Surname
Hindi po kame kasal ng father ng baby ko at nasa ibang bansa po siya paano po yung pag sign niya sa birth cert ni baby kung hindi sya kaagad makakauwi?
Sa First daughter namin hindi din kami pa kasal ng asawa ko noon. No choice kasi I had to go home from Dubai kasi bawal doon ang manganak ng hindi kasal. Yung partner ko then was in Iraq so hindi talaga possible na mapirmahan ang birth cert. Ni baby then. ang ginawa namin pinaprocess ko na yung birth cert. Ni baby kahit wala si hubby kasi we need to get her a passport din. After a year nagpakasal kami then inadvise kami ng lawyer na paannotate na lang yung birth certificate na legalization ni daughter by virtue of marriage of parents. Mga 5k din nagastos namin noon sa lahat ng documents. Sa gilid nakalagay doon yung annotation na ang legal name ng bata ay yung surname na ng daddy.
Magbasa paAko po ung papa ng baby ko ofw din di kami kasal advice nung staff sa lying in pwede naman ipadala yung birthcertificate pra pirmahan ng tatay ask nyu muna kong pipirmahan b nya sa phil embassy mismo or khit pgdting automatic pirma agad sya may 29 days nmn na palugit bago maipasa sa munisipyo☺️
if im not mistaken ha...if nsa abroad...dpat my letter xa na nag aacknowledge na xa tatay para magamit surname nya..my pirma nya and notarized...para di na need wait xa umuwi..un natatandaan ko ha...😊🤔
Ganyan po ung sa bayaw ko nun sis,,seaman siya nanganak asawa nya so inantay nila na makauwi bago nila pinaregister ung cb ng bata
Hintayin niyo nalang po sya umuwi. Tapos asikasuhin niyo po nun sa munisipyo. For the meantime sayo muna nakaapelyido
Napa print ko na po naka sunod sa father pero hindi pa naka register
Gusto ko din malaman same situation here .. due date ko na sa nov. Pero ang sabe pede yata sya pa late register
Yes po late registration sya need daw talaga present ang father kung hindi kasal
Affidavit, or padalhan k nia private hand written nia n inaacknowledge nia c baby..
Oh yes cnbe q dn n kelangn notarized.. Bsta qng ano ang need requirements sbhen nia s hubby nia even un employment of records qng kinakailangan
Hassle po mas mabuti antayin nyo pag uwi saka nyo iparegister late reg nalang
Late registration po, ganyan nalang gagawin ko ki bb kasi partner ko nasa abroad din, papadala ko nalang dun bc tas gagawa siya affidavit papaauthenticate tas babalik dto, kasi pag andto na yung papers ipapasa pa din sa dfa dto. Complicated po process kaya if makakauwi si hubby nyo antayin nyo nalang. Yun lang po talaga paraan kasi if papareg mo si bb right after birth, apelyido mo gagamitin tas unknown ang father. Mas mahirap iprocess ang change ng surname mas complicated