1 year and 6 months baby na sobra pa rin maka-iyak.

Hindi naman po baby ko baby ng kapitbahay namin very alarming lang na kahit 1 year and 6 months na siya sobra pa din siya umiyak. Walang oras ang pag iyak nya simula madaling araw hanggang hating gabi. Madalas siya naiyak at talagang malakas as in kung ako ang mommy nya mapapaisip ako na something is bothering the baby madalas nga gusto ko sana puntahan kapag naririnig ko naiyak si baby kaso ayoko naman isipin nya na pakialamera ako saka I'm sure mas alam nya patahanin ang baby nya kaysa sa akin. Ask ko lang po kung meron din dito same experience nila. Gusto ko po payuhan yung mommy ni baby since kababata ko siya kaso hindi ko din alam kung appropriate bang sabihin kong iconsult sa experto. Kasi baka naman normal talaga na may baby na sobrang iyakin. Yung dalawa ko kasing baby hindi iyakin. Salamat sa magreresponse ?

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

If concern ka puntahan mo pag umiyak na baby Nya or kahit mag kasalubong lang kayo ng mother tutal kababta mo pala...sabhn mo lang madalas mo marinig yung anak nya iyak ng iyak kung may maitutulong ka ano ba dapat. Baka kako kailangan nya ng tulong kahit tignan lang saglit eh anjan ka naman or gusto mo laro sila anak mo.

Magbasa pa