Helping someone

May humingi ng tulong dito sa app, as usual mahirap talaga paniwalaan kasi sa panahon ngayon. Hindi na natin alam kung sino yung totoong may kailangan ng tulong. So nag take ako ng risk. At salamat naman dahil totoong buntis nga sya 😂 at malapit ng manganak. Wala naman syang ibang hinihingi kundi newborn clothes kasi malapit na nga sya manganak. Hindi din sya nanghingi ng Pera di gaya nung iba na sa post pa lang nila gcash at smart padala number agad binibigay, kaya naman magdadalawang isip ka talaga. Kaya naman naisip ko talagang tulungan si ate girl dahil sa dami ng posts nya na kelangan talaga nya ng tulong. And thank God dahil isa kami sa nakatulong sa kanya. At eto nga nakarating naman sa kanya. 🙂 It’s really nice na natulungan ko sya kasama yung isa kong ka mommy na nag donate din ng old clothes ng baby nya. At yung pinsan ko na nagshare ng food for her. Yung binigay namin is alam kong hindi sapat lalo na pag nanganak sya. Hindi din naman nya kasalanan na iniwan sya. Dun sa thread nung post nya nakakalungkot na may mga mommy na binabash pa sya. Na maghanap sya ng trabaho, pero sa panahon ngayon napaka hirap naghanap ng trabaho. Kung wala ng magandang sasabihin wag na natin ibash, kasi hindi naman natin alam ang tunay na nangyayari sa buhay nya, we should not judge anyone. This is a parenting app, that we should help and encourage each other. Not to bash or send hateful messages. I hope this post would encourage everyone to help kahit na sa maliit na paraan lang. Hindi lang po pera ang pwede natin itulong, gaya ni ate girl ako din po ay walang trabaho.

Helping someone
51 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Napakasaya sa pakiramdam ang khit na maliitna bgay na naibigay mong tulong sobrang appreciated nila.. My natulungan din ako dito panggatas ng anak nya. I dont knownung unana almost 40-50yrs old na pla sya kaya aala na mazyado nlbas na milk s knya so hingi din cya panggatas. We suggest her to make gcash para mas madali makabgay pambili ng milk and aftr i deposited small amt pati mga ka-mommies she send me the pic of packs of milk for her baby.. Very thankful sya kc kape na lNg pinapadede sa baby nya. Ganun klaseng mga tao un masarap tulungan.

Magbasa pa

God bless po 😇🙏 Sana all 😢 gusto ko rin po sanang humingi ng konteng tulong kahit gamot ko lang po di na ako nanghihingi ng kahit ano ubos na po kase EP-Rose ko at Calcitec 😭 no sign of labor parin po kulang pa pampacheck up ayoko pong gastusin ang ipon namin wala rin kase kameng trabaho Ang hirap nag babarter lng kme ng plants at gamit pinapalitan nila ng pagkain swertihan lng po talaga....

Magbasa pa
4y ago

Taga saan ka ba mommy? Meron pa kong mga Evening primrose dito ibibigay ko na lang sayo. Apr & Dec 2021 pa expiration. 14 pcs pa to sayang nmn kung itatapon lang.

Goodevening po ma'am, naki connect pa po ako para makita tong post niyo na napakalaking tulong niyong mga mommy sakin kasi💓Salamat po ulit sa inyo Ma'am💓God bless po at sana po madami pang biayaya ang dumating sa inyong mga mommy, dahil sa kabutihan niyo po💓hanggang ngayon po di ako makapaniwala sa mga natanggap ko galing sa inyo💓Goodnight po,😴

Magbasa pa
VIP Member

Sana pwedeng ishare. Sarap kasing isampal ito sa mga taong nang bash sakaniya. Tapos sa mga taong sinabihan pa akong "defender ng scammer". My ghad. HUMANiTY! Anyway. Sa mommies na nakatulong. Kudos po sa inyo. God bless you po. 🙏

Magbasa pa
4y ago

Ikr. Taz maka-"tanga" yung naka-anonymous sa posts niya. Kala mo napaka-pinagpala ng dios. Godbless na lang sating mga momhies na hindi makikitid ang utak. 😘🙏

Ang bait nyo naman po. Naway pag palain kayo ng panginoon kung sino man ang mga tumulong kay mommy. Kahit na napaka hirap ng buhay natin ngayon lalo nat may pandemya may mga good samaritan pa rin ang naglalabasan! Sana dumami papo kayo.🙏🏻

hello po, ano po gender ng baby nya??? and location po sana if ever... kakapanganak q lang din kase last june 16... medyo napadami bili namin ng mga damit, i can share it with her po...

4y ago

Hello, unfortunately hindi pa din nya alam ung gender ng baby nya eh. Thank you mommy! Sana ma share mo sa kanya. Eto ung address nya 1138 M. Delafuente St. Brgy.477 Sampaloc, Manila

VIP Member

Ganito dapat ang inaaward dto sa apps.. at ganito din dapat ang tinutulungan ng apps .. Salute for you Mommy🙏🏻🙏🏻🙏🏻 Godbless💜

4y ago

Awww. Thank you mommy 🧡

Wow! Congrats mommies and high five! 😊 Sabi nga ng baby ko, sharing is caring 🥰 nakakagaan ng puso makabasa ng ganitong good vibes 😊👍

VIP Member

Salute to you mommy, hindi ako yung natulungan pero umabot sa puso ko yung tulong mo, God bless your soul mommy. ❤️

Agree ako jan mommy. Saka masarap din sa feeling yung nakakatulong ka kahit sa maliit na paraan lang. Godbless you more mommy.

4y ago

Ang niya po subra💓hanggang sa shipping po siya pa ang nagbayad💓