101 Replies
Ganyan din po ako dahil first time mom lang ako. At 21 yrs old lang, wala din akong ksma mag alaga talaga sa baby ko mula ng lumabas sya sobrang hirap ksi hindi naman ako marunong pa tlaga mag alga yung papa ko natuturuan nya ko pa konti konti kasi busy din sya sa work. Kami lang ng baby ko palagi asa bahay, cs pa ko kaya ang hirap gumalaw nung una. Breastfeeding pa nakakapgod ksi sasakit yung dede mo yung nipples mo. Plus masakit katawan mo gawa ng kakapanganak mo lang, masakit tahi mo, hirap kang gumalaw. Puyat pa ko, di ako makabawi ng tulog. Ako din nag lalaba ng damit ni baby araw araw. Hindi na ko nakakakain ng umaga at hapon, tuwing gabi nlng ksi dindlhan ako ng papa ko pero sobrang hirap talaga. Until now nag aadjust pdin ako d pdn ako nkakakain sa umaga at tanghali, kung makakain man ako hapon na. Ang hirap ksi bf ako. Kaya nag mix feed nlng ako, pero paunti unti nggwa ko nadn ibang bagay gaya ng pag lalaba ng mga damit namin. Pero yung tulog sa umaga puyat na puyat tlaga ako. Mag 2 months na baby ko ngayon at sobrang thankful ako ksi okay ndin katawan ko pati na tahi. Di na tulad n dati ng sobrang hirap, at tuwing tinitignan ko baby ko sobrang sarap sa feeling. Kaya natin to mga mommies. Mula ng mangank ako mas naramdamn kong napka lakas ko. Thank You Lord!
sorry to hear about your situation, mommy. wala din akong yaya nung newborn ang bunso ko. ako lahat. swerte na kung makaligo ako at makakain on time. ganon po talaga kapag newborn. pero wag kang mag-alala dahil hindi naman siya forever na ganyan. tiis-tiis lang muna. yung tungkol sa MIL mo, sorry to say pero siyempre anak ninyo kasi yan. kayo may main responsibility sa kaniya. you cannot obligate other people to do it for you. intidihin mo din na matagal nang hindi humahawak ng bata ang MIL mo, baka hindi na rin siya sanay o kampante na she can take care of a baby. BUT what she can do is help around the house. kumbaga ikaw sa baby, siya sana sa mga gawaing bahay para at least hindi mo na iisipin magluto, maghugas pinggan etc. if you're breastfeeding, dont stop. kaya hindi ako nabaliw nung wala akong yaya kasi exclusively breastfed si baby. so walang added chore ng paghugas ng bote at pag sterilize. mas madali din painumin ng milk at patulugin kasi kumportable siya sa dede ko. hehehe also ano ginagawa ni husband? dapat tulong din siya sayo. yung asawa ko, siya taga palit ng diaper.
Nako ako din sis nakakapagod talaga mag alaga ng baby. Pero ako nag aalaga lang ako pero nakakapagod pa din. What more kapag pati household chores gagawin ko edi mas lalong nakakapagod talaga. Pure breastfeed naman ako kaya no need na mag pump kase nakakatamad maglinis ng bote. Kaso pag sobrang antok na ako at gusto ko ng komportable na sandal hindi ko magawa kase si baby mahihirapan naman sa pwesto kaya sacrifice kahit sobrang antok. Minsan nauubos na pasensya ko kase panay iyak si baby at hindi ko na alam kung anong gusto. Pinadede at pinadighay ko na at pinalitan ko na ng diaper pero naglilikot padin. Minsan gusto ko nalang iyakan baby ko pero kailangan talaga habaan pasensya hehe. Sis advice ko sayo patulong ka sa mama mo kung kaya ng mama mo para nga may katulong ka. Mommy ko kase katulong ko pag iyak ng iyak baby ko at hindi ko na alam ang gagawin. Pati pagpapaligo kay baby at pagpapaaraw, mommy ko ang gumagawa. Pero pag sa gabi, ako na. Kaya napupuyat ako hehe. Goodluck mommy kaya mo yan para kay baby. Habaan mo pasensya mo. Ganyan talaga pag nanay na hehe kailangan mag sacrifice
