag video kasi di naman kailangan since may print kut naman na ibibigay... naspoil tuloy ang moment nyo.. iba impact sa lalaki makita ang baby via utz.. umiyak pa si hubby nun. sa other hospital na nag pa utz ako, tinawag lang si hubby nun patapos na ako isalang pero bawal pandin ang video . .. pero sis wag mo na masyado damdamin..tapos na yun... magparaya ka na ng nararamdaman bawal mastress.

VIP Member

Bastos naman ng doktor na yan..sana sinagot mo total pasyente ka ikaw nagbabayad well if ayaw nya sayo madami pang ibang o.b na pwede lipatan saka sana dina kayo nagbayad nilayasan nyo na..bastos ei..yung ob ko nga napaka kalmado magsalita ei.. hinahanap pa kung sino kasama ko every check up kasi pinapatingin nya si baby.. happiness ng mga lalake ang makita mga anak nila inside the womb kasi excited din sila ma meet in person si baby.. obviously it was an insult if she doesnt want her job she'd better quit 🤨 may time pa nga tinignan ni dok ng 4d si baby pero hindi included sa package kaya sabi ni dok picturan nalang namin yung monitor kahit bawal free nalang daw nya samin...

... lipat ka po ibang OB... bka ndi sya naging nanay kaya ndi nya naisip pakiramdam mo... kc matic nmn na ksma ang hubby kapag prenatal check up. kc may mga ididiscuss sila about your pregnancy,.. ung ob ko nga kino congratulate pa hubby ko... ipinapakita pa ung bawat parts ni baby at ipinarinig ung heartbeat... tapos ob mo, walang pakundangan na tanungin ka ng sarcastic?...dapat nga walk out ka n lng eh... kc karapatan mo nmn mamili ng ob na hahandle sau at sa baby mo... hehe....ask ka s mga frnds mo kung sino pd nila irefer sau na OB. kc mga gnyang tao eh dapat nilalayasan ng pasyente... maaring marami syang alam, pero hndi ibig sabihin eh alam nyang lahat....

VIP Member

Naka encounter ako ganyan isang beses nung nagpa ultrasound ako sa ospital kung san ako nanganak. Iba naman yun, wala sa mood yung doctor. Tinanong ko yung assistant kung pwede ba pumasok partner ko, tapos tinanong nya din dun sa doctor kung pwede pumasok. Walang imik yung doctor. Yung mukha parang binagsakan ng langit at lupa. By the way, sya yung doctor na naka duty that time. Bale pangalawang ultrasound na namin dun pero yung una, mas approachable sya. Buti pinapasok naman sya. Kasi every ultrasound ko bago kami lumipat ng ob, pinapapasok ko talaga partner ko at pwede naman dun sa unang ob ko.

May mga ganyan talagang doctor. Wag mo nlng damdamin. Ako nga pinagalitan ng doctor na nag anistisya saakin mismo bago ako manganak. Daldal ng daldal gusto kong sagutin kaso inisip ko araw ng panganganak ko ayaw kong mastress. Bakit faw bikini type tahi ko. Dami nyang sinasabi. Pang 3rd CS ko na yon. Sa 1st and 2nd CS ko mababait mga nag anistisya saakin sya lang ganun. Ang masaklap pa paguwi ko noong titignan ko tahi ko naiba doon sa dati kong tahi. As in di pantay pagkaka hiwa. Tapos hanggang ngayon nagnana pa. July 9 ako nanganak.

VIP Member

Siguro wala syang asawa at anak. Kaya hindi nya alam yung excitement na meron ang both parents pagdating sa mga ganun. Unprofessional ang attitude nya. Kahit pa sabihin nyang pagod lang sya that time, hindi tama na umasal sya ng ganun. Kung may iba pa po na ob dun sa clinic na yun lipat ka po. Tapos pag tinanong ka ng mga staff bakit ka lilipat ng ob sabihin mo po na hindi maganda yung attitude ng ob na tumitingin sayo. Tapos syempre if ever na malaman nya na lumipat ka ng ibang ob, pero same clinic padin. Sampal yun sa kanya!

Ganyan din nangyari sakin last time. Nainis nga kame dun sa clinic na napuntahan namin. Patient lng pde pumasok excited pa naman c hubby makita c baby. Nagfile pa sya ng leave nun para lng dun. Tas d manlang sinabi na suhi pala c baby at d sya sure dun sa sinabi nyang gender. Wala din nakasulat sa result kung anung gender ni baby. Sungit pa ng mga staff dun. Tas may nkapost pa na bawal cla picturan or ipost sa social media. Kaya nagpaultrasound nlng ulit ako sa iba at dun ko nalaman na suhi pala c baby.

Pwede naman pumasok ang husband sa loob ah, sakin nga haba din ng pila di ko muna sya sinama sa loob kasi baka bawal pero sila mismo nagsabi papasukin daw husband para makita din nya..Grabe naman sayo mommy, next time wag ka na dyan, marami pa ibang clinic.. Gender pa nung time na nagpa ultrasound kami kaya happy kami, binigyan pa husband ko ng picture sa kanya lang na printed bukod yung sa result paper ko hehe .. Lipat ka nalang po.

I agree din sa suggestion na hanap ka na lng ng ibang OB or clinic for ultrasound, madami din naman na may magandang review. Km my experience, napapayagan naman si hubby na pumasok during the utz. Kung nasa pampanga ka lang, maganda services sa Pampanga Womens Health Center sa 2F ng Robinsons San Fernando, magaljng mag-explain din yung OB. Downside nga lang, madami patients pero worth the wait pa din. Cheer up :)

Unprofessional naman po ni doc. Nung ako ung OB ko a mismo ang tumawag kay hubby ko para makita niya. And whenever ultrasound niya ko since every check up sya, pinapakita niya ung parts of the body ni baby and sinasabi nya ung gender. One time nya tinanong ko kung magbabago pa ba ung gender kasi lagi niya sinasabi. Hindi naman daw SOP lang daw talaga yun.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles