baby
Hirap po pala mawalan ng anak ??? paka panganak q dna humihinga baby q ?? hirap maka recover kaya gusto namin ng asawa q sundan agad ung panganay namin

Same po tayo ng situation,nilabas ko yung baby ko ng buhay.Nung narinig ko yung iyak nya nawala lahat ng pagod at takot ko.Then bigla na lang sinabi ng doctor na ihanda yung sarili ko kasi hindi kakayanin ng baby due to premature.Hindi pa masyado develop ang lungs nya.Hindi ako naniwala kasi nga nakita ko baby ko and ayoko lang siguro tanggapin ang sinabi ng doktora.Mga bandang hapon pinatawag parents ko then yun,yung bf ko may bitbit na na kahon.Halos nakakamatay yung sakit na mawalan ka ng anak.Sa kwartong yon sa ospital,ako lang yung walang baby.Ang sakit lang,kasi silang lahat meron.Hindi namin tanggap,kaya ginusto uli namin ng baby and thanks god kasi nabiyaan uli kami!Sana okay and mas healthy ngayon
Magbasa pa
