Just wanna share with you guys my Miscarriage last Monday πŸ’” (10w3d)

Hindi ko alam kung paano pa ako mag uumpisa. Hindi ko alam kung ano dapat kong gawin. Halos 3 years namin hinintay.. Sa isang araw lang pala magbabago lahat.πŸ’” Sobrang excited pa namin na sana mag Aug. 8 na kasi makikita na ulit namin si Baby sa ultrasound at ineexpect namin na healthy siya dahil last check up namin sobrang good ng heartbeat niya.. Not until this sunday night came.. Bigla nalang ako nagspotting at sumasakit ang puson πŸ₯Ί Lahat ng excitement namin napalitan ng takot at kaba. Pero pinagdasal padin namin na sana okay lang ang lahat kahit nararamdaman ko sa sarili ko na may mali na talaga. August 8, 1:30pm. Nasa clinic na kami ni OB nag hihintay na matawag para macheck up at ultrasound. Halo-halong emosyon na nararamdaman ko pero pilit ko padin kinakalma ang sarili ko. Nung ako na tinawag para papasukin sa loob nung kaharap ko na si OB kinakabahan na talaga ko ng sobra.πŸ₯Ί Nung inuultrasound na ko tahimik lang si OB habang tinitignan niya yung screen ng bigla siyang nagsalita ng, "Mommy, hindi siya lumaki. Yung laki niya is pang 8 weeks padin katulad nung last time na check up natin." Parang bigla nalang huminto yung mundo ko. Tinanong ko si OB kung may heartbeat naman ba si Baby? Ang sagot niya, "Yun nga po e wala na po madetect na heartbeat niya." Halos 3 mins niya tinatry na madetect pero wala na talaga. Dun na tumulo luha ko at gumuho na mundo ko. Nagpapaliwanag siya sakin pero wala na ko maintindihan kaya sabi ko nalang kung pwede nalang paakyatin si hubby para siya ang makausap. Sobrang sakit!! Wala na ko nagawa kundi umiyak ng umiyak hanggang sa pag uwi 😭 4pm ininom ko yung gamot na nireseta niya sakin para bumuka ang cervix ko. Around 7-8pm sobrang sakit na ng puson ko at yung bleeding ko sobrang lakas na hindi na kaya ng napkin kaya nagpadala na ko sa ospital. Hindi na ko mapakali sa sakit iyak nalang ako ng iyak 😭 Around 11pm nung nagpunta ako ng cr para umihi. Pagkatapos ko umihi binuhusan ko yung bowl ng isang tabong tubig then may napansin ako na something black na parang palubog na kaya dinukot ko agad at yun na nga siya. Si Baby lumabas na talaga ng tuluyan πŸ₯ΊπŸ˜­ Nanlumo nalang ako.😭 Please help meeee. Hindi ko na alam gagawin ko 😭 Kahit anong libang ko sa sarili ko pagkatapos eh naiisip ko parin yung baby ko 😭😭😭 Hanggang ngayon pakiramdam ko nararamdaman ko padin yung pintig niya sa puson ko 😭😭😭 Miss na kita baby ko 😭😭😭😭😭#advicepls #pleasehelp

Just wanna share with you guys my Miscarriage last Monday πŸ’” (10w3d)
61 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ang lungkot neto :( nung 2021 sobra akong nag expect na magkaka baby nako tapos ayun walang heartbeat si baby 5 weeks lang sya tas dinugo nako, sobra akong na depressed hanggang sa tinanggal ko na sa prayer ko yung kagustuhan kong magka baby ulit, unti unti kong tinanggap na baka wala talagang para samin ng partner ko until Feb 2022 bigla nalang akong hindi dinugo march nako nag pa ultrasound kasi iniisip ko delay lang ako tapos ayun may baby na kami pero wala akong emosyon kasi di nako nag expect eh kung kelan ayoko na at di na ako ready saka naman binigay. Sabi nila Blessing in disguise daw, naniniwala ako sayo na darating din yung pinag darasal mo mommy sa tamang panahon ❀

Magbasa pa
2y ago

Same po tayo mommy nakunan aq last aug 2021. Sobrang nalungkot tlaga ako kz 1st baby nmin un at antagal nmin inintay ni hubby c baby kaso wala e n lost parin c baby.. Kaya ngaun wala p s plan n magkababy ulit kz sobrang natakot aq, pero in god plan.. Buntis po aq ulit at going 25 weeks npo c baby. 😊

Habang binabasa ko post mo mie iyak ako ng iyak,, awang Awa ako sa sainyo ni baby mo at the same time feeling ko sobrang bless ako kasi kahit hndi ako nag ingat ng 1st trimester ko pero eto, kasama ko parin c baby at ramdam na ramdam ko kapag gumagalaw sya,, 1 mon-5months cge parin ako pag bubuhat ng mga mabigat kaso business ko mga softdrinks at alak mabibigat tlaga yan, kapag wala asawa ko ako nag dedeliver sa mga tindahan na may order kaya sobrang tuwa ko na napakalakas nya sa loob ng tummy ko. 1 month nalang makikita ko narin c baby😘😍😍.. Pray kalang mie darating din ang panahon na babalik sya sau in God's perfect time

