Just wanna share with you guys my Miscarriage last Monday ๐Ÿ’” (10w3d)

Hindi ko alam kung paano pa ako mag uumpisa. Hindi ko alam kung ano dapat kong gawin. Halos 3 years namin hinintay.. Sa isang araw lang pala magbabago lahat.๐Ÿ’” Sobrang excited pa namin na sana mag Aug. 8 na kasi makikita na ulit namin si Baby sa ultrasound at ineexpect namin na healthy siya dahil last check up namin sobrang good ng heartbeat niya.. Not until this sunday night came.. Bigla nalang ako nagspotting at sumasakit ang puson ๐Ÿฅบ Lahat ng excitement namin napalitan ng takot at kaba. Pero pinagdasal padin namin na sana okay lang ang lahat kahit nararamdaman ko sa sarili ko na may mali na talaga. August 8, 1:30pm. Nasa clinic na kami ni OB nag hihintay na matawag para macheck up at ultrasound. Halo-halong emosyon na nararamdaman ko pero pilit ko padin kinakalma ang sarili ko. Nung ako na tinawag para papasukin sa loob nung kaharap ko na si OB kinakabahan na talaga ko ng sobra.๐Ÿฅบ Nung inuultrasound na ko tahimik lang si OB habang tinitignan niya yung screen ng bigla siyang nagsalita ng, "Mommy, hindi siya lumaki. Yung laki niya is pang 8 weeks padin katulad nung last time na check up natin." Parang bigla nalang huminto yung mundo ko. Tinanong ko si OB kung may heartbeat naman ba si Baby? Ang sagot niya, "Yun nga po e wala na po madetect na heartbeat niya." Halos 3 mins niya tinatry na madetect pero wala na talaga. Dun na tumulo luha ko at gumuho na mundo ko. Nagpapaliwanag siya sakin pero wala na ko maintindihan kaya sabi ko nalang kung pwede nalang paakyatin si hubby para siya ang makausap. Sobrang sakit!! Wala na ko nagawa kundi umiyak ng umiyak hanggang sa pag uwi ๐Ÿ˜ญ 4pm ininom ko yung gamot na nireseta niya sakin para bumuka ang cervix ko. Around 7-8pm sobrang sakit na ng puson ko at yung bleeding ko sobrang lakas na hindi na kaya ng napkin kaya nagpadala na ko sa ospital. Hindi na ko mapakali sa sakit iyak nalang ako ng iyak ๐Ÿ˜ญ Around 11pm nung nagpunta ako ng cr para umihi. Pagkatapos ko umihi binuhusan ko yung bowl ng isang tabong tubig then may napansin ako na something black na parang palubog na kaya dinukot ko agad at yun na nga siya. Si Baby lumabas na talaga ng tuluyan ๐Ÿฅบ๐Ÿ˜ญ Nanlumo nalang ako.๐Ÿ˜ญ Please help meeee. Hindi ko na alam gagawin ko ๐Ÿ˜ญ Kahit anong libang ko sa sarili ko pagkatapos eh naiisip ko parin yung baby ko ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ Hanggang ngayon pakiramdam ko nararamdaman ko padin yung pintig niya sa puson ko ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ Miss na kita baby ko ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ#advicepls #pleasehelp

Just wanna share with you guys my Miscarriage last Monday ๐Ÿ’” (10w3d)
61 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

