Stubborn 5 year old Son
Hindi ko Alam kung normal tong nararamdaman ko pero nawawalan ako ng amor sa anak ko sa tuwing nag ttantrum sya. Andun na ung sumisigaw sya, lumalaban, nagdadabog etc sa edad na limang taon. Nkakalungkot lang isipin bakit ganito nararamdaman ko, nauubos ang pasensya ko pag dating sa knya. Grabe tlaga sya mag tantrum, prang araw araw nalang. ???
Ganyan din mommy baby girl at baby boy ko 4 years old at 1years old . Pag nag Tantrums sila mami , Kinakausap ko isa isa . yung babae ko kinakausap ko with matching pagdedesiplina. at kapag alam niyang dinidisiplina ko na sya tumitigil na sya sa pag tantrums niya , pati bunso ko ganyan kaya hoping na mgaya mo yung katulad ng saken kung paano ko i handle yung tantrums nila hindi ko sinasabi na Paluin mo anak mo mami , pero sa pag nag start na yung TANTRUMS nila much better to talk to them, kasi minsan kailngan lang nila pag didisplina at konting attensyon while you guiding them.
Magbasa paMinsan yung mga bata nagtatantrum to get your attention. May limitation din yung pasensy nating mga mommy. Pero as much as possible tabihan mo anak mo, hawakan mo, and kausapin. Kailangan nya lang malaman na nandyan yan. Yun yung nagwowork sa 5 and 3 yr old ko. And pansinin mo din na mas ngwawala sila kapag si mommy nandyan and hindi kay daddy kasi mas comfortable sila sa mommy. Lumalabas lahat ng sama ng loob nila kay mommy and mas kailangan ka nila.
Magbasa paLove and care ang need ng bata momsh.. Kung pinapakita mo na galit ka mas lalo siyang mag ta tantrum.. Attention lang ang katapat at di ka nawawalanng amor naiinis ka lang. inhale exhale ka at lagi mo iisipin na tayong mga nanay dapt sobrang mahaba ang pasensya sagad sa buto ganern.. i divert mo sya momsh..
Magbasa paMomshie thank you so much! I feel better na May nkakausap ako, I appreciate mga reply nyo kahit di nyo ako kilala 🙂
ganyan din anak ko. 6 years old, nakakaubos ng pasensya. sinubukan ko na kausapin lang, paluin, , bigyan ng prize, waley. araw2 ko na lang kinakausap. tinigil na namin ang gadgets, parang nakatulong naman. nagpapapansin din kasi.
Hindi ko na din binibigyan ng gadget hanggat maaari. Inisip ko baka nagseselos sa kapatid nya na baby pero minsan nakakapagod lang. thank you sa reply mommy.
Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-41746)
hello po. kng ano po nakikita niya sa environment na aadopt din po yon ng bata. Or kng ano po yong emotions na nafefeel niyo, pwedi po yan ma pasa sa bata.
same Po sa anak ko na lalaki 4 years old gusto lng Po siguro nila magpapanasi. Ang gingawa kopo kinakausap ko sya mabuti kung Anu ba gusto nya