Magbasa pa

sorry for ur lost mamsh😭i feel u, ako din 2019 nagka miscarriage aq 1st baby sana after 5 long yrs of waiting, pero nung 11wks na nya bigla dn 2migil hartbit nya, hndi ko dn alam kung panu aq magsisimula ul8 nuun, 2020 i got pregnant again, pero nung 10wks na2man bigla aq nagbleed at un deretcho na,wala ul8,, sabi ko sa sarili ko f bibigyan pa aq ng nxtym ccguraduhin kung akin na, 2021 i got pregnant again, during mg 4mo.s nagka threaten abortion aq ul8,nagbleed ul8 aq, but GOD give me my time this time, i have my baby girl now,8mo.s na xa... magtiwala ka lng sis,,ibibigay yan ni GOD ON HIS TIME, HE KNOWS WHEN ITS TIME😘

Magbasa pa

hello mommy, keep fighting and have faith. may dahilan ang lahat kung bakit nangyari yan. 2 besses nako na miscarriage and the latest last december lang nung pag 3mos niya pag balik ko sa OB wala na din heartbeat si baby. sobrang sakit as in araw araw maiiyak ka nalang talaga at hindi ka makausap. pero pray lang po kay God and trust him kasi for sure may mas maganda siyang plan. and now po i’m currently 6mos pregnant, 3 times a day ako nag prapray everyday and trust him lang po. i just wanna share this prayer para sa sunod na pag preggy mo try mo lang and also put trust to him ☝️πŸ₯° keep safe mommy and laban lang.

Magbasa pa
Post reply image

Sorry for you loss mommy. Pero may plan si God, baka hindi pa po talaga sya para sayo. Last year nakunan din po ako, same as you blighted ovum po si baby. Means hindi po sya nagdevelop talaga. 11wks and 2days lumabas na sya sakin, gumuho din yung mundo ko. Support lang po need mo and prayers mommy, pray ka lang ng pray for your baby, Baka po next year bumalik na din po sya sayo mommy, parang ako po. Now po i’m currently 17weeks pregnant for my Rainbow Baby. Prayers po para sa inyo ni Baby. πŸ™πŸ»πŸ™πŸ»πŸ™πŸ» Be strong po and keep your faith kay papa jesus, may plan po sya for all of us.

Magbasa pa
Post reply image

Same po ninyo, nakunan din po ako. Nalaman ko neto lang Aug. 9 na wala ng heartbeat si baby, 6 weeks and 6 days siya. Kahapon lang parang kusa na siyang lumabas sakin. Sobrang sakit at hirap pong tanggapin na wala na yung baby ko pero sinusubukan ko nalang maging matatag para din sakanya kahit sobrang hirap. Nasa point ako ngaun na diko alam kung pano magsisimula ulit pero alam kong may plano si God kung bakit nangyayare to. Always talk to God and ask for His guidance po. Pray lang po palage. Hopefully, magiging okay din ang lahat hindi man po sa ngayon pero may awa po ang Diyos.

Magbasa pa

Pray lng mommy, lakasan mu loob mu, ganyan din naramdaman ko nung nawala ung 1st baby ko last aug. 2021 20weeks n sya, nag spotting ako tpos pag punta ko s ob ko, sinabi sakin n wala n dw heartbeat ung baby ko, sobrang iyak ko tlaga kz 3years din nmin inintay ng hubby ko c baby pero wala e, tlagang nd kinaya ni baby,.. Sobrang lungkot nmin ng asawa ko, pero kinaya ko basta anjan c hubby s tabi mu, at pray lng.. Ngaun po preggy nko ulit at going 25 weeks npo c baby.. Pray lng mommyπŸ™πŸ™πŸ™,.. Mi plan po c god para s inyo ni hubby mu.. 😊😊

Magbasa pa

feel you sis last June 13,2022 na kunan din po ako, 6weeks siya. sobrang sakit nga po mawalan. pero hindi na po ako naraspa kasi kusang lumabas na siya. and then now buntis napo ako ulit binalik po agad ni God yung nawala sakin. 8weeks pregnant napo ako ngayon pero di parin maalis yung pangamba dahil sa trauma ng una.. pero magtiwala lang po tayo Kay God β€οΈπŸ™ 7years po nmn hinintay si baby. first baby po nmn ni hubby to loobin. Pray lang po magiging okdin lahat.. sasama po kita sa Prayers ko.. β€οΈβ€οΈβ€οΈπŸ™πŸ™πŸ™

Magbasa pa
2y ago

Maraming salamat po πŸ™πŸ»πŸ₯Ί Sana bumalik din agad sa amin si baby soon πŸ₯Ί

Don’t give up mommy, same sakin nakunan after 7w4d, tuliro lang then after ako maraspa, di naman ako pinabayaan ni hubby, lagi niya ko kinakausap para di ko maisip ung nangyari. 10days after maraspa, nagcontact kami but never intended na may mabubuo since sinabi ng ob ko na after 2-3months daw ulit possible. Ayun, unepxectedly, ung first contact namin na un di na nasundan pero may nabuo pa din, and until now, nasa 15w na ko. Strong and healthy si baby so far. Thank God.

Magbasa pa
2y ago

ok po mommy thanks po πŸ™‚ opo may parang egg white ako non di ko sure kung fertile po ako non. after po kasi nung contact na yun nawala na po yung egg white discharge ko. after few days po spotting na.

naiyak ako, sorry for your loss po mamiii, wag ka pa rin po mawalan ng pag asa, I'm sure God has a bigger reason and plans for you, your hubby and ky baby why it all happened. Pray mo nalang ang baby mo at pangalanan mo padin po sya kahit wala na sya. May little Angel kana po sa taas na laging mag babantay sayo, I'm sure your baby is in the safest place with God. still im very sorry for your loss, no words can fathom your pain but i pray God will give you understanding, strength and courage. kapit lang po miii .

Magbasa pa
Related Articles