hindi ko na tinapos basahin. nakakalungkot to sobra. sorry for your loss. walang words makakapag tanggal ng pain na nararamdaman mo. ganyang ganyan feeling ko nung nawala din baby girl namin last year. 1st baby namin. 20 weeks. 20weeks na sya. taong tao na halos. konti nalang sana makakasama na namin sya. kaso wala. kinuha sya agad. sobrang sakit. hindi din namin alam saan sisimulan lahat. isang buwan, dalawang buwan, ilang buwan akong tulala at umiiyak. may mga time na out of nowhere iiyak lang ako. sobrang naapektuhan ako emotionally and mentally. may mga gabi na hindi ako natutulog. kase sobrang kahit wala akong ginagawa pagod na pagod isip ko. may mga times na nagwawala ako bigla. nagagalit. may time pa na tumakas ako ng disoras ng gabi para pumunta sa simenteryo tapos iiyak lang ako sa labas ng gate. mommy sobrang hirap nyan. swerte ko nalang na napaka umaalalay sakin yung family namin, lalo na si hubby. alam ko hindi ko sya nabigyan ng chance na mag luksa, kase mas iniisip nya paano ako magiging okay. lahat din ng pag intindi ginawa nya para kumalma ako. never sya nagalit sakin, at wala syang ibang ginawa kundi kausapin ako lagi at icheck ako. kahit alam kong gusto narin nya bumigay dahil may times na nakikita kong umiiyak sya ng patago. january this year supposedly magpapa-psychotherapy na ako. kase sobrang lala na ng mga nangyayare sakin. pero kinagulat din namin just before pa matuloy yung therapy, january 30 2022, nalaman namin na 5weeks pregnant na pala ako. and now, i am 31 weeks preggy with our healthy baby boy. sobrang happy namin, kase finally, nagpadala si Luna (the baby that we lost) ng kapatid na magpapawala ng lungkot namin. hindi na tinuloy yung therapy since di naman ako pwede mag take ng mga meds dahil buntis ako. and i am way better now, kase may reason na ulit kami para maging happy. it wasn't an easy journey. may lungkot parin kase 1 year old na sana si Luna this year. pero at the same time, masaya kami kase may bata kaming hinihintay na makikita na namin this october. mommy, hindi masama mag seek ng help sa professionals if hindi mo na kaya. kase kelangan mo yon. kelangan mo ng doctor to help you as well. hindi enough yung support ng family and ni hubby to treat you and make you feel better. need mo ng doctor to take care of you. praying for you and your hubby's healing.

Magbasa pa
Post reply image
2mo ago

Congratulations po mommy sa healthy pregnancy mo ngayon. If pwede po matanong ano po naging cause ng kay Luna?

Sorry for the lost mi. Share ko lang din experience ko kasi parehas tau po. I was 8 weeks pregnant nag mawala din si baby ko. After ko mag pa tranv that time, ang result ng tvs ko is early sign of miscarriage, that time nanlamig na agad ako then need ko pa mag wait ng 2 days para makita ng oB ko result ng tvs ko pero hindi na ako umabot ng visit kasi the next day bigla nalang ako dinugo ng mild then ilang oras lang lumakas ang pagdurugo ko until gabi un na nga lumabas na din kagaya ng sa iyo mi, alam ko sa sarili ko na anak ko un dahil parang maliit na sisiw na sya. Iyak ako ng iyak sa CR namin hawak hawak yung blood na buo. Hindi ko alam gagawin ko that time, pinag pray ko sya at kinausap na mahal na mahal ko sya kahit di na kami magkikita. I had no choice pero ayaw ko man sya i flush sa bowl pero ginawa ko din. Pero mi, may plan si Lord sa lahat, may nawawala pero may babalik basta manila lang tau kay Lord. Now after 6 month binigyan nya ulet ako ng buhay sa tummy ko, i am 6 monthd pregnant again at hoping ang praying pa din na magtuloy tuloy na sya, nawa wala syang diprensya. Manalig lang tayo sa Kanya mi. Keep your turst at wag mawalan ng pag asa. Babalik ang baby mo sa tamang oras.

Magbasa pa

sorry for your loss ramdam kita i gave birth to my first child January 2 sobrang sakit para sa isang nanay na makita ang anak ng walang buhay ni Hindi ko manlang narinig iyak nya ni hindi manlang nya nahawakan ng mahigpit yung kamay ko ni hindi ko manlang sya nayakap dahil Hindi sya binigay saken ng doctor kahit sa huling pagkakataon ni Hindi ko manlang sya naihatid sa paglilibingan nya dahil nasa ospital ako wala akong magawa kung hindi umiyak until now 7months ng nakalipas Hindi ko padin tanggap Gabi Gabi konalang sya naaalala at umiiyak iniisip ko ano kaya itsura na nya ngayon makulit na siguro sya lagi ko sana sya kasama sa lahat ng rampa masakit sakin dahil imbis na sya yung inaalagaan ko at katabi ko eh ibang bata yung nandito ngayon ibat ibang baby yung binubuhat ko imbis na baby ko wala akong matawag na anak wala akong pinapadede ngayon ๐Ÿ˜ญ now I'm 23weeks and 5days pregnant sa August 20 malalaman kona gender ng baby ko sana syana yung para saken โ™ฅ๏ธ๐Ÿ™ And for you mamsh pag pray ko kayo ng hubby mo hope to feel you better soon isipin nyo nalang lagi may little angel na kayo na lagi kayong gagabayan sa lahat ng oras๐Ÿ™๐Ÿฅบ๐Ÿค

