depress nanay ???

hi first time mommy ako at sobra akong nagi-guilty kasi di ko man lang mapadede baby ko(breastfeeding) kasi konting gatas lang nalabas sakin kaya 1 week ko lang sya napadede sakin since pinanganak ko sya then nagchange na ko ng bottle feeding using bonna and now she is 1month and half pero point 1 lang yung nadagdag sa timbang nya? pano ko po ba mapapadami yung gatas ko?

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hi sis..:) normal po na madepress at maguikty ka as a first time mom..:) minsan kala natin normal lang satin na nakapadede tayo may iba madali lang makapag padede may iba naman talagang nahirapan. pero tandaan po natin na FED IS BEST. hindi po kapabayaan ang pagpapa formula feed. yung current timbang po ba niya ngayon masasabing underweight? if hindi naman po underweight si baby ok lang po yun. make sure lang po na napapadede ng naayon sa packaging ng binna or if hindi po icheck niyo po sa pedia if ano pong pwede niyang milk since hindi siya nag gain ng weight.:) ako ay isang breastfeeding mom pero hindi ibig sabihin na nagformula ka magiging kabawasan ito sa pagiging ina mo.:) basta ang importante po ay naalagaan mo ng mabuti ang anak mo. ang masusuggest ko po from time to time ipatry mong ipalatch si baby sayo.:) pero if all else fail ok lng din naman po mag formula feed make sure lang po na tin na malinis lahat ang thbig kagamitan at tama po ang timpla. unahin po munang ilagay ang tubig bago ang powder para sure na tama at sakto ang tubig measurement. suggest ko din po na if magbobottle feed kayo kargahin mo pa rin siya para andoon pa rin ang bonding niyong mag ina. sa pag papainom ng tubig iask niyo po muna ang pedia niyo wag po basta papainumin si baby ng tubig ng wala pang 6 mos kahit formula feed po siya. wag ka na pong madepress inay..:) ok lang po magbottle feed ang importante masaya kayo ni baby. pag nadedepress ka malungkot din si baby..:) kanya kanya po tayo ng motherhood experience..:) ok lang po hindi maging perfect..:) kumbaga may kanya kanya tayong pagkakamali sa pagaaruga ng anak pero importante nabibigay natin ang best natin. at tandaa FED IS BEST! chin up and enjoy motherhood..:)

Magbasa pa
7y ago

thank you mga nanay sa message nyo😊 atleast kahit papano na-boost yung confidence ko as a nanay 😁