need advice

Hindi ko alam ano gagawin ko. 1month 6days na baby ko. Yung pagod,puyat sa pag aalaga ramdam ko lhat. Pero bakit yung mga kasama ko dito sa bahay, yung nanay ng asawa ko, walang pakialam. Hindi man lang tumulong wala naman sya ginagawa dito. Tapos kapag kelangan nmin umalis ng asawa ko para mag bayad ng bills etc pwede nya bantayan pero dapat patulugin ko daw muna. Hindi ko alam kung nag seself pity lang ako pero wala kasi tumutulong sakin. Mula sa pag aalga sa baby ko umaga gabi ako lang lhat. Ako pa laba ng damit nya linis ng dede. Ako pa nagluluto ng ulam. Sabayan ko daw tulog ng baby ko para makapag pahinga. E pano ko gagawin yun kung pag tulog baby ko tsaka ako gagawa ng chores. Yung asawa ko naman walang kusa. Kung di ko sasabihin na sya mg sterilize ng dede di sya kikilos. Pag sinabi ko na kumuha kami ng katulong ksi nahihirapan na ko sasabihin sakin di namin afford. So pano na ako lahat tapos sila relax lang ?????

101 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ftm din po ako mag 2months palang baby ko ganyan na ganyan din ako dumating panga sa time na parang nababaliw na ako nanlalamig mga pawis at sumasakit mga laman laman ko sa sobrang pagod. Iyak din ako ng iyak kasi feeling ko ako lang mag isa siguro sa pagod kk simula nanganak ako. Kaya mo yan mamsh ganyan talaga siguro pag nag uumpisa kana sa buhay may anak at bumubuo ng pamilya. Hanggang ngayon nag aadjust parin yung katawan ko.

Magbasa pa
VIP Member

Nakakapagod tlga mamsh pag newborn. Pero hindi naman masamang manghingi ka ng tulong lalo na sa asawa mo. Kausapin mo sya. Maganda na nae-experience nya yng mga paghhirap mo para mas maintindihan ka nya lalo. Kagaya ko saamin ng asawa ko simula nung naranasan nya yng mga ginagawa ko kusa na syang tumutulong. Kaya mo yan mamsh bsta wag ka mahiyang manghingi ng tulong need mo din ng pahinga khit saglit payan ☺️

Magbasa pa

I feel you po. I have 2 months baby, kapag tulog sya dun lng ako nakaka gawa nang mga gawain ko. Nandoon ang hirap at saka pagod pero sabi nga nila, sa Una pa lang yan. Masasanay ka rin. Sometimes, binonbontong ko sa ama nang baby ko ang lahat hirap at pagod. Tanging magawa nya uy Moral support lang kasi nasa malayu sya. Kaya ito, fight lang. Pray kanalang po sis na kusang loob ka tutulongn nang biyanan mo.

Magbasa pa

momsh ganun tlga taung mag ina dapat kinakaya natin.. eh di lalo na if may sarili kna bhay lahat sau ala kang maaasahang iba kundi sarili mo... me nga nag hhatid pa sa 2 kong anak nag ddrive pa ako tas pag dating bhay linis laba garden may alaga pang mga 4 na puppies partida ha at buntis pa kinakaya ko lng kasi trabho tlga natin mga ina ito... ganun tlga ang buhay... if kaya nmin kaya mo din...

Magbasa pa

Ganyan din po ako nun. Pero kapit lang. Ang ginagawa ko nun nkikipag chat ako sa mga kaibigan ko para maging masaya naman ako. Kumbaga sarili ko nlng dn tinutulungan ko pra mwala lungkot ko tpos kinakausp ko si hubby tngkol dun. Tpos minsan iniiyak ko pa. Di naman msma na umiyak ka. napapgod tlga tayo so ilabas mo saknya ikwento mo ung nararamdaman mo para gumaan sa pakiramdam.. 😘😍

Magbasa pa

Bumukod nlng kayo.. About dun sa reklamo mo tungkol sa wala tumutulong sa anak mo, anak mo yan. Respomsiblidad mo yan kaya wala ka karapatan magreklamo. Pero kung pati ung buong pamilya ng asawa mo e ipagluluto, ipaglilinis, at ipaglalaba mo, un puede ka magreklamo... Kung ganun ginagawa sayo e mabuti pang bumukod nalang kayo

Magbasa pa

Feel ko yung pagod at puyat m momsh pero di narabsan ang hindi ako tinutulongan kahit malau nanay ko.hindi namn ako pinapabayaan ng tita ng asawa ko at ang asawa ko ang naglalaba samin.din ako hinahayaan lang matulog at mgpahinga..ngayon 6mos na c baby ko at bfeed namn sya kaya no beed na mga bote...pray ka lang momsh may mga kanya kanya taying mga burden..

Magbasa pa

I feel you momsh ganyan din ako. Ako lahat linis ng bahay, luto, laba alaga kay baby. No choice nkabukod kc kame. At d namin afford mag katulong. Pero pag nakikita ko c baby nakasmile at nadaldal(mag 3months na sya) nakakawala ng pagod.minsan naiyak nlng ako sa pagod pero naisip ko kakayanin ko lahat para kay baby. Kaya kaya mo yan momsh

Magbasa pa

Mahirap talaga, ako 1st baby ko CS pa ko ako lahat sa bahay umaga gabi. naglalaba pako sa gabi pag tulog mag ama ko. 2 months pa lang baby ko. Mahirap talaga nakaka stress parang gusto muna bumigay Thanks God yung asawa ko pag nakakatulog ako di ako ginigising hinahayaan ako mag pahinga. Kaya mo yan ganyan talaga ako nasanay na lang.😊

Magbasa pa
VIP Member

Sobrang nakakapagod tlga yan mamsh. Ako mag 1 month palang baby ko, pero kay baby lang ako nakafocus, the rest ay si hubby na ang gumagawa. Paglalaba, pagluluto, maski pagpupuyat ginagawa rin ni hubby. Ikaw pa kaya na ikaw lahat gumagawa, buti di ka po nabibinat. Pakatatag ka po para kay baby! Kayang kaya mo yan mamsh! Godless po😊

Magbasa pa