Newborn....

Hirap pla talaga me newborn ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ Di kana maka tulog di kapa maka kain ng ayos, sakit pa sa katawan, at ngalay sa pag buhat sa baby lalot breastfeed halos ayaw na ata humiwalat sa dede ko ๐Ÿ˜ญ, mas matagal dede nya kesa sa tulog nya, 3weeks old, any advice mga momsh??? Di ko na gusto tong nararamdaman ko eh, nag hahalong irita at inis na na raramdaman ko minsan sa bby ko,. Minsan gusto kong dalin kila mama, pag nandon naman di rin ako mapakali,. Isang bahay lang naman pagitan ng bahay namin kila mama,. Nakay mama sya minsan sa umaga para paarawan, pero di ako mapakali pag andon sya, kaya di rin ako maka tulog habang pinapaarawan sya. Gusto ko i stay dun kahit half day lang, kaso iniisip ko namn papa dedehin ng papa dedehin naman don ng formula, baka pag soli sakin mag suka suka na,. Konting hanap lang kasi ng dede gusto nila pa dedehin na, eh di nmn pedeng ganun ma ooverfeed,. ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ Ilang bwam paba ganito? Baka mag ka postpartum na ko pag di pa nag bago tong gantong set up ni bby,. Lagi nalang wala tulog at pagod, pati likod ko nanakit na,. Kaya mabilis na ko mairita,.. First time mom po ako Gusto ko ako mag alaga sa baby ko kaso dintalaga ata kaya๐Ÿ˜ญ ang hirap hirap 24/7 mong karga at dede.

19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

same tayo miee , first time mom lang din po ako , ganan din po baby ko before , laging gising sa gabi ,puyat overload talaga , naiinis na din ako minsan pero tyaga lang po talaga , ngayon po ok ok na , nakakatulog na kame parehas ng mahimbing sa gabi , one month na sya ๐Ÿ™‚

2y ago

kagabi medyo okey naman kasi nakaka idlip idlip ako kasi nag papalapag na sya ,kahit every hour gising kami at dede sya, mas gusto ko ung ganto na every hour dede nya nasta papalapag sya after at diretso tulog kahit saglit ulit hehehe