Ako dahil nasa side ako ng partner ko yung byenan ko maasikaso naman sya nagagalit nga sya sa asawa ko pag ako nakilos baka nga daw mabinat ako. Ang kagandahan dun alam ng byenan ko ang pakiramdam ng mga ayaw tulungan. dahil dati ganun din daw sya sa side ng tatay ng asawa ko. Halos wala rin pakelam saknya sya lang daw talaga tumutulong sa sarili nya. Kaya ngayon ayaw nyang maranasan ko yun ganun npaka bait ng byenan ko yung panganay ko simula baby yun sya katulong ko sa pag aalalaga hanggang ngayon lalo na magiging dalawa n apo nya mas excited pa sya. Feeling ko parang nanay ko talga sya kung asikasuhin kami mag ina ng anak ko☺️ yung byenan mo parang tamad din walang pake kahit apo nya naman yan. Dapt nga alam nya na di kapa pwede mag pakapagod. Saka yung asawa mo para ding walang pake sayo. Nako sakin ako pa pinapagalitan pag nag kikilos ako kahit me trabaho payun pag uwi nun sya p kikilos at matulog na daw ako. Siguro swertihan nalang din talaga sis sa makakasama ntin sa buhay. Pero kaya mo yan malalagpasan mo yan. Isipin mo nalang para kay baby nalang yung ginagawa mo☺️
İ feel you sis. Best is sabihan mo si husband mo. Mag rotation kayo magbantay sa baby. Sabihin mo na nahihirapan ka na. Either siya sa gabi magbantay para makatulog ka. Talk to him. Ganyan din ako sa husband ko. And since ayaw niya magbantay sa gabi-forced siya na kumuha ng yaya. Yung yaya namin dati ang night shift. Tulog ni yaya namin sa umaga. Damit kang din ni baby nilalabhan niya. Damit namin nagpapalaundry na lng si Hubby ko. Di daw kasi niya kaya puyat kasi work siya every morning. Plus 39 na siya when my daughter was born. Wag mo din patulugin ng buong araw si baby-para gabi ang tulog niya.. 😊.. Si MIL mo naman, wag kna masyado umasa.. hayaan mo mga labahan mo.. priority mo matulog and makapagpahinga. Sa pagluluto, hayaan mo si Hubby magluto every morning since di nman nyo afford ng house help. Tapos if meron ka time magluto ko nang adobo, giniling, menudo or iba na pwede mo ilagay sa baunan tapos ilagay sa freezer. That way, no need kana magluto parati. If tinatamad ka, painit mo na lang ng ulam. Hang on sis. 6 months tlga ang challenge sa baby.
Mapagod talaga mamsh lalo kung panganay mo pa lang yan. Kami kasi mag iina hanggang 1month stay lang kami sa parents ko at yun din naman gusto ko tapos nagpapalaba ako hanggang 2months the rest ako na, solo din kami sa bahay walang iba kasama asawa ko nasa malayo nagtratrabaho. Pero sabi nga nila pag nanay na lahat kakayanin lahat nagagawan ng paraan. Newborn pa lang yan mas madami pa tulog, tuwing hapon sabayan mo tulog nya mas ok powernap bilis maka refresh ng katawan, at yung iba gawain bahay gawin mo unti unti wag mo biglain kasi mararamdaman mo talaga pagod kung gawin mo lahat. Sa paglalaba sabihin mo sa asawa magpalaba na lang kayo or salitan kayo sa paglaba if ayaw nya. Pag day off ng asawa mo restday mo na din para pahinga. Wag ka umasa sa tao sa paligid mo kasi lalo ka maaawa sa sarili mo. Wag mo din sanayin karga si baby para di ka mahirapan. Natuto ako kumain gamit isang kamay, magluto ng may kargang bata, maligo ng mabilisan at maglaba maghapon ng paunti unti. Kaya mo yan mamsh di ka nag iisa. Lahat tayo dumaan sa ganyan.
