Family Problem

Hi co-mommies , ask ko lang po kung ano po gagawin niyo kapag yung parents mo ayaw sa asawa mo pero ikaw sobrang mahal mo ang asawa mo. Tapos dumating sa point na papapiliin ka ng mga magulang mo kung yung asawa mo o sila. Sino mas pipiliin niyo?? asawa niyo o magulang niyo ?

45 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Para po sa sarili kong opinyon. Wala ka naman talaga dapat piliin kase pareho mo ng pamilya sila. Pero once kase na nag asawa ka na o ikinasal kana nakatali kana sa asawa mo. Lalo na kung may anak na kayo. Sila na ang priority mo kase sila na ang makakasama mo habang buhay. Kaya nga bumubukod ang mga mag asawa para sa binubuo nilang pamilya. Pero sana wala dapat piliin kase ang magulang mo mananatiling magulang mo habang buhay. Balang araw matatanggap din nila ang asawa mo, meron lang siguro silang sariling dahilan. Di mo kase maaalis sa magulang ang mag alala para sayo.

Magbasa pa