Magbasa pa
Post reply image

Sorry for your loss mommy. I feel you. Ganyan din kami ni hubby last yr Aug din. Ako pa mismo nakakita na parang di na gumagalaw si baby at yun nga na-confirm ni OB na wala na nga heartbeat. Same sayo na 8 weeks lang rin sya na dapat 13 weeks na. Ang sakit. Nung kausap ko si OB nakukuha ko pa pigilan yung luha ko. Pero wala na ko maintindihan sa sinasabi nya. Pag balik ko ng car, dun na ko nag iiyak sa hubby ko. Halos 1 week kaming tulala, nakuha rin mag leave sa work para damayan lang namin isaโ€™t isa. With the help and support of people around us nakayanan naman namin. To be honest, yung sakit di sya nawawala, kumbaga you just learn to live with it. Feel what you feel mommy hanggang matanggap natin na di muna ito yung time. May ibang plan si God for you and siguro kulang na naman ang angels sa tabi Nya. And of course wag mawawalan ng pag asa, babalik sya or papalitan ni God ng mas healthy. Sa ngayon, take time to heal physically and emotionally. Kaya nyo yan. Pagsubok lang yan, malalampasan nyo rin. Pray and stay strong ๐Ÿ’ž

Magbasa pa

Ako Rin po nakunan nung April 2021, 11 weeks and 5 days na si baby unti nalang sana tapos na ang first trimester ko. Ang masakit pa dun naagapan sana kung di ko tiniis yung sakit na nararamdaman ko around 9 pm, akala ko kasi Normal lang kasi di pa naman ako dinidugo, pagka morning di na ko mapakali kasi nga masakit pa rin siya, parang ayoko tumayo nun nakakatakot ๐Ÿ˜ข, mga mag 7 AM sabi ko magpapa check-up na ko, nung tinawag na ko para i-trans V para makita lagay ni baby, pag apak na apak ko sa pinto ng clinic bumulwak yung tubig na may dugo ๐Ÿ˜ญ iyak na ko ng iyak kasi alam kong wala na baby ko, nakatatlong Hospital pa pinagdalhan sakin kasi Covid. Pagdating sa Hospital yun na nga Complete abortion na. Sobrang pag sisisi ko nun sa sarili ko, umiiyak ako bigla bigla pag naaalala ko ang angel ko. Don't worry My di mo mamamalayan bumalik na siya sayo. I got pregnant again by August 2022 sakto sa 3 months na pahingang advice ni OB, I have now my 3 months daughter. ๐Ÿ˜Š Paunti unti maghiheal ka rin po, pray lang and stay strong.

Magbasa pa

I'm so sorry for your loss mii.. December 2008 nakunan den ako..ang saya ko pa nung umaga kachat ko yung sis-in- law ko at bibigyan daw ako mga maternity dress..tapos nag withdraw lang ako sa atm paguwi ko ng bahay dinudugo nako maige kaya tinakbo nako sa ospital.. schedule ako for ultrasound kinabukasan 9:30am..umaga 9am naihi ako pero pagihi ko sumama na si kuya nakita pa ng byenan ko..pagsalang sakin sa ultrasound wala na daw makita ๐Ÿ˜ข niraspa ako.. August 2009 nalaman ko buntis ako ulit ๐Ÿฅฐ and ngayon I'm currently pregnant sa 3rd baby ko 12 weeks and 4 days ๐Ÿฅฐ..walang impossible sa Lord..just keep on believing that He make things beautiful in His time..maaring hindi pa ngayon mii, pero in God's perfect time pagkaka looban ka din ng para sayo ๐Ÿ’œ listen to Sela's "I will carry you" search mo sa YouTube.. virtual hugssss ๐Ÿฅฐ๐Ÿฅฐ๐Ÿฅฐ