I know what you are going through I am a solo parent tapos yung family ko wala sa tabi namin... but during our first month sobrang struggle kasi ramdam ko yung pagod at parang yung katawan ko di pa nakakrecover ng maayos..eventually i accepted na wala tutulong sa amin sa mga gawain bahay. I sleep train my daughter as early as 1 month old kaya straight sya matulog sa gabi and ebf kami to lessen the chores (hugas at sterelize ng bottles) once nakatulog na sya sa gabi dun ako gagawa sa bahay but kapag nakaramdam na ako ng pagod hindi ko na tinatapos bahala na sila kung may masabi we moms need our rest too. Pasundot sundot lang na chores ang ginagawa ko:.. wag mo pressure sarili mo sa chores sa bahay. And if you think social media influences you and ask yourself “bakit sila parang kaya kaya nila” avoid it iba iba tayo and we dont know behind the scene ng. Tao sa socmed.. just enjoy your motherhood and lilipas din yan kaya mo yan ❤️
Hi Mamsh, don't worry normal naman yang naffeel mo, maging open ka sa partner mo kasi walang ibang tutulong sayo kundi siya lang pero kung nagkataon naman na wala talaga siya buong araw magpahinga ka nalang sa gabi kasi magkapareho tayo ng situation, ako din lahat sa baby ko, laba,plantsa,hugas pinggan, luto etc lahat na, kaya wag ka mawalan ng pagasa or magpatalo sa stress, kailangan ka ng baby mo kaya kailangan maging strong ka. iiyak mo lang tapos move on na ulit, ganyan lang sa una, nakakapagod at nakakapuyat pero dadating sa time na at mapagtatanto mo na routine mo na ang mapagod at yung pagod parte na ng katawan mo.😊 Kung hindi mo mahanap ang suporta sa asawa mo tawagan mo ang kamaganak mo or close friend mo, pramis makakatulong yan. Kaya natin yan. Wag mo na isipin ang mga taong walang konsiderasyon instead hanapin mo or isip ka ng taong pdng tumulong sayo kahit pansamantala lang
Natural lang lahat ng nararanasan mo ngayon. Siguro lahat ng nanay dito nararanasan yan. Wag ka ma offend pero hindi natin dapat ubligahin ang ibang tao para alagaan ang anak natin. Kahit magulang mo pa yan o magulang ng asawa mo. Pag isa ka ng ina at asawa malaking papel na talaga ang hawak mo. Kaya nga yung iba na dedepress dahil feeling lonely na and palagi na lang nasa bahay para magasikaso sa pamilya. Pero dahil ginusto natin dapat panindigan natin yung role na yun. Kung magbabayad kayo ng bills mamsh baka pwedeng isa na lang yung lumabas para may kasama yung anak nyo. Same scenario parin naman kahit bumukod kayo, lahat ikaw parin ang gagawa sa bahay. Mahirap talaga maging ina, bawal mag reklamo. Hindi rin naman natin alam kung gaano kahirap ang trabaho ng asawa natin kaya hindi rin natin masisisi kung makalimot silang tumulong. Lahat ng ina kaya yan, kaya mo rin.
I feel you. You are in the phase of adjustment. Post-partum. Di ko alam kung alin ang much better pero pareho tayo ng pinagdaanan in a way na ako lahat din ang gumagawa sa bahay plus alaga ng anak. Nakabukod kami. wala akong ibang aasahan kundi sarili ko lang. nasa newborn stage si baby nun. Kami lang dalawa ni baby sa bahay. Darating asawa ko hapon na. Ako lahat. Since nagwewelding sya bawal mabasa ang kamay. Kaya inako ko lahat. Dumating ako sa point na mababaliw ako. Totoo. Dumating ako sa point na tumatawa tas iiyak. Hindi na daw ako nakilala ng asawa ko. Nabaliw ako. Hindi biro ang manganak tapos wala kang katuwang. Hormonal imbalance. Pano ko naovercome? Kinausap ko asawa ko. Pinaliwanag ko sknya na hindi ko kaya ng walang katuwang. I thank God dahil maunawain asawa ko at tinulungan na nya ako. At syempre tatatagan mo loob mo. Wag ka dapat papatalo. Goodluck at Godbless.
Jen Molo