Just wanna share with you guys my Miscarriage last Monday 💔 (10w3d)

Hindi ko alam kung paano pa ako mag uumpisa. Hindi ko alam kung ano dapat kong gawin. Halos 3 years namin hinintay.. Sa isang araw lang pala magbabago lahat.💔 Sobrang excited pa namin na sana mag Aug. 8 na kasi makikita na ulit namin si Baby sa ultrasound at ineexpect namin na healthy siya dahil last check up namin sobrang good ng heartbeat niya.. Not until this sunday night came.. Bigla nalang ako nagspotting at sumasakit ang puson 🥺 Lahat ng excitement namin napalitan ng takot at kaba. Pero pinagdasal padin namin na sana okay lang ang lahat kahit nararamdaman ko sa sarili ko na may mali na talaga. August 8, 1:30pm. Nasa clinic na kami ni OB nag hihintay na matawag para macheck up at ultrasound. Halo-halong emosyon na nararamdaman ko pero pilit ko padin kinakalma ang sarili ko. Nung ako na tinawag para papasukin sa loob nung kaharap ko na si OB kinakabahan na talaga ko ng sobra.🥺 Nung inuultrasound na ko tahimik lang si OB habang tinitignan niya yung screen ng bigla siyang nagsalita ng, "Mommy, hindi siya lumaki. Yung laki niya is pang 8 weeks padin katulad nung last time na check up natin." Parang bigla nalang huminto yung mundo ko. Tinanong ko si OB kung may heartbeat naman ba si Baby? Ang sagot niya, "Yun nga po e wala na po madetect na heartbeat niya." Halos 3 mins niya tinatry na madetect pero wala na talaga. Dun na tumulo luha ko at gumuho na mundo ko. Nagpapaliwanag siya sakin pero wala na ko maintindihan kaya sabi ko nalang kung pwede nalang paakyatin si hubby para siya ang makausap. Sobrang sakit!! Wala na ko nagawa kundi umiyak ng umiyak hanggang sa pag uwi 😭 4pm ininom ko yung gamot na nireseta niya sakin para bumuka ang cervix ko. Around 7-8pm sobrang sakit na ng puson ko at yung bleeding ko sobrang lakas na hindi na kaya ng napkin kaya nagpadala na ko sa ospital. Hindi na ko mapakali sa sakit iyak nalang ako ng iyak 😭 Around 11pm nung nagpunta ako ng cr para umihi. Pagkatapos ko umihi binuhusan ko yung bowl ng isang tabong tubig then may napansin ako na something black na parang palubog na kaya dinukot ko agad at yun na nga siya. Si Baby lumabas na talaga ng tuluyan 🥺😭 Nanlumo nalang ako.😭 Please help meeee. Hindi ko na alam gagawin ko 😭 Kahit anong libang ko sa sarili ko pagkatapos eh naiisip ko parin yung baby ko 😭😭😭 Hanggang ngayon pakiramdam ko nararamdaman ko padin yung pintig niya sa puson ko 😭😭😭 Miss na kita baby ko 😭😭😭😭😭#advicepls #pleasehelp

Just wanna share with you guys my Miscarriage last Monday 💔 (10w3d)
61 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

mommy hnd ka nag iisa akonga kakawala din ng heart beat ng baby ko nung august 3.. 2nd pregnancy ko ito at yung 1st pregnancy ko nawalan din ng heart beat at 25weeks ngaun naman 30weeks sya nawalan ng heart beat.. sobrang sakit kc 2x na nangyari sa akin to... kala ko mapapalitan na ng saya yung lungkot na nararamdaman ko pero ito naulit na naman... sa ngaun hnd pa ako naglalabor at hinihintay kopa na mag open yung cervix ko kc ayaw ako iconfine sa hospital hanggang hnd pa ako naglalabor... halo halong emotions ang naiisip ko kc sabi nila kelangan kona daw ito mailabas kc baka daw malason nya ako pero dalawa na naka check up sa akin na ob gyne ei sinasabi nila na hnd naman daw delikado kahit hnd pa sya lumabas agad..

Magbasa pa
2y ago

nakalagay dun sa ultrasound nya na may hydrocephalus daw yung baby ko pero hnd kopa alam kung totoo kc hnd pa naman sya lumalabas hanggang ngaun ei...

Related Articles