Magbasa pa

sorry po sa pagkawala Ni baby mommy kapit ka lang mi, ako last 2019 26 weeks at 3 days na kunan ako, nairi ko sya, Dahil 50-50 ako sa ICU di agad pumapasok sa isip ko ang lahat hanggang umuwi ako halos 1 month din ako sa Hospital pag Uwi ko, dito sa Bahay lahat lahat Nang sakit di nawawala 1 year iyak Padin ako ng iyak Lalo Na pag Dadalaw Ako sa puntod nya, hanggang nitong 2022 nalaman ko na buntis ako ulit at this coming first week of October manganganak na ulit ako, walang imposible kay God napaka buti nya sa buhay natin Alam nya Kung pano Pawiin Ang kalungkotan natin, Iniisip ko nalang siguro mas masaya si ate baby girl ko sa Heaven kay sa Dito sa lupa Kaya sya Kinuha agad, pray ka lang mommy โค๏ธโค๏ธโค๏ธ

Magbasa pa
2mo ago

pinapa test ako ng ob ko sa thyroid kasi sumusuka pa rin ako till now sabi ko acidic kasi ako pero still pinapatest pa din ako

Sorry for your loss mommy ๐Ÿฅบ me too nakunan last 2 years and i feel you ๐Ÿ’” Sobra ang pagkabroke mas masakit kesa maiwan ng boyfriend ๐Ÿ˜ญ Donโ€™t lose hope mommy ibabalik ni lord saiyo yan โค๏ธ lagi ka pong magdasal kapit ka lang andyan asawa mo , family mo para ramayan ka at syempre si lord sa center natin ๐Ÿ™๐Ÿป BASBASAN KITA NG BABY DUST para bumalik agad baby mo โค๏ธ Ganyan din ako mommy kaya after 2 years binalik na sa akin baby ko kaya lang sa ibang father na kasi yung unang father ng baby ko is iniwan ko it because sobrang daming reason at alam ng karamihan yun ๐Ÿ’” Now iโ€™m 18 weeks pregnant till now natatakot ako magpaultrasound because of trauma sa first baby ko ๐Ÿ˜ญ kaya i wish this monday okay ang baby ko โค๏ธ๐Ÿ™๐Ÿป๐Ÿคž๐Ÿป

Magbasa pa
VIP Member

mommy hnd ka nag iisa akonga kakawala din ng heart beat ng baby ko nung august 3.. 2nd pregnancy ko ito at yung 1st pregnancy ko nawalan din ng heart beat at 25weeks ngaun naman 30weeks sya nawalan ng heart beat.. sobrang sakit kc 2x na nangyari sa akin to... kala ko mapapalitan na ng saya yung lungkot na nararamdaman ko pero ito naulit na naman... sa ngaun hnd pa ako naglalabor at hinihintay kopa na mag open yung cervix ko kc ayaw ako iconfine sa hospital hanggang hnd pa ako naglalabor... halo halong emotions ang naiisip ko kc sabi nila kelangan kona daw ito mailabas kc baka daw malason nya ako pero dalawa na naka check up sa akin na ob gyne ei sinasabi nila na hnd naman daw delikado kahit hnd pa sya lumabas agad..

Magbasa pa
2mo ago

nakalagay dun sa ultrasound nya na may hydrocephalus daw yung baby ko pero hnd kopa alam kung totoo kc hnd pa naman sya lumalabas hanggang ngaun ei...

sis, ako twice nakunan.. 2018 and 2020. yung first miscarriage ko mas madaling tanggapin kasi almost 2weeks p lng sya nung mwla since nlaman ko n buntis ako. pero ung 2nd ko, going 3mos n sya. d rn sya nadevelop ng husto. every night iyak ako ng iyak pg naaalala ko sya kasi knakausap ko n sya lagi noon s tyan ko e. may story telling bonding n rn kme. tapos mwwla pla sya.. ang nsa isip ko noon, ayaw sken ng baby ko.. ayaw nya ko maging mommy nya. ilang weeks akong ganun.. pero ntapos rn ung stage n un.. onting lungkot at iyak p sis malalagpasan mo rn yan. ilabas mo lng hanggang maging ok ka.. btw, im 38weeks preggy ngaun. may darating dn n another blessing sa inyo for sure.. sending hugs ๐Ÿ’ž

Magbasa pa