need advice

Hindi ko alam ano gagawin ko. 1month 6days na baby ko. Yung pagod,puyat sa pag aalaga ramdam ko lhat. Pero bakit yung mga kasama ko dito sa bahay, yung nanay ng asawa ko, walang pakialam. Hindi man lang tumulong wala naman sya ginagawa dito. Tapos kapag kelangan nmin umalis ng asawa ko para mag bayad ng bills etc pwede nya bantayan pero dapat patulugin ko daw muna. Hindi ko alam kung nag seself pity lang ako pero wala kasi tumutulong sakin. Mula sa pag aalga sa baby ko umaga gabi ako lang lhat. Ako pa laba ng damit nya linis ng dede. Ako pa nagluluto ng ulam. Sabayan ko daw tulog ng baby ko para makapag pahinga. E pano ko gagawin yun kung pag tulog baby ko tsaka ako gagawa ng chores. Yung asawa ko naman walang kusa. Kung di ko sasabihin na sya mg sterilize ng dede di sya kikilos. Pag sinabi ko na kumuha kami ng katulong ksi nahihirapan na ko sasabihin sakin di namin afford. So pano na ako lahat tapos sila relax lang ?????

101 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

kaya natin at kakayanin po natin yan momsh... ganyan dn po ako... akin lht ng gawaing bhy, luto laba, hugas ng pinggan at linis ng bhy.. my 6y/o p aq na hinahatid sa school.. gumigising ng maaga para ipagmaluto ang aking asawa.. nkksurvive nmn po... magfofour mos. n ang bebe ko... keribels natin ito... 😊😊😊

Magbasa pa

In short mami. Hindi reaponsibilidad ng iba ang tungkulin natin bilang magulang . Wala tayong karapatan mag question bkit ndi ka tinutulungan.! Gusto ko lng maging prangka . Thank you ka nlng if tulungan ka if ndi wag sasama loob mo dahil nung ginawa si baby hindi kasama yung mga taong binabanggit mo :) just saying. No hates !!!

Magbasa pa

Ganyan din asawa ko... yung pagod ko sobra sobra na. Pero kinakaya naman... I habe 3kids. 4, 2 yrs. Old and 3 months old baby. Nasa time management din yan sis. Kaya mo yan... ako nagluluto hanggang tanghalian na namin. Sa awa ng Diyos mabait yung pnganay ko nakakatulong sa pag babantay. Kahit galaw galaw lang ng stroller'🤣

Magbasa pa

Kausapin mo sila na kailangan mo help ni hubby mo kc dalawa kayong gumawa sa baby nyo kaya share kayo ng responsibility sa knya.hirap nun na ikaw lang ang gumagawa sa lahat then 9 months mo pa dinala sa tiyan mo si baby then nanganak ka pasanin mo pa lahat...sabihin mo di kaw si darna at napapagod ka din..

Magbasa pa

Same sis. I'm 19 years old 3 na kapatid ng asawa ko kasama namin sa bahay plus nanay nya wala tlg ako makatulong. Mula naipanganak ko baby ko ako na lahat lahat saknya wala akong katulong. Maski pag ligo ko di ko na magawa. Pag dting pa ng asawa ko sa gabi ako makakaligo. Post partum depression pa yan sis.

Magbasa pa

Kausapin mo momshie ang asawa mo para alam nya kung ano saloobin mo, Siya lang makakatulong sayo dahil nasa side ka nya. At para matulungan ka nya sa gawaing bahay. Pakatagtag ka momshie maliit pa si baby mahirap ma depress .. Bawal magkasakit ang mga mommy! 😊 Mapapagod pero di Susuko! Go lang! 😘

VIP Member

Makakasurvive ka din momshie gnyan din ako dati postpartum yan,kaya mo yan isipin mo lage si baby,pag ako ganyan, feeling ko pagod na pagod nako,tinititigan ko lang ung anak ko tapos ikikiss ko lang minsan yayakapin ko,nalakas ulit ung pakiramdam ko,sobrang iyakin pa anak ko nun dati

Asawa mo dapat tutulong. Wla naman iba dapat magtulungan kundi kayong mag asawa. Wag kana umasa sa manugang mo, di nya naman obligasyon eh. Yung asawa mo dapat tumimbang sayo kahit pa sya yung naghahanap buhay, pwera nlng kung pagod din sya. Ganyan talaga, tao lng din napapagod din.

Kaya yan mommy ..minsan nakakaramdam talaga tayo ng pagod ..pero tingnan mo lng po anak mo palagi sya ang hugutan mo ng lakas wag po masyado mag iisip at pagurin un sarili ..laban lng tayo para sa anak natin ..kakaanak ko lng din 1 month and 11 days pa baby ganyan din po ako sayo ..

Just be strong mommy for your baby. I can feel you but I'm just thankful that I have my parents and a sister that helping me with my baby. Pero ako talaga nagbabantay at night then kung pinuyat ako ni baby yung nanay ko mismo kakatok sa kwarto to get my son para makatulog ako.