Anembryonic Pregnancy

Hi, want to share lang may experience, nag tanong na ko noon dito kasi nga may lumabas na buo buong dugo nung nag spotting ako, akala ko normal padin, after ko mag post ang daming comment na magpacheck up na ko, since bagong lipat lang kami at walang malapit na ospital o clinic samin, meron lying in pero walang ultrasound, medyo nahirapan ako mag hanap kung saan ako magpapacheck up pero nafefeel ko ng may mali kaya nag lakas loob kami na mag tanong sa kapitbahay, nirecommend niya sa holy rosary, pag dating dun nag dadasal lang ako habang nag hihintay sa nurse na sana kung ano man maging resulta, sana kayanin ko, habang inuultrasound ako tumulo nalang luha ko pagkasabing "walang laman" yun nalang naaalala ko sa mga sinabi sakin, sobrang nanlumo ako. Before pa ako isched for ultrasound chineck na kung may heartbeat, sinabi ng ob na wala siyang naririnig kaya simula nung isang araw pa hanggang ngayon iyak lang ako ng iyak. Kaya sa mga first time mom, importante po talaga na monthly mag pacheck up, wag tamarin o mag sabi ng "pag 5 months na ko magpapacheck up" Hindi ko naimagine na ganito, ang hirap tanggapin at sobrang sakit pero kinakaya. Sa mga may miscarriage, pray lang tayo, may mas magandang plan si Lord and everything happens for a reason ❀

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

condolence sis πŸ˜₯πŸ˜₯πŸ˜₯